Risa's POV
"Para sa'kin to?" tanong niya ulit. Tumango ako na may ngiti sa labi.
Kita ko naman na kumislap ang mga mata niya at niyakap ako. Medyo awkward kong niyakap siya pabalik. Pero 'yung damdaming inakala kong mararamdaman kong — kasiyahan at kapanatagan ay hindi ko naramdaman.
"Salamat talaga" sabi niya habang kinukuha ang kwintas mula sa kamay ko at agad na sinuot.
"Ano, bagay ba?" tanong niya.
"Bagay." sagot ko na may ngiti. Bumalik siya sa mga kaibigan niya, malamang para ipagyabang ang kwintas. Pinisil ko ang tulay ng ilong ko at bumalik sa bar. Umorder ako ng whiskey - paborito ko.
Pag-inom ko pa lang ng unang lagok, biglang may dumagundong na tapik sa likod ko, dahilan para mabilaukan ako. Hindi ko na kailangang lingunin. Iisa lang ang taong kayang gumawa ng ganun sa akin - ang kaibigan kong si Daniella, na hindi ko alam kung blessing o sumpa sa buhay ko.
"Anong kalokohan 'yon?" iritadong sabi ko habang pinupunasan ang bibig ko.
"Miss na rin kita," ngiti niya. Totoo naman - huling kita namin ay noong kasal ko, apat na buwan na ang nakalipas. Pero hindi ko naman sasabihin sa kanya 'yon. Tumitig lang ako sa kanya.
"Saan ka ba nanggaling?" tanong ko.
"Negosyo," simpleng sagot niya sabay lagok ng natira kong bourbon. Napangiwi ako sa baso kong walang laman habang si Dan ay kampanteng-kampante. Ganyan siya - sanay na sanay sa akin simula pa pagkabata.
"Eh ikaw? Balita ko andito ka kasama ng 'asawa' mo." Ginamit pa niya ang air quotes.
"Kasama ko si-" putol ko pa lang, pinutol na niya.
"Si Sheila. Alam ko."
"Paano mo nalaman?" tanong ko, kunot-noo.
"Yung date ko ang nagsabi," sagot niya sabay turo sa kanan. Sinundan ko ang tingin niya at literal na parang lalabas ang mata ko sa pagkagulat.
"Si Anne?! Hindi ko alam na kayo pala," sabi ko. Pero ang tingin niya ay nananatiling nakatutok kay Anne, na natatawa sa sinabi ng isang matandang babae. Hindi siya ganito kadalas seryoso.
"Complicated," sagot niya, hindi pa rin inaalis ang tingin. Ilang minuto siyang nanahimik bago lumingon sa akin - at ngayon, seryoso na ang mukha niya. Hindi ito ang karaniwang Daniella.
"Anong ginagawa mo?" tanong niya. Tinaas ko ang baso kong walang laman. Umikot ang mata niya.
"I mean, anong ginagawa mo sa kasal mo?"
"Siguro may ginawa kang mabigat sa nakaraan mong buhay kaya nabiyayaan ka ng asawang tulad ni Alice, tapos ngayon, pinapalampas mo lang 'yon para kay Sheila?" sabay irap sa direksyon ni Sheila. Na nakikipag-usap siya sa ilang lalaki. At hindi ko naramdaman yung dating pagseselos ko noong high school kapag kausap niya ang mga jologs.
Anong nangyayari? Bat ganto?
"Mahal ko siya. Siya ang first love ko," sagot ko. Isa siya sa mga iilang nakakaalam noon.
Bigla siyang napalingon sa akin, matalim ang tingin. Tumayo siya ng tuwid, inayos ang jacket niya, at mukhang paalis na.
"Magkaiba ang first love sa true love. Tandaan mo yan." sabay talikod at iniwan akong nakatulala.
Umiling ako, pilit inaalis sa isip ang sinabi niya. Si Alice ay kaibigan ko — at hanggang kaibigan ko lang talaga. Hindi na magbabago yun.
Alice's POV
Napadaing ako nang tumama ang sinag ng araw sa mukha ko, pinapainit ito. Tinakpan ko ng kumot ang ulo ko at tumagilid palayo sa direksyon kung saan pilit akong ginising ng araw mula sa mahimbing kong tulog.
Papasok na ulit ako sa tulog nang bigla akong napatalon sa isang nakakainis na tunog. Buti na lang talaga at patay na ang nakaimbento ng alarm clock, kundi ako na siguro ang papatay sa kanya. Dahil nagising na ako, alam kong mahirap na ulit makatulog kaya hindi ko na rin sinubukan.
