Chapter 44

11K 504 335
                                        


Lyssam

Hindi ko na maiwasang mapa-irap sa hangin nang malamang may date nanaman siya kasama ang putanginang 'yon. Makikipag date parin siya? Hindi pa ba malinaw ang sinabi ko sa kanya kagabi o hindi siya naniniwala—o wala siyang paki?!

Kailan ba mag lalaho sa mundo yang Eric na 'yan?

"Hindi ako papayag." mahinang sabi ko, nakagat ko pa ang ibabang labi ko dahil hindi ko rin inaasahan na sabihin ko iyon. Kita ko pa ang sabay na pag laki ng mga mata nila.

"Aba, Sammie... you're not the one who gets to decide that." taas kilay na sabi sa akin ni Yiren. Inis ko lang siyang tinignan at bumaling lang din ako agad kay Vira na ngayon ay hinihilot ang noo niya. Talagang makikipag date siya sa lalaking 'yon?

"At bakit hindi ka papayag? Ano ka ba ni Vira?" dagdag niya pa. Talagang naiirita na ako sa isang to. Galit ko siyang sinulyapan ulit.

"Can you just shut up?" inis na sabi ko sa kanya. Napaisip din tuloy ako, ano nga ba ako?

"Tumigil nga kayo." galit na sita naman ni Vira sa amin. Huminga ako ng malalim at busangot na sumandal lang ulit sa sofa. Nilingon ko si Aela na tumatawa pa tuwing may nakikita sihang nakakaaliw sa TV.

"Ano pala plano niyo sa birthday ng unicorn fairy?" tanong ni Yiren. Napaawang naman ang labi ko dahil ngayon ko lang din naalala na hindi ko man lang nalaman kung kailan ang birthday ni Aela. Agad kong tinignan si Vira.

"Kailan?"

"Next week." agad na sagot ni Vira. Nanlaki naman ang mga mata ko. Napatakip pa ako sa bibig. Next week na agad?!

"Next week? And you didn't even tell me sooner?!" di makapaniwalang tanong ko. Napatayo pa ako para mas maharap ko si Vira. Salubong ang kilay niyang nakatingin sa akin ngayon. Agad naman akong napaisip kung anong dapat kong gawin sa birthday ni Aela.

"Sasabihin ko naman na sana sayo." walang ganang sabi ni Vira sakin. Nag tatampo ko siyang tinignan pero agad din akong nag lakad papunta kay Aela. Tinabihan ko siya at ngumiti naman siya sakin.

"Baby, your birthday's coming up... any wishes I can make come true?" nakangising tanong ko. Kita kong nanlaki ang mga mata niya at mukhang napaisip na rin.

"Pony! Pony! I wanna ride a pony!" agad akong natigilan sa sinabi niya. Ang laki pa ng ngisi niya at nag lalakihan ang mga mata, halatang excited na excited. Sumulyap ako kay Vira at nakatingin lang din siya sa amin.

A pony? Okay! Mas madali iyon kesa sa unicorn!

"A pony ride for your birthday? That's an easy one! I'll make sure it happens!" ginulo ko pa ang buhok niya. Tumili naman siya sa sobrang saya.

"Really, daddy? I don't have to wait until I'm ten to ride a pony?" tanong niya pa sa akin. Mabilis akong tumango.

"Umayos ka Sammie, pag yan umasa... ikaw mag papatahan niyan buong taon!" rinig kong sabi naman ni Vira. Nakanguso akong bumaling sa kanya. Tinaasan ko pa siya ng kilay na mas lalo lang niyang ikinainis.

"Babe, I can make it happen, nothing is impossible for me." mayabang na sabi ko pa sa kanya. Narinig ko pang natawa si Yiren pero hindi ko na sila pinansin. Nakipag kulitan nalang ako kay Aela. Tinanong ko pa siya ng iba niya pang mga gusto.

Hindi na rin naman kami nag tagal sa condo ni Yiren dahil may lakad din siya kaya sabay na kaming uuwi nila Vira. Buhat buhat ko si Aela habang pababa kami ng building.

"Sa apartment kami uuwi." napawi agad ang ngisi ko nang marinig ko iyon kay Vira. Busangot akong sumulyap sa kanya at seryoso lang din siyang nakatingin sa amin. Lumabas na kami ng elevator at nag tungo sa kotse ko. Nang maibigay ko na kay Vira si Aela ay pumasok na rin ako sa driver's seat.

A Feeling I Couldn't Resist (Vexed Men Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon