Chapter 39

8.6K 379 39
                                        


Alvira

"So nalaman niya na pala ang tungkol kay Aela?" tanong sa akin ni Eric, nakangiti akong tumango sa kanya.

"Oo, dahil kay Yiren." sabi no nalang. Natatawa naman siyang napailing. Nang makarating kami sa bahay nila Paloma, agad na rin kaming lumabas ni Eric sa kotse.

Hindi naman totoong mag di-date kami ngayon. Birthday lang ni Paloma at invited nga ako kaya sabay na kaming pumunta rito ni Eric. Matagal tagal na rin kaming hindi nag kikita ng babaeng iyon kaya pumayag na ako. Lagi kong kaaway sa pustahan si Paloma pero isa naman siya sa malapit sa akin pag nasa bar kami.

"Bigla ka nalang nag laho noon na parang bula!" bungad ni Paloma nang makita ako. Natatawa ko siyang niyakap na agad niya naman sinuklian.

"Nag pa-miss lang." Pang aasar ko, umirap lang siya sakin. Walang pinag bago, ang ganda at sexy parin ni Paloma, balita ko rin na engaged na pala siya ngayon. Mukhang matatapos na ang pag tambay niya sa bar niyan.

"I invited Yiren pero mukhang busy siya, hindi ba kayo magkasama?" tanong niya sakin, busangot akong umiling. Umalis lang din kasi agad si Yiren kaninang umaga pagkatapos niyang ihatid ang mga pinabili ni Sammie. Mukhang may iba pa siyang lakad.

Nilibot ko sa buong paligid ang tingin, hindi naman ganun ka rami ang tao, kadalasan ay mga kapamilya lang din ni Paloma. May mga nakikita akong pamilyar na mukha, sa tingin ko ay mga schoolmates namin noon na hindi ko na matandaan.

"Kayo na?" palihim na tinuro ni Paloma si Eric na ngayon ay nakikipag usap ata sa iba nilang pinsan.

"Hindi." natatawa pa akong umiling. Pinaningkitan naman ako ni Paloma ng mata. "Ang tanda na natin, Vira! Nag papakipot ka parin? Ang gwapo at bait kaya niyang pinsan ko." mataray niyang sabi.

Napabaling ulit ako kay Eric. Mabait at gwapo rin naman kasi talaga ito kaso nga lang... hindi ganyan ang tipo ko—ano bang tipo ko?!

Hindi na rin naman ako nag tagal doon, nakipag kuwentuhan lang ako kina Paloma. Nang mabagot ay nag paalam na ako sa kanila. Gusto pa sana akong ihatid ni Eric pero nag taxi nalang ako.

Dahil nga wala naman akong number ni Sammie, si Yiren ang tinanong ko dahil alam kong alam niya kung nasaan sila Sammie ngayon. Nabanggit niyang pumunta raw ito kanina sa condo niya ay nalaman niya ring dadalhin daw ni Sammie si Aela sa bahay nila. Kaya doon na ako dumeretso.

"Vira! Omg hija!" nagulat pa ako nang biglang may sumigaw pagkapasok ko sa bahay nila. Nag mamadaling lumapit sa akin ang mommy ni Sammie. Ngumiti ako sa kanya at hinalikan siya sa pisngi.

"Hello, po tita..."

"Hija! I missed you! We missed you—and omg! I can't believe it! Ang anak niyo ni Sammie... si Aela, she's the prettiest!" naiiyak sa sobrang sayang sabi nanaman ni Tita. Parang hinihingal pa siya at nakaramdam agad ako ng kaba dahil baka atakehin siya sa puso.

"And gusto ko lang humingi ng tawad, Vira... sa mga nangyari noon—sa mga sinabi ni Sammie sa 'yo." malungkot nanaman siya ngayon. Nakahawak pa siya sa magkabilang braso ko. Nalaman na rin pala nila ang tungkol sa sinabi ni Sammie sa akin noon.

"Ayos lang po tita... matagal na 'yon." sabi ko. Bumusangot naman siya. Nilibot ko nalang ang tingin sa buong bahay nila nang mapansin kong may mga taong parang abala lahat sa ginagawa. May mga binuhuhat na mga kung ano-ano.

"Nasaan po sila?" tanong ko nalang nang di ko makita sila Aela. Nakangising bumaling si Tita sa akin.

"Ah, nasa kwarto! Nasa taas... halika." hinawakan niya agad ako sa braso at hinila paakyat ng hagdan. Marami akong nakikitang mga katulong na nag lilinis. Malaki ang bahay nila Sammie kaya medyo marami-rami rin ang mga katulong nila.

A Feeling I Couldn't Resist (Vexed Men Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon