Chapter 38

10.5K 438 84
                                        


Lyssam

"Did Yiren know you were in Canada back then?" tanong ko kay Vira. Sumulyap ako sa kanya at gaya ko, nakasandal lang din siya sa sofa. Pagkatapos ko ngang kainin ang buong cake na bigay nong Eric, hindi parin ako umuwi at mukhang pagod na rin si Vira na pilitin ako.

Tumango lang si Vira, kaya dismayado nalang akong napapikit. Pambihirang Yiren yan!

Nakuwento rin kasi ni Vira sa akin na sa Canada nga raw pala sila pumunta noon, tinawanan niya pa ako ulit nang malamang totoo ngang pumunta ako noon sa HongKong para hanapin sila. Ngayon ko lang din naisip na mapaking katangahan iyon lalo pa't hindi ko man lang alam kung saan sila banda sa HongKong.

Bwisit na Yiren yan. May kasalanan din naman talaga ako at tinulungan din ako ni Yiren ngayon para malaman kong may anak nga kami ni Vira. Pero tuwing naalala kong three years niyang tinago sa akin kung nasaan sila Vira ay nakakainit ng ulo.

Nalaman ko rin na hindi naman pala totoong may sugar daddy si Vira. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng tuwa nong malaman ko iyon, ano bang paki ko kung wala siyang sugar daddy?

Mas lalo nga lang gumaan ang pakiramdam ko nang maalalang sinabi ni Vira na hindi niya boyfriend iyong Eric, pero kahit ganun, halata parin sa lalaking 'yon na gusto niya si Vira. Nakakabwisit. Bakit naman ako mabubwisit?!

"When I wasn't around... how did you manage everything on your own, babe?" tanong ko. Hindi kasi talaga nawawala sa utak ko ang pag-aalala. Simula noong nalaman kong umalis pala si Vira, hindi na ako nakakatulog ng maayos kakaisip kung nasaan na siya, kung napano na siya, kung ayos lang ba siya.

"Nandoon naman si Dad at ang stepmom ko. Sila ang tumutulong sakin. Hindi rin naman maselan ang pag bubuntis ko. Parang di nga lang din ako buntis sa mga panahon na iyon." ngumiti pa siya sakin. Nakatitig lang ako sa kanya.

"Is there anything I can do now to make up for it?" busangot akong humarap sa kanya. Sumulyap ulit siya sakin at ngumiti. Mabilis niyang tinapik ang balikat ko, nagulat pa ako sa biglaan niyang pag hawak sakin... ilang taon na ang lumipas, mukhang lumala pa ata ngayon!

"Ang dapat mo lang gawin Sammie ay umuwi." nakangiting sabi niya at agad na tumayo. Mas lalo lang akong nalungkot. Tumayo nalang din ako at nag buntong hininga.

Nag lakad ako patungo sa kwarto. Napangiti nalang ako nang makita ang mahimbing na si Aela. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Sobrang cute... sobrang ganda! Ang perfect talaga ng lahi ko. Napaangat ako ng tingin kay Vira nang lumapit din siya sakin para tingnan si Aela.

"Babe... I can't stop staring at her." naiiyak kong sabi. Ayaw ko talagang umuwi! Gusto ko nakikita ko si Aela buong mag damag! Bumuntong hininga lang si Vira at dahan-dahang humiga sa kama.

"Doon ka sa sofa." nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya. Mabilis akong napaayos ng tayo.

"Omg?! Papayag ka na?!"

"Hinaan mo nga ang boses mo!" mahinang sita niya sakin kaya agad kong nakagat ang labi ko. Buti nalang hindi nagising si Aela. Tumango nalang ako at lalabas na sana nang biglang nalukot ang mukha ko dahil sa sinabi niya.

"Bakit sa sala ako? We even used to sleep together with Yiren nga noon eh!" busangot na sabi ko. Nag lakad ako ulit palapit sa kanya nang makita ko ang suot niya ay napaatras lang din ako ulit.

"Nevermind." sabi ko nalang at lumabas na ng kwarto. Padabog akong humiga sa sofa.

Dahil nga excited ako, at nasa sofa lang ako natutulog, maaga akong nagising. Mabilis kong tinawagan si Yiren na mag papabili ako ng mga damit, pumalag pa siya pero wala na rin siyang nagawa dahil sinabi kong iyon na ang pambawi niya sa tatlong taon na niligaw niya ako sa HongKong.

A Feeling I Couldn't Resist (Vexed Men Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon