Chapter 44

419 6 0
                                        

Saglit kaming nagka titigan ni T. I turned to look at Elijah on the side. There was no trace of emotion on his face he just stared straight ahead. I held his arm to get his attention.

"Ipatalo na lang natin 'tong laro." Maliit akong ngumiti sa kanya.

He sighed. He placed his hand on my waist and pulled me close to his body.

"Go, play. Enjoy yourself today." Nilingon nya si Greg. "Go with Astra to the starting line."

Bago pa kami makapag lakad narinig ko pa sya na tinawag si T. "Trevor, let's talk for a bit."

"Ang ganda mo kasi bossing eh. Problemado ka tuloy sa kanilang dalawa." ani Greg.

"Hindi ko lang maintindihan si T. Alam naman nyang si Elijah na." iling ko.

Kumapit naman sya sa braso ko. "hindi naman napipigilan ang puso. Pag tinamaan ka tinamaan ka. Yun yung nangyari kay Vice."

Ilang minuto rin nag usap sila Eli at T bago ko sya makitang palapit sa pwesto ko. Nagpaalam na rin si Greg na babalik na sa mga kaklase namin sa kabilang dulo.

"Hey. Are you okay with this? Pwede ko naman sabihin na si Cloud na lang." sabi nya paglapit nya sakin.

Ngumiti ako sa kanya. "Okay lang. Pumayag din naman sya na tayong dalawa rito sa laro. Pwesto na tayo?"

Nang tumango sya ay agad na kami umayos ng pwesto. Binigyan kami ng limang minuto para pag aralan kung paano ang gagawin sa laro. Na sa tingin ko hindi naman na kailangan kasi simple lang naman yung laro. Pero ito pa rin kami nagpa practice nga.

"I think we should hold both our arms to keep the ball still on our foreheads. What do you think?" I asked him..

Tumango naman sya. "Let's try it then."

Ganon nga ang ginawa namin at naging mas maayos sya kumpara sa wala kaming contact sa isa't isa bukod sa noo namin.

"Ready everyone? On the count of 3. 1..2..3!"

Agad kaming naglakad ni T habang hawak ang mga braso namin. We walk slowly kumpara sa ibang section. Ang iniiwasan kasi namin ay mahulog ang bola at bumalik sa starting line, katulad ng nangyayari sa ibang section.

"Kaya ng bilisan A? A little faster."

"Okay." Mahina na sabi ko.

Nasa kalagitnaan na kami ng aksidente kong matapakan ang paa nya. "Fvck!"

Muntik ng malaglag yung bola namin buti na lang maagap si T. Ang problema lang ay napunta sya sa mata ko at sa gilid ng ilong ni T. Kung malapit kami sa isa't isa kanina, mas malapit kami ngayon.

"Pwede ba to?" I asked while walking slowly.

Iniisip ko kasi baka bawal na yung posisyon namin since ang rules ay noo sa noo, samin kasi mata sa ilong na eh.

"Walk a little faster A. Good daw to sabi ni Sir." I hummed then start walking a little faster.

Ang haba naman kasi ng biyas nito.

"Section 4! Go, okay yan hanggat hindi nahuhulog good yan." Narinig ko ring sabi ng isang teacher.

"Malapit naba tayo?" I asked.

Sya kasi ang nakaharap sa finish line. Kaya hindi ko alam ang ganap sa harapan namin.

"Yes. We're almost there. Nauuna rin tayo."

Hindi na ako nagsalita at tinatapik na lang ng mahina ang braso nya. Nakaka ilang mag salita kasi halos magkalapit ang labi namin. Hindi ko naman makuhang gumalaw pa at baka mahulog pa yung bola.

A Rose Among the ThornsWhere stories live. Discover now