Chapter 7

982 102 36
                                        

Risa's POV

Ang pagring ng telepono sa bahay ang bumalikwas sa akin sa realidad.

“Hontiveros residence.” sagot ko.

“Hello Ms. Hontiveros, Tinawagan ko po kayo sa cellphone n’yo pero hindi ko kayo ma-contact, kaya tumawag na lang ako sa landline.” sabi ng sekretarya ko mula sa kabilang linya.

“Ah oo, i really need to buy a new phone, bakit ka napatawag?” tanong ko.

“Maam, nakita po namin si Ms. Alice sa BGC Club.” sabi niya.

“BGC Club?” kunot-noo kong tanong.

“Opo, Ma'am.”

“Sigurado ka bang si Alice 'yon?” tanong ko. Si Alice... sa club? Kailan pa?

“Opo maam, sigurado po kami.” sagot niya.

“Sige, salamat. At isa pa, Mrs. Alice Hontiveros siya, hindi Ms. Alice.” pagtatama ko at binaba na ang tawag.

Nakakainis marinig ang tawagin “Ms. Alice.” si Alice eh sa kasal naman na kami.

At bakit ka naman naiinis? tanong ng kunsensya ko.

Ikinumpas ko lang ang mga mata ko at sinagot ang sarili.

Dahil responsibilidad ko na siya sa loob ng isang taon, oo, ‘yon lang naman.

Sumakay ako sa sasakyan at sinabi sa driver na dalhin ako sa BGC Club.

“Hello Mrs. Hontiveros.” bati ng bouncer at agad nilinis ang daraanan ko.

“Hello Francis.” sagot ko.

Isa ang BGC Club sa mga club na pagmamay-ari ng matalik kong kaibigan—si Leni. Kaya halos lahat ng tao rito kilala ako.

Gaya ng dati, punong-puno ang club ng mga sabik na lalaki at mga babaeng hindi kaaya-ayang tignan. Paanong makikita ko si Alice sa ganitong klaseng dami ng tao?

“Francis.” tawag ko sa bouncer at agad siyang lumapit sa gilid ko.

“Kailangan kong hanapin ang isang babae.” sabi ko habang kinapa ang bulsa ko para sana ipakita ang litrato ni Alice.

“Pucha, bakit ko ba kasi binasag ‘yung cellphone ko.” bulong ko sa sarili.

“Sige ganito, brunette siya, mga 5’4 ang taas, at may kayumangging mata. Maganda siya, sobra...” paliwanag ko.

“Hindi ba ‘yon ang hinahanap mo ma'am?” tanong niya sabay turo sa likod ko. Pagharap ko, literal na nanlaki ang mata ko’t halos malaglag ang panga ko sa sahig.

May malaking kumpol ng tao sa may bar at may isang sobrang hot na babae na sumasayaw sa ibabaw ng mesa. Suot niya ang isang pulang top na maluwag at litaw ang baywang, may leather pants at leather jacket. Wild siya kung sumayaw—inaalog ang balakang niya habang kumakaway ang buhok niyang kayumanggi mula kaliwa’t kanan, magulong-magulo.

Hindi ako makapaniwalang ang babaeng ‘yon ay si Alice—ang Alice ko.

Alice ko? Huh, saan galing ‘yon?

Ang sumunod niyang ginawa ay mas nagpanganga pa sa akin. Hinubad niya mismo ang jacket niya at inihagis ito sa gitna ng crowd. Agad na nagwala ang mga tao, lalo na ang mga lalake.

Sigurado akong karamihan sa mga taong nakapaligid sakaniya ay nag pupustahan na kung sino sa kanila ang makakascore sa kanya ngayong gabi.

Ang ideyang ‘yon ay gusto ko nang manuntok ng kahit sino. Tangina.

The Arranged Marriage (Guontiveros)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon