Chapter 5

695 84 41
                                        

Alice's POV

Napakunot-noo ako habang pilit iniisip kung ano'ng tinutukoy ni Anne. Tapos bigla na lang pumasok sa isip ko — ang babaeng mahal ni Risa. Sobrang lalim ng iniisip ko kaya hindi ko namalayang lumabas na pala si Risa sa banyo, hanggang sa narinig ko ang malakas na pagbagsak ng pinto. Agad akong lumingon.

Napamulagat ako sa nakita ko sa harap ko. Si Risa, sa kanyang nakakaakit na anyo.

Pinaglalakad niya ang kamay niya sa basa niyang itim na buhok, habang may patak ng tubig na dumaloy mula sa leeg niya pababa sa kaniyang dibdib. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nagnasang maging patak ng tubig.

Bumalik ang tingin ko pataas, tumigil sa mapupula niyang labi na naka-ngisi — na siyang nagpabalik sa akin sa realidad.

"Done checking me out?" mayabang niyang tanong sabay ngisi.

"Ah... um... a-aako... maliligo na ako." pautal kong sagot at halos patakbong pumasok sa banyo at namumula sa hiya.

Narinig ko ang tawa niya sa kabila ng pinto habang papalayo ang mga yapak.

Nagrelax ako sa ilalim ng mainit na tubig at pagkatapos ay tinuyo ang sarili ko. Nang maghahanap na ako ng isusuot, napagtanto kong... hindi ko dinala ang damit ko sa loob. Napa-facepalm ako. Ang tanga ko talaga minsan.

Huminga ako nang malalim, tinakpan ang katawan ko ng tuwalya, at sumilip palabas. Nang masiguradong wala namang tao, mabilis akong tumakbo papunta sa closet at isinara agad ang pinto. Inihilig ko ang ulo ko sa pinto at napangiti.

"Madali lang pala 'yon." bulong ko sabay tawa. Pero isang mahinang pag-ungol mula sa likod ko ang nagpapatigil sa lahat.

"Anak ng—" mura ko habang unti-unting lumingon.

Nandoon si Risa, nakatitig sa akin na para bang agila.

Sayang, nakapangpambahay na siya

Suot ang gray na sweatpants at puting V-neck na t-shirt. Pero ang mga mata niya ay pabalik-balik ang tingin sa katawan ko. Kitang kita ko ang pagnanasa sa mga mata niya.

Delusional na yata ako. Ngunit bakit niya naman ako nanaisin? Wala naman kaming kahit ano, ‘di ba?

Tama… wala.

"K-Kailangan ko n-nang magbihis" pautal kong sabi.

Tumango siya, tila wala sa sarili, at lumabas ng closet matapos ang huling sulyap. Napa-hinga ako ng malalim at napailing.

Hindi na ‘to dapat maulit. Noon pa man inisip na niya na pera lang ang habol ko, tapos ngayon baka isipin na naman niya na nilalandi ko siya.

May sampung buwan pa ako. Gagawin ko itong sulit sa paraang hindi niya ako mapagbibintangan ulit.

Nagbihis ako ng pajama at tanktop, at lumabas na ng closet. Tahimik at malamig ang kwarto kaya tinawag ko si Risa.

“Nandito ako” sagot niya mula sa balcony.

Nandoon siya, nakasandal sa rehas ng balkonahe habang nakatitig sa buwan. Napangiti ako habang pinagmamasdan siya, animo'y pinapatingkad lalo ng liwanag ng buwan.

Tumabi ako sa kanya at sabay naming tinitigan ang buwan. Bigla kong naalala ang text ni Anne.

“So... pag-usapan natin ang girl mo” sabi ko sa nakakalokong tono. Kunwari siyang tumingin nang masama pero ‘di maitago ang ngiti niya.

Una ko siyang nakita nung grade 3. Kumakain siya ng ice cream at may natapong konti sa ilong niya. Di ko alam kung alam niya 'yon, pero sobrang cute niya. Doon pa lang, nahulog na ako. Pagsapit ng high school, nag-iba siya. Naging hot. Pero alam kong 'yung batang walang pake kahit may cream sa ilong, nandoon pa rin sa loob niya. Gusto kong makilala 'yung totoo niyang sarili, pero hindi ko nagawa. Isa siyang sikat na babae, ako naman... nerd lang. Nang naglakas loob na akong lapitan siya, sinabi ng tatay ko na lilipat na kami. Kaya tinigil ko na lang. Araw-araw ko siyang nami-miss. Araw-araw akong nagsisisi. Ang duwag ko. Tapos, pagkalipas ng anim na taon, nakita ko ulit siya… pero sa maling pagkakataon. At nawala ulit siya sa akin.”

May lungkot sa bawat salitang binitiwan niya. Naramdaman ko ang bigat. Kung tinanggihan ko lang sana ang kasal, baka masaya na siya ngayon.

“Alam ko 'yung pakiramdam, Ris…” sabi ko habang inaalala rin ang anim na taong pining ko sa kakaisip sa kanya. Ang pagsisisi na hindi ko siya nilapitan noon pa. Kilala ko 'yan. Alam na alam.

“…Pero huwag kang mag-alala. Makukuha mo rin siya. Deserve mong maging masaya, Risa, at sisiguraduhin kong mangyayari ‘yon.” Tumingin siya sa akin ng sobrang lalim kaya napayuko ako, nanginginig ang damdamin.

“Ano nga pala pangalan niya?” tanong ko habang tinutuck ang buhok ko sa likod ng tainga. Inilayo niya ang tingin niya.

“Alice… a…” nauutal niyang sabi.

“Yes?” tanong ko, kunot ang noo.

“Wala akong intensyong saktan ka.” may alinlangan sa boses niya.

“Tapos na akong masaktan, tsaka magkaibigan na tayo ngayon kaya sabihin mo na sakin.” sagot ko habang pilit ngumiti.

“Okay, her name is…”

“Is…???”

Huminga siya nang malalim at binigkas ang salitang muling bumasag sa nasira kong puso.












































“…Sheila.”

The Arranged Marriage (Guontiveros)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon