Michie.

Kaming dalawa lang ni Sophia ang magkasabay na naglalakad papunta sa room dahil hindi na namin naabutan pa si Caela. Ang bilis maglakad, samantalang wala pang ilang minuto mula nang umalis siya. Alam na naman niya ang room namin dahil itinuro namin sa kaniya noong nagtour siya.

Aaminin ko din na hindi pa rin ako makamove on mula sa nangyari kanina. Okay! Nagulat ako at natakot sa kaniya. And I felt guilty kasi nagpakita ako ng takot sa kaniya at alam kong nasaktan siya.

Baka sabihin niya hindi ako nagtitiwala sa kaniya.

"Sis, nakita mo ba 'yung ginawa ni Caela kanina? Medyo nakakatakot pero ang astig niya di ba? In just a snap, nandoon na agad siya sa likod ni Nathalie. Samantalang katabi lang natin siya."

Ang daldal talaga ni Sophia. Isa pa rin 'tong hindi makamove on. Kanina niya pa kasi sinasabi iyan at sumasakit na nga ang tenga ko.

"Ilang ulit mo na bang natanong 'yan, ha? Ano Sophia, tanga ka ba o sadyang nagtatanga-tangahan lang?" Yeah, ganito kami kaharsh sa isa't-isa.

"Ouch, naman Michie! Huhuhu. Nakakahurt ka ng feelings, nagtatanong lang naman ako kung nakita mo ang nangyari kanina e." nagpout pa siya pagkatapos niyang sabihin 'yan.

Hindi naman cute. Hays!

"Ay tanga ka nga! Gagawin mo pa akong bulag. Malamang nakita ko dahil nandoon ako kanina e. Makaalis na nga baka mahawaan pa ako ng nakakatanga mong pag-iisip. Aish!"

"Sungit mo po." Narinig ko pang sinabi niya bago ako makalayo.

Binilisan ko pang lalo ang lakad dahil baka hinihintay na kami ni Caela doon. Baka nandoon na rin ang professor namin.

*****

Caela.

Nandito na ako sa loob ng classroom namin at ako pa lang mag-isa dito. Nauna akong maglakad kina Michie at Sophia tapos hindi ko naman alam kung nasaan na ang iba pa naming kaklase. Baka rumarampa pa sa corridor.

Ngayon lang nagsink in sa utak ko kung ano ang kagagahang ginawa ko kanina. Nahihiya rin ako kina Michie at Sophia, baka natatakot na sila sa akin ngayon.

Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ako nakapagpigil. Naiinis din ako sa babaeng nakaengkwentro namin kanina dahil siya ang nagpaalala nito.

Siguro kailangan ko ng sabihin sa kanila ang lahat ng tungkol sa akin para hindi na sila matakot pa. Baka dahil sa paglilihim ko na 'to lalo pa akong mawalan ng kaibigan.

Bahala na kung mapahamak ako, sooner or later naman malalaman din nila kung ano ang kapangyarihan ko.

Just go with the flow.

"Caelaaaa!" nabawasan ang alalahanin ko nang biglang sumulpot si Sophia na ngayon ay patungo sa kinauupuan ko at mayroong ngiti sa mga labi.

I felt relieved. Mukhang wala naman nagbago.

"Ang astig mo kanina Caela. Idol na kita simula ngayon. 'Yun pa lang ang ginagawa mo pero natakot mo na agad si Nathalie. Well she deserves that!" parang bata na tuwang-tuwang kwento niya sa akin.

"Ang ingay mo Sophia. Tumahimik ka naman kahit mga limang minuto lang. Hindi ba nangangalay ang panga mo?" saway ni Michie sa kaniya.

"Opo, mother earth!" nakasimangot na ani niya pagkatapos ay lumayo sa kinaroroonan namin.

Nagtungo siya sa bandang gilid ng classroom at nag-umpisang magbilang. Napapailing na lang ako.

"Ahm... Caela!" pagtawag ni Michie sa atensyon ko. Umupo siya sa katabing upuan ko.

Princess of the Mystique KingdomBasahin ang storyang ito ng LIBRE!