Alice's POV
"Hindi ko kaya." bulong ko sa sarili habang umatras ng dalawang hakbang.
"Hindi, kailangan ko itong gawin." pang-uudyok ko sa sarili at muling umabante. Napakunot-noo ako habang muling kinukuwestyon ang sarili. Si Anne naman ay nakaupo lang sa kama ko, nanonood sa mga kilos ko habang maingay na ngumunguya ng chips.
"Hay naku, gawin mo na nga! Ikaw rin ang nagsimula niyan eh!" sigaw niya sabay hagis ng cellphone ko sa direksyon ko. Buti na lang at nasalo ko bago bumagsak sa sahig. Tiningnan ko siya ng masama pero dedma lang siya.
Napabuntong-hininga ako dahil alam kong kailangan ko na itong gawin. Wala na akong ibang pagpipilian. Kaya't dinial ko ang numero niya at naghintay habang nagri-ring. Sa wakas, sinagot din niya sa ika-apat na ring.
"Hello sissy!" masiglang bati ni Sheila.
"Hi. Libre ka ba mamayang gabi?" tanong ko nang may pag-aalinlangan.
"Yup," sagot niya, may sabay pop pa sa "p".
"Makikiusap sana ako, okay lang ba?"
"Sure sis."
"Kailangan ni Risa na um-attend sa isang charity gala at kailangan niya ng ka-date. Hindi ako makakapunta kasi masama pakiramdam ko... kaya pwede ka bang ikaw muna ang sumama?" tanong ko na puno ng pag-asang sasang-ayon siya. Ang sumagot sa akin ay katahimikan. Akala ko ay binabaan niya ako ng tawag pero rinig ko pa ang paghinga niya.
"Sheila?" tanong ko matapos ang ilang segundong katahimikan.
"Okay lang ba sa’yo ’yon?" balik niyang tanong.
"Uh, duh? Kung hindi, edi hindi natin ito pinag-uusapan ngayon," sagot ko.
"Okay, sige," sagot niya. Napabuntong-hininga ako sa ginhawa.
"Great! Mag-ready ka by six," sabi ko at agad ko siyang binabaan ng tawag bago pa niya marinig ang paos kong boses.
Nilunok ko ang lungkot at ngumiti ng malaki kay Anne, pero nag-roll lang siya ng mata na para bang sinasabi:
"Sigurado ka ba diyan?"
"Naku po, tingnan mo ang oras!" sigaw ko at dali-daling nagbihis ng dress na kulay pink at white sandals. Mabilis kong sinuklay ang kayumanggi kong buhok, naglagay ng mascara at lip gloss, at kinuha ang mga kailangan ko.
"Ihahatid na kita." sabi ni Anne habang pinapagpag ang kamay.
"No thanks. Kailangan kong bumalik agad." sagot ko at sabay kaming lumabas ng bahay, naghiwalay sa garahe.
Pagdating ko sa desk ko, inilapag ko ang bag sa sahig, kinuha ang file na kailangang basahin muna ni Risa bago ko ipadala sa Finance Department. Kumatok ako ng dalawang beses at pumasok nang marinig ko ang "Pasok."
Nandoon siya, nakaupo sa upuan sa likod ng mesa, abalang nagbabasa sa laptop niya, naka-itim na blazer na naman at hindi nakatupi ang long sleeve sa loob, gaya ng dati.
"Hindi na naman na tupi?" tanong ko na may ngiting-amused. Tumingin siya saglit mula sa screen at tumango. Umiling na lang ako at lumapit sakaniya upang tupiin ang long sleeve niya.

BINABASA MO ANG
The Arranged Marriage (Guontiveros)
Fanfiction"Alice, kailangan nating mag-usap." sabi niya matapos ang ilang minutong katahimikan. Hindi ko alam kung paano ang apat na salitang ito ay kayang sirain ang buhay at pangarap ng isang tao-hanggang ngayon. Tahimik akong tumango, hudyat na magpatuloy...