Bumangon ako nang antok na antok at pinunasan ang mga mata ko. Ibinaba ko ang mga paa sa sahig at itinulak ang sarili mula sa kama. Nag-inat ako, medyo umangat ang t-shirt ko at kita ang mahahaba kong mga binti. Kagabi kasi tinamad na akong magsuot ng pambaba, kaya natulog na lang ako na oversized shirt lang ang suot - abot lang sa ilalim ng pwet.
Pumunta ako sa banyo para gawin ang araw-araw kong routine. Nagpalit ako ng shorts at t-shirt, tapos bumaba papunta sa kusina para mag-almusal.
Nakaupo na si Risa sa head ng table at naghihiwa ng mansanas. Umupo ako sa tabi niya at binati siya.
"Good morning." Tumango lang siya, puno pa kasi ang bibig niya.
"So, nag-enjoy ka kagabi?" tanong ko ng pabiro, pero sa totoo lang, masakit pa rin sa loob ko gaya ng dati. Ngumiti lang siya at kumain ulit ng piraso ng mansanas.
"Ano'ng ginawa mo pagkatapos ng hapunan kagabi?" tanong ni nay Elena habang nilalapag ang almusal sa harap ko.
Napalunok ako sa amoy ng sizzling bacon at itlog - para bang nag-aabang na sila na lamunin ko.
"Ako po ba? Natulog lang po ako kasama si Janet Montgomery," sagot ko nang casual sabay subo ng bacon.
Sa tabi ko, nabulunan si Risa sa kinakain niyang mansanas at inubo nang malakas. Agad kaming lumapit ni nay Elena at inabotan ko siya ng tubig habang si nay elena naman ay marahang pinapalo ang likod niya.
"Ayos ka lang?" tanong ko nang humupa na ang pag-ubo niya.
"Ano 'yun?" sabi niya sa paos niyang boses, halos itim na ang mga mata sa galit.
"Ha? Anong ano yun?" tanong ko, litong-lito.
"Ano bang sinabi mong ginawa mo kagabi?" tanong niya sa pagitan ng mga ngipin.
Napakunot ako ng noo pero sumagot pa rin,
"Sabi ko natulog ak-" Naputol ang sasabihin ko ng ma realize ko kung paano pala pakinggan 'yon. At doon ako napahagalpak ng tawa. Tawa ako nang tawa hanggang sa lumuha na ang mata ko.
Kumapit ako sa mesa para hindi malaglag sa silya. Ilang saglit pa, kumalma rin ako, medyo sumasakit na ang tiyan ko sa kakatawa.
Tinitigan ako ni Risa ng galit at gulong-gulo ang mukha.
"Okay, mali lang ang dating. Kagabi, nag-marathon lang ako ng New Amsterdam, andoon kasi si Janet Montgomery at nakatulog ako habang pinapanood 'yon." paliwanag ko. Dahan-dahang lumuwag ang mukha niya pero nanatili ang glare niya na parang gusto niya pa ring pagbawalan akong mabulunan siya ulit gamit ang mansanas.
"Wag mo nang uulitin 'yon." sabi niya na seryoso. Tumango lang ako pero may ngiti pa rin sa labi ko.
Biglang bumalik si nay Elena sa dining room, may hawak na dyaryo, at literal na ibinato iyon sa harap ni Risa.
"Ano na naman po 'to?" tanong ni Risa na halatang iritado.
"Basahin mo.." sagot ni nay Elena sa pigil na galit at umalis na lang na parang bagyo.
Napatingin ako sa direksyong nilisan niya, litong-lito. Pinagpag ni Risa ang kamay niya at kinuha ang dyaryo.
Sinimulan niyang basahin ang front page. Kitang-kita ko kung paanong nagbago ang ekspresyon niya - mula sa pagkagulat, naging galit, at tapos naging walang emosyon.
Tumayo siya, medyo malakas ang pagtulak niya sa upuan.
"Sa kwarto muna ako." sabi niya sa madiin na boses, sabay alis nang hindi man lang ako tinanong kung may sasabihin pa ako.
Binitawan ko ang tinidor at kutsilyo ko na may kaunting kalabog. Hinila ko ang dyaryo papalapit sa akin. At nang mabasa ko ang laman nito... napalalim ang hinga ko habang pilit kong kinokontrol ang emosyon ko.
Sheila Guo to Sheila Hontiveros....

BINABASA MO ANG
The Arranged Marriage (Guontiveros)
Fanfiction"Alice, kailangan nating mag-usap." sabi niya matapos ang ilang minutong katahimikan. Hindi ko alam kung paano ang apat na salitang ito ay kayang sirain ang buhay at pangarap ng isang tao-hanggang ngayon. Tahimik akong tumango, hudyat na magpatuloy...