Alice's POV
Napangiwi ako nang may isa na namang pawisang katawan ang bumangga sa akin, dahilan para mapaatras ako. Ang halu-halong amoy ng pabango, pawis, at matapang na alak ay halos magpaikot ng tiyan ko.
"Tigilan mo na 'yang itsura mong parang na-constipate." sigaw ni Vice para marinig ko siya sa lakas ng tugtugin.
"Tara na, party na tayo, love!" sigaw ni Anne sabay hila sa braso ko papunta sa dance floor. Pero imbes na sumayaw ang mga tao, puro kiskisan lang ang ganap.
Seryoso ba to?
"Kailangan kong mag-CR" sabi ko kay Anne at tumango lang siya na parang wala sa sarili. Alam kong hindi niya ako narinig dahil abala siya sa paghahanap ng mapapatulan.
Pinilit kong makaalis sa gitna ng siksikan at nagtungo sa washroom. Napapikit ako sa sobrang liwanag ng ilaw sa loob. Doon ko lang napansin kung gaano kadilim sa club, maliban sa mga kumukutitap na makukulay na ilaw at konting liwanag mula sa bar area.
Pumasok ako sa washroom kasabay ng paglabas ng isang babae, naiwan akong mag-isa sa loob. Tumingin ako sa salamin at napangiwi sa itsura ko. Oo, ang hot ako ngayon, pero hindi ako ‘to eh.
Pinasuot sa akin ni Anne ang isang maluwag na dark red crop top na hanggang pusod lang, itim na leather pants, at itim na boots. Matagal ko siyang kinulit bago niya ako pinayagang dalhin ang leather jacket ko.
Kinulot niya ang buhok ko at nilagyan ako ng make-up—smokey eye at matingkad na pulang lipstick. Para akong rockstar.
Isinuot ko ulit ang jacket na pinilit niya akong tanggalin kanina sa entrance. Matapos noon ay inayos ko ang buhok ko at lumabas ng washroom para gawin ang dahilan ng pagpunta ko rito.
Magpakalasing.
Sabi nila, "Ang alak ang pinakamabisang gamot para makalimot." Subukan nga natin.
Sobrang lalim ng iniisip ko kaya hindi ko napansin ang taong nakaharang sa daan ko. Tumama ako sa dibdib niya. Kasalanan na rin siguro ng dilim. Bakit ba ang dilim-dilim dito, para tuloy kaming bulag.
"Pasensya na po" sabi ko agad sa taong, sa anino pa lang, alam ko nang babae.
"Ayos lang." sagot niya habang pinupunasan ang kamay niya.
"Diyos ko! Nabuhusan ba kita ng inumin?" tanong ko, medyo nataranta.
"Oo" sagot niya.
"Naku— sorry po—"
"Sabi ko, ayos lang." putol niya nang mahinahon.
"Hindi, mali pa rin 'yun. Nabuhusan kita, ang tanga-tanga ko talaga..." bulalas ko habang pinupunasan ang kamay niya.
Di ko man nakita ang mantsa, nakita ko kasi siyang nagpunas, kaya inakala kong kailangan ko rin gawin.
"Pwede mo akong ilibre ng inumin kung gusto mong makabawi." sabi niya nang mayabang. Napahinto ako sa ginagawa ko.
Hindi pa ako nakipag-flirt kahit kanino, at wala pang nangyaring ganito sa akin, kaya pasensya na kung na-shock ako.
"Uy, joke lang ‘yon." aniya.
"Hindi, seseryosuhin ko yan. Nabuhusan kita, utang ko na sa’yo 'yon." sagot ko.
"Sino ba naman ako para tumanggi sa alok ng isang anghel?" sabi niya. Tiningnan ko siya nang masama.
"Sorry, tara?" sabi niya at inakay ako papunta sa bar, may kamay pa siya sa ibabang bahagi ng likod ko.
"Ano gusto mong inumin?" tanong niya nang makaupo na kami sa stools.

BINABASA MO ANG
The Arranged Marriage (Guontiveros)
Fanfiction"Alice, kailangan nating mag-usap." sabi niya matapos ang ilang minutong katahimikan. Hindi ko alam kung paano ang apat na salitang ito ay kayang sirain ang buhay at pangarap ng isang tao-hanggang ngayon. Tahimik akong tumango, hudyat na magpatuloy...