Chapter 39

682 48 5
                                    

A/N: Errors Ahead

************

Aiah's POV


Last night was great. Kahit na kinailangan ni Mikha bumalik agad sa Paris, the memories of our time together lingered. Everything felt so surreal, from the Ferris wheel to the rooftop dinner, and even our quiet moments in the park. Parang panaginip lang, pero alam kong totoo 'yon. Totoo lahat yun.


Ngayon, nandito na ako sa airport, naghihintay ng flight pabalik sa Philippines. Kasama ko ang manager ko at ilang staff, pero tahimik lang ako. The energy around me felt busy, pero ang isip ko ay nasa Paris pa rin—nasa kanya pa rin.



Habang nakaupo ako sa waiting area, nilabas ko ang phone ko at tinitigan ang isang picture namin ni Mikha kagabi. It was a candid shot she took habang nasa swing kami. Pareho kaming nakangiti, Ito yung first picture namin na hindi pilit. Our relationship wasn't perfect, but it was real—and I loved it.




"Aiah.."  tawag ng manager ko. "Boarding na in ten minutes. Ready na ba?"



Napatingin ako sa kanya at ngumiti nang konti. "Yes, ready na." Pero ang totoo, hindi pa ako ready. Hindi pa ready na bumalik sa realidad.



Habang naglalakad kami papunta sa gate, naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko. Agad ko itong kinuha mula sa bag at nakita agad ang message ni Mikha.



06:30 A.M. Hon Sungit
> "Have a safe flight, Mrs. Lim. I'll see you soon. Promise."




Napangiti ako. Ang simpleng text na iyon ay parang assurance na kahit magkalayo kami ngayon, hindi mawawala ang connection namin.


Bago ako pumasok sa boarding gate, tumigil ako sandali at nag reply.



06:31 A.M
> Thank you, Sungit. Don't overwork yourself. I'll hold you to that promise."




Nang makasakay na kami ng eroplano, sinubukan kong itulog ang biyahe. Pero kahit anong pilit kong ipikit ang mata, hindi ko magawang kalimutan ang ngiti ni Mikha, ang mga mata niyang laging puno ng determination, at ang paraan niyang hawakan ang kamay ko na parang hindi na niya ako bibitawan.




Tahimik kong binalingan ang bintana ng eroplano. The city below were fading as we ascended into the clouds.  Kahit papaano, may konting kirot sa puso ko dahil sa layo namin sa isa't isa.



Pero alam ko, we've been through worse. Mikha and I—alam kong kaya namin to.




With that thought, I finally closed my eyes and let the memories of last night carry me to sleep.






:

Location: Airport

09:40 PM


After several hours of flying, we finally landed in Manila. I could feel the fatigue settling in my body, but as soon as I stepped out of the plane, a sense of familiarity and warmth greeted me. Nandito na ulit ako sa Pilipinas.




Habang naglalakad kami papunta sa arrivals area, naririnig ko na ang mga sigawan at hiyawan mula sa labas. Fans. Marami sila, gaya ng lagi, pero parang iba ang energy ngayon. Mas madami sila kaysa sa usual, and their excitement was almost palpable.




"Aiah! Aiah, we love you!" sigaw ng ilan.




Napangiti ako. Hindi ko napigilang ma-appreciate ang effort nila, kahit alam kong gabi na at dapat nagpapahinga na sila. Kasama ko ang manager ko at ang ibang staff habang naglalakad palabas, pero nang makita ko ang dami ng fans na naghihintay, huminto ako saglit.






Fame, Lies, and Love (Mikhaiah Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon