Chapter 10

3.6K 205 162
                                        

Family

Sa mga sumunod na araw, lalo kong napansin na may nagbabago na sa closeness namin ni Haru. Halos sa labas na ako tumatambay lagi para lang makita siya, dahil madalas ay hindi siya nalabas ng apartment kapag walang pasok.

I like him a lot. Hindi ko na nga maipaliwanag ang nararamdaman ko, eh. Hindi ko alam kung crush pa rin ba 'to at normal na paghanga lang, o masyado nang lumalalim.

Tangina, mas lalong hindi ko maintindihan ang sarili dahil wala naman siyang ginagawa masyado. He doesn't even flirt back, but I could feel my attachment growing deeper. Kulang na lang ay ikwento ko siya sa mga magulang ko.

Paano pa kaya kapag may ginawa 'to? Baka mahimatay na ako na ako nang tuluyan. Fuck, I wouldn't even mind posting us publicly the moment he started flirting back. Kahit situationship pa lang, iisipin ko na agad na kasal na kami at opisyal na mag-asawa.

"I'll let your sisters know that you're coming home," sambit ni Mama sa kabilang linya, bakas ang tuwa sa boses.

"Huwag muna, Ma. Isosorpresa ko na lang. Hindi ba nila ako hinahanap?" nakangiting tanong ko.

She heaved a sigh. "If only you knew how many times your name comes up in conversation each day. May mga araw pa na umiiyak dahil miss na miss na raw nila ang kuya."

Hindi ko na napigilan ang pagtawa. "Ang OA..."

"Sige, subukan mong sabihin na manang-mana sila sa akin nang mapagsayaw ka rito pag-uwi," pagbabanta niya.

"Manang-mana kay Papa..." agad na pagbawi ko.

"Very good," puri niya, mukhang good mood na ulit.

Bahagya akong napailing. Sa bahay namin, mukhang si Papa yata ang kawawa. Tatlong babae ba naman na pare-parehas ang ugali ang naiwan? Talagang kailangan niya maging good boy. Sigurado ngang pati sa pagzuzumba naisasama siya, eh. Kaya panay ang aya sa akin mag-golf para makatakas.

"See you later, anak. I'll inform your titas and titos that you'll be here later," ani Mama bago tuluyang patayin ang tawag.

Napailing na lang ako at nagngingiting isinukbit ang duffel bag sa balikat upang magtungo sa gym.

Our house was big, but it wasn't hard to fill it with noise-especially with how lively our family was. Sa laki ng bahay namin, nagagawa pa rin nilang paingayin ang bawat sulok. At hindi iyon ang tipo ng ingay na puno ng sigawan at sakitan. Iyon ang tipo ng ingay na gugustuhin mong makalakihan at masarap uwian.

El Pueblos hold a family gathering every month. Dati, linggo-linggo iyon. Ngunit dahil naging abala na rin sila sa pagha-handle ng sari-sariling kompanya, naging isang beses na lang sa isang buwan. Labag pa 'yon sa loob nila noong una pero wala na ring nagawa.

I was raised in a loving family, which is probably why it's so easy for me to express my feelings. Hindi ako takot na isaboses ang nararamdaman ko, dahil sa bahay namin, iyon ang normal at tama. Tinuruan nila ako na hindi kahinaan ang pagiging bukas sa nararamdaman.

"Yo, dude! Kamusta?"

Si Stavros ang bumungad sa akin pagdating sa gym. His long hair was in a messy bun. Nakasuot siya ng itim na muscle shirt kaya kitang-kita ang mga tattoo niya sa magkabilang braso. No wonder the gym is so crowded today.

"Nandito ka na naman. Magpatayo ka na lang kaya ng sarili mong gym para hindi dumami ang tao rito?" sarkastikong sambit ko habang sinisimulan ang pagwa-warm up.

The corner of his mouth lifted, his tongue subtly playing with his lip piercing. Kasunod noon ay ang halakhak niya habang nakaupo sa isa sa mga gym equipment at mukhang kakatapos lang sa isang set.

In Between Seasons (Sweater Weather Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon