Chapter 42

337 12 2
                                        

One week passed by at ngayon yung araw na nakalagay sa envelope.

Buong maghapon ko sila pinapakiramdaman. Wala naman silang unusual na ginagawa pero hindi ako mapakali. Last subject na kaya mas lalo akong kinakabahan.

"Wala tayong gala bukas?" tanong ni Saint paglabas ng huling guro namin.

Binato naman sya ng crumoled paper ni Aiden. "Pumirmi ka sa bahay lintik ka."

"Para gala lang eh." Bulong bulong pa nya.

Inaayos ko na ang gamit ko habang nakatayo ng yumakap mula sa likod ko si Elijah.

"Are you okay? Is there a problem?" He asked softly.

Nilingon ko naman sya ng konti at nginitian ng maliit. "You're going there. Am I right?"

Buntong hininga ang sinagot nya sakin bago ako tuluyang iharap sa kanya.

"We need to. We need to end this now. Para hindi kana rin madamay."

Nakaka intindi naman akong tumango. I should trust them. "Can I come?"

Natigil ang paghagod nya sa bewang ko at tinignan akong mabuti. Ilang minuto nya akong tinignan bago binaling ang tingin sa iba naming kasama.

"Sasamahan na lang namin si Astra sa bleacher." ani Oli.

Pag ganitong pangalan ko ang tinatawag nila sakin, hindi boss, bossing. Alam kong seryoso ang mga pangyayari. Na lalong nagpa dagdag sa kabang nararamdaman ko.

"Trevor, Brett, Hayden, Kayden, August, Isaiah and Ryker come with me to the meeting. The rest of you take a closer look to Coleen. Don't let anyone come near her. Understood?" He asked.

"Copy Pres."

Sabay sabay naman na sagot nila. Hindi na rin kami nagtagal at umalis na rin papunta sa racing track.

Nakapag palit na kami ng damit, may baon pala sila. Kaya bago pa umalis kanina sa parking pinagpalit na ako ni Elijah ng terno nyang sweatshirt at pants na nasa locker nya. May kalakihan yon pero okay lang kesa naman naka school uniform ako. Nagpalit din sila pagpasok nila sa sasakyan. Sanay naman na ako na nag huhubad sila ng pang itaas sa harapan ko, wala naman malisya. Pero yung pants ibang usapan yon syempre.

We arrived at the racing track, I was quiet the whole ride. I'm just hoping na sana walang pisikalan na mangyari. Pero malakas ang kutob ko na magkakaron, imposibleng wala.

"Stay here with them. If you need to use the bathroom tell them, para masamahan ka. Okay?"

Naka upo na kami sa bleachers habang si Elijah naka upo sa harap ko, naka luhod ang isang tuhod.

I nod at him. "Be careful please." He nods and kissed my cheek.

Nag bilin pa sya ulit sa mga kumag bago kami iwan at puntahan ang kwarto na pagdadausan nila ng meeting.

"Kalma ka lang bossing. Kaya nila yan." ani Greg sa tabi ko.

"Mag uusap lang yung mga yon." Dagdag pa ni Jude na tumabi na rin sakin.

Tumango lang ako sa kanila. Sana nga.

Lumipas ang thirty minutes na pag hihintay pero wala pa rin kaming nakukuhang update sa kanila. Tanaw mula rito ang kwarto na kinaroroonan nila. Hindi mo nga lang sila kita sa loob.

Sa loob ng trenta minutos nililibang naman ako ng mga kumag. Kahit papano naman nabawasan ang pag aalala ko, pero ngayon na tumatagal na talaga sila bumabalik na naman ang pag aalala ko.

"Shit!" agad ang paglingon ko sa pwesto ni Toby. "May magaganap na car racing top 3 leader."

"Which means Cloud is included." Aiden looked at me worried eyes.

A Rose Among the ThornsWhere stories live. Discover now