AlviraDahil sa sinabi at ginawa ni Sammie kagabi, hindi ako nakatulog ng maayos. Hindi ako makapaniwalang maririnig ko iyon galing sa kanya. Simula nong nag aaral palang kami ay baklang bakla na talaga siya. Tandang tanda ko pa kung paano sila magpaunahang masuka ni Yiren tuwing iniisip na mag papakasal sila sa babae.
Tapos ngayon...
Hindi ko maiwasang mapaisip na baka pinipilit niya lang ang sarili niya. Na gagawin niya lang iyon dahil may anak kami. Ayaw ko namang napipilitan siya sakin. Pero hindi ko na alam kung ano pa ang dapat kong isipin sa sunod niyang ginawa. Bakit niya ako hinalika?! Hindi ba siya nandidiri?
Kahit may nangyari sa amin noon—dahil lang naman iyon sa may na inom kami. Pero kagabi, matino siya, matino ako, hindi kami lasing pero bakit niya ginawa 'yon?
Gustong-gusto ko si Sammie lalo na noon, pero kahit kailan hindi ko naisip na dadating ang araw na magugustuhan niya rin ako dahil alam ko ang gusto at ayaw niya, ayaw niya sa babae. Totoo ba ang sinabi niya? Hindi niya sinabi sa akin ng deretsahan pero ang halik na iyon na ang ginawa niyang sagot!
Kinabukasan nga ay maaga akong nagising at ganun din si Aela kaya naisipan kong pumunta nalang muna kami kay Yiren. Sobrang himbing pa ng tulog ni Sammie kaya hindi ko na siya ginising, gusto ko ring makausap si Yiren nang kami lang.
"So bakit kayo nandito?" takang tanong niya.
"Babe, may sasabihin ako." sabi ko sa kanya. Tumaas naman ang kilay niya at binaba ang wine na hawak. Ang aga-aga yan na agad ang iniinom niya.
"What is it?" tanong niya sakin habang nakaharap sa TV para mag play ng cartoons para kay Aela.
"Sa tingin mo ba kapanipaniwala kung sasabihin ni Sammie na..."
"Na?" mas lumapit na siya sakin para mas marinig ang sasabihin ko. Napasulyap ako kay Aela na nanonood na ngayon.
"Na gusto niya ako?" mahinang tanong ko. Luminga-linga pa ako para makasigurong walang ibang makakarinig kahit alam ko namang kami lang talagang tatlo rito. Natigilan naman si Yiren at mukhang napaisip na rin.
Ilang segundo rin siyang hindi umimik at kita kong napahilamos siya ng palad sa mukha. Nakatitig lang ako sa kanya, hinihintay ang sagot niya. Huminga siya ng malalim at parang problemado akong tinignan. Tinuro niya si Aela.
"Mabubuo ba yan kung hindi?" nakangiwing tanong niya. Agad akong napa-irap. Padabog akong napaupo sa sofa. Sumunod naman siya sakin. Nakatayo habang nakahalukipkip lang sa harap ko.
"Iba naman 'yon eh... lasing kami nun." pag dadahilan ko dahil totoo naman kasing hindi sadya iyong kay Aela! Pariho naming hindi alam ang pangyayaring iyon. Wala nga akong maalala.
"Nakapag drive pa si Sammie nun diba? Let's say he really was drunk, but he could've stopped himself. He chose not to. And the funny part? He knew it was you pero pinag patuloy niya parin." mataray niyang sabi. Natulala nalang ako.
"Pero Yiren... parang may hinalo kasi sa inumin na 'yon... baka ganun lang ang epekto." sabi ko nalang walang gana siyang napailing.
Kinuha niya ang phone niya at mabilis itong kinulikot, ilang sandali rin bago siya natapos at nang mahanap na niya ang dapat niyang hanapin ay lumapit siya sakin para ipakita iyon. Sa gallery niya iyon, mga photos and videos namin noon.
"Ano gagawin ko dyan?" takang tanong ko. Inabot niya lang iyon sa akin kaya taka ko nalang itong tinanggap. "Tignan mo isa-isa." sabi niya lang.
Tinignan ko naman ang mga iyon. Una kong napindot ay ang litrato naming tatlo nong nag overnight kami sa bahay nila Sammie, nakapajamas pa kaming tatlo. Nakaakbay si Yiren sa akin, ngiting ngiti kami pariho pero si Sammie ay nakatitig lang sakin.
Wala naman akong nakitang kakaiba dun dahil baka saktong pag click lang nong camera ay lumingon siya sakin kaya tinignan ko ang sunod na litrato. Litrato namin iyon sa room, si Yiren ang may hawak sa camera, nasa gitna ako at si Sammie... nakapangalumbabang nakatitig lang sa akin.
Agad kong tinignan ang susunod at video iyon, birthday ko iyon at nasa apartment kami. Pariho kaming sumasayaw ni Yiren at halatang mga lasing na, si Sammie ay nakaupo lang habang natatawang... nakatingin sakin.
Hinablot na ni Yiren ang phone niya at tinaasan ako ng kilay.
"Babe, I never look at you that way... ew! Noon ko pa ito napapansin kaya madalas ko kayong sinisita kasi nafefeel ko nang matutrauma ako eh!" napahawak pa siya sa dibdib niya na parang naiiyak. Hindi ako nakapag salita.
"He even brought a bunch of hair ties because he knows you always feel hot... kahit gaano natin ka close hindi ko maisip iyon no!" sabi niya pa sakin. Nanlaki naman ang mga mata ko. Napapansin ko nga noon na laging may dalang tali sa buhok si Sammie sa bulsa niya.
Bumili siya para... sakin?
"And ang mas nakakapag duda na sa akin nun ay nong tinawagan niya ako ng madaling araw just to ask kung kilala ko ba sino ang crush mo sa room. Like, omg anong behavior 'yon?!" parang nalolokang sabi ni Yiren.
"I was so close na to ask him about it pero biglang naglalandian na sila ni Rance kaya medyo nawala iyong duda ko. Hindi ko alam... may nangyari na pala?!" dagdag niya pa. Napasandal nalang ako sa sofa at napapikit ng mariin.
Kung totoo nga ang sinasabi ni Yiren, gusto ko rin si Sammie sa mga panahon na 'yon... pag nalaman niya ang nararamdaman ko noon, ano kayang mangyayari? Kung umamin ba ako...
Pareho kaming natigilan nang biglang may mag door bell. Kumunot agad ang noo ni Yiren at nag lakad na papunta sa pinto. Parang alam ko na rin kung sino ang dumating. Paniguradong nalaman niyang nandito kami ni Aela.
Nang buksan na nga ni Yiren ang pinto ay pumasok agad si Sammie. Busangot ang mukha at parang naiiyak na sa inis. Bakit ba siya nandito? Nag uusap pa kami ni Yiren eh!
"Bakit umalis kayo agad sa bahay? You didn't even wake me up?" tanong niya pa nang makalapit na siya sakin. Paano ko siya gigisingin eh tumakas nga kami, may tumakas bang nag papaalam?
"Uy, uy, uy... ano 'yon? Nasa iisang bahay na kayo?!" Gulat na tanong ni Yiren. Hindi ko nga pala na banggit sa kanya na sa bahay kami nila Sammie natulog kagabi.
Isa 'yan sa iniisip ko, siguro naman hindi iiyak si Aela pag sa apartment na kami uuwi mamaya diba?
Nakasandal lang ako sa sofa habang malalim ang iniisip. Ang dami kong gustong itanong na ang makakasagot lang ay ang tao sa tabi ko. Pero ayaw ko naman siyang tanungin!
"Makatulala kayo parang ang laki-laki ng problema niyo. Sa totoo lang, ang problema niyo ang pinaka-madaling sulusyonan!" pa-irap na sabi nong isang bakla. Masama ko siyang tinignan. Sumulyap pa ako kay Sammie na mukhang malalim din ang iniisip. Anong iniisip niya?!
Nakatingin lang din sa amin si Yiren, palipat lipat ang mga mata niya sa aming dalawa ni Sammie.
"Vira, diba may date kayo ngayon ni Eric?" nagulat ako sa tanong ni Yiren, kunot noo ko siyang tinignan dahil wala naman akong natandaang niyaya ako ni Eric.
"What?!" iritang sumulyap sa akin si Sammie na agad namang ikinataas ng kilay ni Yiren.

BINABASA MO ANG
A Feeling I Couldn't Resist (Vexed Men Series #5)
RomanceLyssam "Sammie" Sandoval, a gay man, never imagined that a single night with his friend, Alvira Silvas, would change everything. Habang nilalabanan ang kalituhan sa kanyang kasarian, nahihirapan siyang harapin ang sitwasyon kaya naman iniwan siya n...