AlviraNang matapos akong maligo at mag bihis, lumabas na ako sa banyo. Nilibot ko ang tingin sa buong kwarto ni Sammie, wala naman masyadong nag bago doon, malaki ito at malinis. Habang pinapatuyo ko ng tuwalya ang buhok ay nag tungo na ako sa kwarto ni Aela.
Nagulat ako nang makitang pinalitan na ang kama. Mas malaki na ito pero rainbow parin ang design. Ang mga unan ay mga unicorns. Kita kong nakahiga si Sammie habang pinag mamasdan na nag lalaro lang sa higdaan si Aela. Rinig ko pang kinakausap niya ito.
"Pinalitan mo." hindi iyon tanong.
Nakangising bumangon si Sammie at kita ko pa kung paano niya ako pasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. Nang ibalik niya sa mga mata ko ang tingin ay agad siyang napaiwas. Akala niya ba hindi ko nakita kung paano niya ako tingnan?!
"Yeah, kasi ayaw kong matulog sa sahig." walang ganang sabi niya lang at humiga nanaman ulit sa kama. Nakangiting bumaling naman si Aela sa akin at kumaway, gusto niya akong lumapit kaya nag lakad nalang ako palapit sa kanila. Napansin ko rin na may hinatid na palang pagkain dito.
"Nasaan sila ate Donna?" tanong ko kay Sammie habang hinahaplos ang buhok ni Aela.
"May lakad lang sila nila kuya, babalik din sila mamaya." sagot niya naman kaya tumango nalang ako.
Nagulat pa ako nang bigla siyang tumayo. Akala ko lalabas siya ng kwarto pero mas nagulat ako nang lumapit sa akin. Kinuha niya sa kamay ko ang tuwalya. Taka ko lang siyang tiningnan.
"Let me dry your hair." mahinang sabi niya, hindi na ako nakapalag nang umpisahan na nga niyang punasan ng tuwalya ang buhok ko. Binaling ko nalang ang atensyon ko kay Aela. Mahina at maingat ang pag papatuyo niya sa buhok ko. Ramdam na ramdam ko ang init ng katawan niya sa likuran ko.
Napasinghap pa ako nang maramdaman ko ang kamay niyang dumampi sa leeg ko nang subukan niyang sikupin ang buhok ko. Bumigat agad ang pag hinga ko. Mabuti nalang at natapos lang din iyon agad.
"I'm so glad na pumayag kang dito muna kayo matulog ngayon, Vira." nakangiting sabi ni Tita. Ngumiti ako sa kanya.
"Ayaw po kasing umuwi ni Aela." natatawa kong sabi. Kasalanan naman ito ni Sammie. Sumulyap ako kay Aela na kumakain ngayon, pinapakain siya ni Sammie. Ganun din si Levi na sinusubuan ni ate Donna.
"Oh, pwede namang dito na kayo tumira!" sabi pa ni Tita. Nanlaki naman ang mga mata ko at nahihiya at natatawang umiling nalang.
"Mom! Is she my sister?" lahat kami ay napalingon kay Levi nang mag salita ito, tinuro niya si Aela habang nakatingin kay Ate Donna. Natatawang sumulyap naman si Ate Donna sa akin.
"No, Levi... she's your cousin." nakangiting sabi naman ni Ate. "She's your tito Sammie's daughter." dagdag pa ni Ate Donna.
"Why is she wearing that?" natawa na kaming lahat nang ituro ni Levi ang suot ni Aela na may pakpak pa sa likuran. Sabay pang bumaling si Aela at Sammie kay Levi, parihong mataray ang reaksyon nila nang marinig ang tanong na iyon.
"Because she's a unicorn fairy!" Pairap na sabi naman agad ni Sammie.
"Unicorns do not exist." malditong sabi ni Levi. Napasinghap kaming lahat, kita ko pa kung paano siya pinandilatan ng mata ni ate Donna lalo na nang mapansing bumusangot si Aela.
"Unicorns are real! They live in the clouds and eat rainbows!" sabi naman ni Aela. Rinig ko pang nag pipigil ng tawa sila Tita. Tumango naman si Sammie, todo support sa sinasabi ng anak niya—pariho kasi sila ng takbo ng utak.
"No. Unicor—"
"Levi." agad na sita ni kuya Larry nang akmang mag sasalita nanaman si Levi. Busangot nalang itong nagpatuloy sa pag kain.
"Pag ito umiyak, kukurutin ko yan." banda ni Sammie sa kuya niya. Agad ko siyang siniko. Nakanguso naman siyang sumulyap sa akin pero agad ding binalik ang atensyon sa pag papakain kay Aela.
"Oh, I've seen this scene before... you two fighting over a unicorn and a horse like it's the end of civilization." lahat kami nay natawa na nang sabihin iyon ng Daddy ni Sammie. Nalaman ko nga rin na lagi na raw nag aaway tungkol sa unicorn and horse si Sammie at kuya Larry.
"So, Sammie... nandito na si Vira, kailan kayo mag papakasal?" kung kanina ay tumatawa kami, ngayon ay lahat kami tumahimik nang itanong iyon ni Tita. Nakaayos ako ng upo at kita ko rin sa gilid ng mata ko na natigilan si Sammie. Lahat ng mga mata nila ay nasa amin.
Ilang segundo na kaming tahimik, hindi ko na mapigilang mapasulyap kay Sammie at ganun din siya sakin. Sabay pa kaming nag iwas agad.
Anong kasal? Bakit naman kami ikakasal?!
Hilaw akong ngumiti. "Ah, tita—"
"We haven't decided yet. But we're hoping to set something soon..." putol ni Sammie. Nanlaki ang mga mata kong lingunin siya. Kita ko namang masayang tumango-tango si Tita. Napanganga nalang ako.
"Well, that's good! At least may hihintayin lang kami." rinig ko pang hirit ni Tita.
"Gago ka ba?" mahinang sabi ko kay Sammie, sakto lang na hindi maririnig ng mga magulang niya. Hindi niya ako nilingon, nag patuloy lang siya sa pag papakain kay Aela na parang hindi niya ako naririnig!
Nang matapos nang mapakain ni Sammie si Aela, kumain na rin kami. Nag uusap-usap lang sila tungkol sa negosyo. Nalaman ko nga na may Dude Ranch pala si kuya Larry. Inalok niya pa kaming bumisita doon sa susunod. Nang matapos kaming mag hapunan at kita kong nilalaro nila Tita si Aela ay agad kong hinila si Sammie palabas ng bahay nia.
Gusto ko siyang makausap!
"Bakit mo ba sinabi 'yon? You're making them expect something that will never happen." madiin na sabi ko sa kanya. Kita kong umangat pa ang gilid ng labi niya. Inaasar niya ba ako? Naaasar ako!
"Then, we will make it happen." agad na sabi niya. Tumalikod pa siya sakin at papasok na sana ulit sa bahay nila pero agad ko siyang hinila ulit dahil hindi niya na alam ang mga sinasabi niya!
"Nababaliw ka na ba Sammie? Seryoso ka ba?!" di makapaniwalang tanong ko. Talaga bang hindi niya babawiin ang sinasabi niya?! Nababaliw na siya!
Hindi siya sumagot. Nakatitig lang siya sakin.
"Sammie, hindi porket may anak tayo kailangan mo na akong pakasalan. Pwede ka namang maging ama ni Aela nang hindi tayo kasal. We all know that you're gay, Sammie... ayaw kong pilitin mo ang sarili mong pakasalan ako. We should marry someone we love—"
"Who do you love, Vira?" seryosong tanong niya sakin. Titig na titig siya sa mga mata ko. Nagulat naman ako sa tanong na iyon. Palipat-lipat ang tingin ko sa magkabila niyang mata.
Bakit niya iyon tinatanong?!
Biglang lumakas ang tibok ng puso ko. Nag wawala iyon. Dahil sa tanong niya, bigla kong naalala iyong mga panahong gustong-gusto ko siya... huminga ako ng malalim at nag iwas ng tingin. Pilit na pinapakalma ang sarili dahil hindi ko na alam ang gagawin.
Ganun parin ba ang nararamdaman ko? May nararamdaman pa ba ako?!
Bakit ako naiiyak?!
"I already know my answer, now I want to hear yours..." dagdag niya pa.

BINABASA MO ANG
A Feeling I Couldn't Resist (Vexed Men Series #5)
RomanceLyssam "Sammie" Sandoval, a gay man, never imagined that a single night with his friend, Alvira Silvas, would change everything. Habang nilalabanan ang kalituhan sa kanyang kasarian, nahihirapan siyang harapin ang sitwasyon kaya naman iniwan siya n...