Chapter 2

966 90 19
                                        

Alice's POV

Nagising ako na sumisinag ang araw sa aking mukha. Ngumiti ako at bumangon mula sa malamig kong kama—mag-isa. Hindi tulad ng iba, mahal ko ang umaga dahil ito ang liwanag na nag-aalis sa dilim ng gabi at nagdadala ng bagong pag-asa. Napabuntong-hininga ako at tumayo para maligo. Alam ko na kung ano ang kailangan kong gawin. Para ito sa kaligayahan niya.

"Paano naman ang kaligayahan mo?" sabi ng isang tinig sa aking isipan.

Ang kaligayahan ko ay makitang maligaya at masaya siya. sagot naman ng isa ko pang isipan.

Pumasok ako sa loob ng aking aparador at kumuha ng isang dress. Kung hindi niyo pa alam, mahilig talaga ako sa mga bistidang damit o dress na hanggang tuhod ko, napaka komportable kasi nito sa pakiramdam ko.

Suot ko ngayon ang isang magandang asul na bistida na may mga puting disenyo. May maikling manggas ito at may cinched na baywang, na nagbibigay sa akin ng magandang hugis. Ang palda ay mahaba at maluwag, kaya't komportable akong kumilos. Talagang bagay na bagay ito sa akin.

Naglagay ako ng mascara na nagdagdag ng volume sa aking mga pilikmata at lalong pinatingkad ang aking madilim na kayumangging mga mata. Naglagay din ako ng lip gloss na nagbigay ng makintab na epekto sa aking mapupulang labi at ngumiti ako nang may kasiyahan sa aking repleksyon.

Isa ako sa mga taong naniniwala sa natural na ganda kaya palagi akong minimal kung mag-makeup. Kinuha ko ang aking telepono, pitaka, at susi ng kotse bago umalis ng bahay matapos sabihan si nay Elena tungkol sa aking pag-alis.

Binuksan ko ang aking Porsche at umalis.

Ipinarada ko ang kotse at bumaba, nakatitig sa napakalaking gusali sa harapan ko.

Hontiveros INC ang nakasulat sa malaking gintong letrang cursive sa may entrada. Huminga ako nang malalim at pumasok sa loob, kasabay ng pag-click ng takong ko sa ginintuang kayumangging mga tiles. Napansin kong ang tema ng lugar ay kulay ginto, puti, at kayumanggi—na may salamin sa halos lahat ng sulok.

Ang resepsyon ay isang mahabang mesa na yari sa brown oak, nakapuwesto sa hugis kalahating buwan. Sa likod ng mesa, may isang babaeng abalang nagta-type sa computer habang may bubble gum sa bibig—hinihipan at pinapaputok. Base sa ekspresyon ng mukha niya, sigurado akong hindi trabaho ang ginagawa niya sa computer, dahil wala pa akong nakitang taong nakangising parang may kalokohan habang nagtatrabaho.

Malinaw—isa siyang bitch na mas mataas pa ang attitude kaysa IQ.

Mukha siyang cake na may makapal na makeup, suot ang isang mahigpit at matingkad na pink na button-up shirt na may apat na butones na bukas—halos libreng pornong pelikula na ang peg.

Nakatuck-in iyon sa isang light grey na pencil skirt... teka, sorry—tight pencil skirt.

Napabuntong-hininga ako. Wala akong ganang makipag-usap sa isang pabebeng tanga. Alam ko na ang isasagot niyo sakin kapag nag tanong na ako.

Pabigla kong ibinagsak ang kamay ko sa mesa niya, dahilan para magulat siya mula sa kung anuman ang ginagawa niya. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa—halatang hinuhusgahan ako—at saka ako tiningnan nang masama.

"Anong kailangan mo?" tanong niya sa nakakaantok na tono habang sinusuri ang mga kuko niya na sigurado akong peke.

"Gusto kong makausap si Ms. Hontiveros." Muli niya akong sinukat ng tingin bago pabalibag na nag-roll ng mata.

"Nasa meeting siya. May appointment ka ba? Well, halata namang wala, so pwede kitang isingit sa schedule... tignan natin..." kunwari siyang tumingin sa computer bago sabihing,

The Arranged Marriage (Guontiveros)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon