"Okay, that's for today."
"Aga pa sir ah. May 15 minutes pa." Aral na aral na sabi ni PJ kay Sir Salcedo.
"May announcement kasi ako." Agad naman kami umayos ng upo. "Listen. Mayroon kayong apat na event ngayong December. Unang event ay ang yearly fun day para sa inyong graduating students. Gaganapin yon sa gymnasium, more on games ang gagawin natin sa loob ng kalahating araw, the rest of the day ay leisure time nyo. Pangalawa ay ang music fest, ito naman ay para sa buong school. May mga music artist na inimbitahan ang ating school para sa event na 'to. Third you'll be having outreached program. Pupunta kayo sa home of the aged and Circle of Hope. Magkaibang araw yon, whole day. And lastly your Christmas party. Any questions?"
"Ang konti non Sir, paki dagdagan pa." Siraulo talaga 'to si MM.
"Ako hindi ko na alam kung anong unang matatapos, itong school year ba o ako." dagdag pa ni Jude. "Napaka daming gawain."
Natawa naman kami sa kanya.
"Wala pa 'to. Goodluck sa inyo pagdating ng March." natatawang sabi ni Sir.
Nagpaalam na rin naman si Sir matapos ang announcement nya. May meeting lahat ng fourth year teachers kaya wala ng susunod na klase, after lunch na raw ulit. Kaya ito kami kanya kanyang mundo na naman.
I'm busy with my phone when someone puts a pastry and iced coffee on my table.
"Thank you E-" oh! Its not Eli. "Thank you T."
Simula ng malaman ko ang nararamdaman nya sakin medyo nailang ako sa kanya tuwing malapit sya. Ilang linggo na rin ang nakalipas simula ng malaman ko kay Eli, hindi ko alam kung alam na nya na alam ko na. Pero ngayon pa lang sya nagbigay ng ganito sakin. Him and Eli are also civil, I guess. Nasa iisang circle pa rin naman sila. Nakikita ko pa rin naman silang nag uusap minsan. Parang wala namang nabago sa samahan nila, sana nga wala. Ayokong maging dahilan ng pagkasira nilang dalawa. Di hamak naman na mas matagal na silang magkasama kesa sa 'kin.
Nanatili sa harapan ko si T kausap nya kasi si Isaiah at Ryker. Hindi ko na sila pinagtuunan ng pansin at humigop na lang sa binigay nyang iced coffee. Sayang naman kung hindi ko iinumin, marupok din talaga ako pagdating sa iced coffee. Hindi naman siguro magagalit si Elijah.
Hindi naman nakalagpas sakin ang panaka nakang pag sulyap ni T sakin. Hindi ko na lang sya pinapansin kahit naiilang talaga ako. Wala naman syang ginagawang masama.
We heard a knock at the door. When Saint opened it, we saw a senior high school girl. Base na rin sa suot nya na uniporme. Pero paano sya nakapasok dito? Bawal sila rito lalo na pag walang event. Tulad namin na bawal din sa kanila.
"Yes, miss?" He asked.
"Ah. Uhm nandito ba si Toby?"
Hinanap agad ng mata ko si Toby. Nandon sa likod kausap naman sila Oliver at Greg.
"Toby, may naghahanap sayo chix." Sigaw ni Saint.
Agad naman syang tinignan ni Toby. "Bakit?" Clueless na tanong nya.
"Pwede ba tayo mag usap? Yung tayo lang sana."
Saint and MM whistle. Nang aasar na naman..
"Tungkol saan ba yan? Hindi mo ba pwedeng sabihin dito?"
Inikot naman nung babae ang tingin samin. Halata sa kanya ang kaba at takot. Lahat ba naman ng atensyon namin nasa kanya.
"K-kasi, ano...."
"Labasin mo na kasi Toby. Nahihiya sya eh." Tinulak tulak pa sya ni Adam.
Pabiro naman nyang sinuntok ang katabi. "Gago, hindi ko nga kilala yan." Binalingan nya ulit yung babae. "Tungkol saan ba? Kung sa school sabihin mo na rito."
