Chapter 42

9.5K 434 245
                                        


Lyssam

"Who do you love, Vira?"

Hindi siya sumasagot.

At may parte sa akin na hindi handang marinig ang magiging sagot niya... baka masyadong masakit.

Nakatayo lang ako sa harap niya. Hinihintay ang sagot. Bakit ang tagal niyang sumagot? May parte sa akin na nag eexpect nang banggitin niya ang pangalan nong Eric. Pero bakit di niya magawang sabihin? Hindi siya sigurado?

Hindi ko rin alam kung bakit iyon ang sinagot ko kay Mama. Ang alam ko lang ay iyon ang gusto kong sabihin. Maging ako ay nagulat pa na lumabas iyon sa bibig ko pero tuwing iniisip ko ito ng mabuti... bakit pakiramdam ko gusto ko talagang magkatotoo 'yon?

Habang nag hahapunan kami, wala na ring ibang pumasok sa utak ko kundi iyon lang. Buong dinner ay tahimik lang din si Vira. Alam kong naiinis siya sa naging sagot ko. Bakit nga ba hindi ko man lang tinanong ang side niya? Kung papayag nga ba siy—teka nga! Talaga bang gagawin ko?

Kung iisipin kong mangyayari nga iyon... kahit bakla ako, hindi naman ako nakaramdam ng pandidiri o ano. Hindi ako nakaramdam ng hindi maganda tuwing iniisip kong papakasalan ko si Vira—mas nakakaramdam pa nga ako ng kakaiba pag iisipin kong ikakasal siya sa iba.

Naiintindihan ko kung bakit siya nagalit na sinabi ko 'yon, ayaw niyang umasa ang mga magulang ko. Iniisip niyang pag pinakasalan ko siya ay pinipilit ko lang ang sarili ko. Pinipilit ko lang ba? Hindi...

Sinasabi niyang dapat ikasal kami sa taong mahal namin, sino bang mahal niya? Sino ba ang mahal ko? Simula nong mangyari sa amin ni Vira iyon, iyong nag hiwalay kami ni Rance, iyong mga panahong umalis si Vira. Sa tatlong taon na 'yon wala akong nagugustuhan, wala akong minahal. Hindi ako nakikipag date, kahit kumilala nga lang... hindi ko magawa.

Hindi ko deretsahang masasabi na mahal ko si Vira—hindi ko maintindihan. Paano ko ba masasabing mahal ko na ang isang tao? Sapat na bang dahilan ang napapasaya niya ako? Na hinahanap ko siya? Na gusto ko lagi ko siyang kasama? Nakikita? Na ayaw ko na siyang umalis ulit? Nasasaktan ako tuwing iisipin kong mawawala nanaman sila ni Aela sa akin.

Ganun ba 'yon?

Kung ganun...

"I already know my answer, now I want to hear yours..." sabi ko ulit dahil hindi parin siya sumasagot. Huminga siya ng malalim at hinarap ako. Dahan-dahan siyang umiling.

Anong ibig sabihin ng iling na iyon?

"Wala akong... nagugustuhan." mahinang sabi niya, sa sahig pa siya nakatingin. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.

Maliban sa umaasa akong banggitin niya ang pangalan ko, hinihiling ko rin na kung hindi man ako, sana wala nalang.

"You will, babe... and it'll be me." kita ko pa ang pag laki ng mga mata niya sa gulat. Ilang segundo rin kaming tahimik. Tulala lang siya, nang matauhan ay tumikhim siya agad.

"Tinatanong mo kung ano ang sagot ko... pero how about you? Hindi mo sinasabi sakin ang sagot mo, Sammie." madiin niyang sabi.

"Will it be enough... to answer your question with a kiss, Vira?" tanong ko. Nag lakad pa ako palapit sa kanya, kita kong naalarma siya pero wala na rin naman siyang nagawa nang tuluyan na akong makalapit sa kanya.

Dahan-dahan kong hinawi ang buhok niya sa likod ng tenga. Titig na titig siya sakin, hindi ko alam kung kinakabahan ba siya o hinihintay niya lang ang gagawin ko.

Tinitigan ko lang din ang mga mata niya, lagi ko nang nakikita iyon noon... noon palang din ay naiinis na ako tuwing tumititig siya sa akin dahil parang may kakaibang dating. Bumaba ang tingin ko sa ilong niya... pababa sa labi. Ang labi niyang... simula nong matikman ko ay hinahanap-hanap ko na.

Nang dumikit na nga ang labi ko sa labi niya ay mahina ko itong kinagat dahilan para mapaawang iyon, sobrang init ng labi niya. Agad kong hinawakan ang ulo niya para mas madiin ang halik. Nag wawala ang puso ko. Sobrang lambot ng labi niya, sobrang tamis... nakakabaliw.

Mas lalo lang ata akong nanghina nang maramdaman kong sinusuklian na niya iyon. Putangina! Bakit nandito kami sa labas—

Hindi ko na maiwasang mapamura nang itulak niya ako ng mahina. Napaatras ako at kita kong hinahabol niya ang hininga niya. Nakahawak pa siya sa dibdib niya at nakatitig lang sakin. Napalunok nalang ako ng laway dahil sa totoo lang... nabitin ako.

Hindi na ako nakagalaw nang mag lakad siya papasok ng bahay. Napairap nalang ako sa hangin.

Nang mag tungo ako sa kwarto ay doon ko lang din naalala na tatabi nga pala kay Aela. Naligo muna ako sa kwarto ko at nag tungo na sa unicorn universe. Tinaasan agad ako ng kilay ni Vira nang pumasok ako doon.

"Seryoso ka bang dito ka matutulog?" tanong niya pa sa akin. Nakangisi akong tumango at agad na humiga. Nakahiga na rin si Aela at halatang antok na antok na kaya hinalikan ko na sya sa pisngi.

"Good night baby..." sabi ko pa kay Aela. Agad itong gumulong paharap sa akin at niyakap ako, nakapikit na siya. Sobrang cute!

Sumulyap ako kay Vira na walang ganang nakatingin lang sa amin. Hindi ko mabasa ang iniisip niya pero paniguradong hindi siya natutuwang nakikita ako dito ngayon.

"Good night, babe—"

"Tumigil ka Sammie." agad na sita niya sakin. May pag babanta na ang boses niya. Sobrang suplada. Walang gana akong umayos ng higa at pumikit nalang. Nararamdaman ko siyang gumalaw-galaw, siguro ay hihiga na rin siya sa kabilang gilid ni Aela.

Dahan-dahan akong nag mulat ng mata at kita kong hinalikan niya na rin si Aela sa pisngi.

"How about me?" tanong ko sa kanya pero agad din akong napaaray nang sampalin niya ako. Napabangon pa ako sa gulat.

"Why did you do that?"

"Tumigil ka nga! Magigising si Aela." Inis na sabi niya sakin. Umirap pa siya at humiga na, niyakap niya si Aela at pumikit. Busangot akong hinimas ang pisngi ko at humiga nalang din ulit.

Niyakap ko rin si Aela pero nahawakan ko lang ang braso niya na agad niya din namang inalis. Binalik ko iyon pero inalis niya nanaman. Nakailang ulit na kaming ganun bago ko nakitang bumangon siya at galit akong tinignan. Umayos nalang ako ng higa dahil nakakatakot.

Kinabukasan ay nagising akong wala na sila Vira. Tinanghali na pala ako. Dali-dali akong nag tungo sa kwarto para mag bihis. Bumaba na rin ako agad.

"Where are they?"

"Ang alam ko pupunta raw sila kay Yiren." nang sabihin iyon ni ate Donna ay nag tungo na rin ako agad sa kotse ko para puntahan si Yiren. Nang dumating nga ako doon at tama nga si ate Donna.

"Bakit ka nandito?" takang tanong ni Vira nang makita ako.

"Ako dapat nag tatanong niyan, bakit kayo nandito?!" nakapamaywang na tanong ni Yiren. Naupo ako sa sofa, sa tabi ni Vira. Kita ko si Aela na nanonood lang ng cartoons.

"Bakit umalis kayo agad sa bahay? You didn't even wake me up?" parang nag tatampong tanong ko kay Vira. Sumulyap lang siya sa akin.

"Uy, uy, uy... ano 'yon? Nasa iisang bahay na kayo?!" gulat na tanong ni Yiren pero walang sumagot sa kanya. Sumandal lang ako sofa at nakatitig sa sahig. Ganun din ang ginawa ni Vira. Nakatayo lang si Yiren sa harap namin.

"Makatulala kayo parang ang laki-laki ng problema niyo. Sa totoo lang, ang problema niyo ang pinaka-madaling sulusyonan!" umirap pa si Yiren sa amin.

A Feeling I Couldn't Resist (Vexed Men Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon