Alice's POV
Parang sinaksak ang puso ko sa sinabi niya. Hindi ba niya ako maalala? Alam kong walang halaga sa kanya ang kasal na 'to, pero... ganun ba talaga?
Mabilis pinindot ng babae ang isang button—marahil para patayin ang speaker—at ngumiti ng paumanhin sa akin.
"Alice Hon—Guo." sagot ko sa hindi pa niya tinatanong. Muli, nailigtas ko ang sarili ko sa pagkakamali.
"Alice Guo, ma’am... Sige po, ma’am." Sabi niya sa kabilang linya.
"Ma’am" tumango siya at lumakad palayo. Sumunod ako sa kanya hanggang sa huminto kami sa harap ng isang makintab na itim na pinto na may gintong plaka kung saan nakaukit ang CEO Risa Hontiveros.
"Salamat..." sabi ko pero hindi ko natuloy.
"Lisa," sabi niya para punan ang kulang.
"Lisa." ngumiti ako nang magiliw na siya ring ibinalik bago siya tuluyang lumakad palayo.
Binaling ko ang pansin ko sa itim na pintuan at huminga nang malalim.
Ito na 'yon. Masisira ko na ang sarili kong kasal, ang sarili kong kaligayahan gamit ang sarili kong mga desisyon.
Para maging masaya siya. ‘Yun lang naman ang gusto at kailangan ko. Pinanatag ko ang sarili ko at tinaas ang kamay para kumatok.
"Isipin mo muna, Alice. Kapag pumasok ka diyan, tuluyan ng mawawala sayo si Risa habang buhay." bulong ng makasarili kong bahagi.
"Tandaan mo, walang tunay na pag-ibig kung walang sakripisyo. Maaaring mawala siya sa akin habang buhay, pero magkakaroon siya ng habang-buhay sa taong mahal niya. Hindi ko man makuha ang mahal ko, hindi ibig sabihin ay hindi rin dapat makuha ng mahal ko ang sa kanya." tugon ng aking makataong panig.
Sa wakas, nakumbinsi ko ang sarili ko at kumatok.
Narinig ko ang paos niyang boses na nagsabing
"Pasok "
Binuksan ko ang pinto at dahan-dahang pumasok.
Ang tema ng silid ay dark blue, puti, at itim—ibang-iba sa opisina sa ibaba. Madilim na asul ang carpet na nakalatag sa buong sahig, puti ang mga dingding, at may mga itim na shelves na punô ng libro. May mga itim na cabinet sa isang gilid, malamang puno ng mga files. Sa isang sulok, may mahabang itim na sofa at coffee table sa gitna, may malaking plasma TV rin.
Dalawang itim na pinto—yung isa siguro ay banyo at yung isa ay walk-in closet. Alam ko kasi minsan na akong nakapunta rito kasama ang tatay ko. Hindi ko lang pinansin noon ang paligid kaya nauwi akong nagtatanong sa reception ng direksyon.
Sa gitna ng lahat ay ang malaking itim niyang mesa at doon siya nakaupo sa itim niyang upuan, naka-cross-leg, magkayakap ang mga kamay, nakatitig sa akin gamit ang malamlam niyang mga mata. Sandali akong napatigil sa pagka-distract dahil sobrang ganda niya habang nakaupo roon suot ang grey at black niyang suit—parang galing sa fashion magazine.
"Ano bang napaka-importante at kinailangan mo pa akong puntahan dito sa opisina?" tanong niya na walang emosyon ang napakagandang mukha.
Napansin ko ang eyebags niya—kulang sa tulog. Alam kong magkakasakit siya, puro pagkain sa labas ang kinakain at halos wala pang dalawang oras kung matulog.
"Kailangan mo ba ng pera? Kung oo, sana t-next mo na lang ako at ipapadala ko agad sa account mo." kalmado niyang sabi. Hindi pa rin ako makapaniwala. Iniisip pa rin niyang pera ang habol ko sa kanya?

BINABASA MO ANG
The Arranged Marriage (Guontiveros)
Fanfiction"Alice, kailangan nating mag-usap." sabi niya matapos ang ilang minutong katahimikan. Hindi ko alam kung paano ang apat na salitang ito ay kayang sirain ang buhay at pangarap ng isang tao-hanggang ngayon. Tahimik akong tumango, hudyat na magpatuloy...