Child's Play 5

2 0 0
                                    

REMAINING

Sa kalagitnaan ng mga pangyayari, biglang tumunog ang mga speaker para ipaalam na tapos na ang laro. Nagsilabasan na ang iba sa kanilang pinagtataguan at naglakad para hanapin ang exit. Maya-maya pa, may mga naka-itim na naka-mask ang lumapit sa mga estudyante, ang mga 'yon ay tumatayo bilang guard. May nakatalaga na isang guard sa isang naturang estudyante, kaya ang lahat ay walang takas kung sakaling tumakbo sila.

Sa takot ng mga estudyante sa paglapit ng mga guard ay nagsigawan sila, at nagbanta pang tumakbo palayo, ngunit kaagad din silang nahabol ng mga ito. Tinakpan ng mga ito ng itim na cloth ang mga ulo nila, dahilan para mas lalo pa silang kabahan at matakot.

"H'wag niyo po akong patayin!"

"Magpapakabait na po ako please!"

"Bitiwan niyo ako! Mommy!"

Iilan lamang 'yan sa mga sigaw na namutawi sa paligid habang hila-hila sila ng mga guard pabalik sa classroom na pinang galingan nila kanina.

Paglipas ng ilang minuto, nakabalik na sila sa classroom at kaagad nilang tinanggal ang cloth na nakatakip sa kanilang mga mukha.

"Fuck it! Am I still alive?" kaagad na kinapa ni AJ ang kaniyang sarili, bakas ang takot sa boses.

"Narinig niyo ba ang mga sigawan kanina?"

"I-Iyong nangyari kay Christopher..."

Iba-iba ang naging reaksyon nila: ang iba ay walang ideya sa nangyayari ngunit kinakabahan, ang iba naman ay umiiyak at halatang takot na takot, at may mga na sa sulok na pilit na sinisiksik doon ang kanilang sarili, habang nanginginig ang buong katawan sa takot.

"You killed Florence!" humihikbi na tinuro ni Kaye si Paul.

Sa takot ay kaagad na umiling si Paul para depensahan ang sarili. "Wala akong g-ginawa!"

"What was the thing you stuck on her nape, huh?!" asik ni Kaye.

"I-I don't know!" hindi na mapakali ang mga mata ni Paul sa pagkabalisa. Hindi niya alam kung saan ibabaling ang mga 'yon.

"Look at you," tinuro ni Kaye si Paul saka nagpatuloy, "na sa damit mo ang dugo ni Florence!"

Napahinto saglit si Paul at tiningnan ang sarili niyang damit. Nanginig ang kaniyang mga kamay at may namuong tubig sa mga mata niya. Umiling siya at mahinang sinabi, "No... h-hindi ko siya pinatay. S-sinunod ko lang ang utos sa papel na nabunot ko," muling tumingin si Paul kay Kaye at mabilis na kinuwelyahan ito. "Sinunod ko lang ang nabasa ko!"

"Bitaw!" hinawakan ni Seiko ang kamay ni Paul at marahas niya itong tinulak.

"P-Pinatay mo rin si Edrick!" sisi ni Charies sa kaklase niyang si Jojo.

"May dinikit ka rin sa batok ni Zayla!"

Dahil sa ginawang paninisi ni Kaye kay Paul, namuo sa paligid ang pagsisisihan sa pagkatamay ng ilan nilang kasamahan. Natigil lamang sila nang biglang mamatay ang mga ilaw, at sumindi naman ang malaking screen sa kanilang harapan. Lahat sila ay natahimik at napatitig doon.

Kunot-noong tumingin doon si Whispher, naghihintay kung ano naman ang lalabas doon. "Maglalaro na naman ba kami?" tanong niya sa isip, at dahil sa naisip niyang iyon, nilamon ng kaba ang dibdib niya.

Maya-maya pa, lumabas lahat ng pangalan ng mga Hiders sa screen, at kabilang na roon ang pangalan ni Whisper. Sunod naman na lumabas ay ang pangalan ng mga Seekers, at ang huling pinakita ay ang mga pangalan at larawan ng mga nasawi.

Habang binabasa ang mga pangalan na naroon, hindi napigilan ng iba ang pag-iyak. Sino nga ba ang hindi iiyak kung mawalan ka ng kaibigan o taong malapit sa 'yo?

Child's PlayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon