Alvira"Mommy, I wanna eat a cake... can I have a cake please?" nakangusong sabi ni Aela. Pinag dikit niya pa ang dalawang palad. Gabi na kaya hindi ko talaga siya bibigyan nun.
"If you go to bed early tonight, I'll buy you a rainbow cake tomorrow." nakangiting sabi naman ni Sammie, nanlaki ang mga matang bumaling si Aela sa kanya. Napanganga pa ito sa gulat at mabilis na tumayo sa kama. Mabilis namang umupo si Sammie sa tabi ni Aela para bantayan itong hindi mahulog.
Kanina ko pa siya pinapatulog pero ayaw niyang matulog, siguro dahil kinakausap parin siya ni Sammie hanggang ngayon! Hindi ko rin alam kung bakit hindi pa umuuwi ang isang to. Buong araw na siyang nandito!
"Rainbow cake? With all the colors?!" excited na tanong ni Aela sa kanya. Nakangising mabilis na tumango-tango si Sammie na mas lalong ikinatuwa ni Aela. Tumalon-talon na ito.
"Can I eat it with unicorns?!" Natigilan naman si Sammie sa sinabi ni Aela, busangot siyang napabaling sa akin na parang hindi alam kung ano ang isasagot. Nag kibit balikat nalang ako.
"Yes, baby... but only if you get a good night's sleep."
"Daddy, if I go to bed early, will the unicorns be there when I wake up?" tanong nanaman ni Aela.
"Omg, babe... tinawag nanaman niya ako ng daddy!" naiiyak na sabi ni Sammie. Natawa nalang ako dahil ang OA niya, kanina pa siya tinatawag ni Aela nun pero ganun parin ang reaksyon niya.
Nag patuloy lang sila sa pag uusap hanggang sa mapansin kong kumalalim na nga ang gabi at nakaramdam na rin ako ng antok. Kita ko namang pinapatulog na ni Sammie si Aela, nakatayo lang ako sa harap nila. Nang makita kong nakatulog na nga ang bata ay agad kong hinila ang braso niya, gulat pa siyang nag angat ng tingin sa akin na akala mo gagahasain ko siya.
Tinuro ko nalang ang pinto para maalala niyang dapat na siyang umuwi, pero umiling lang siya sakin na ikinataas agad ng kilay ko.
"Sammie, inaantok na ako, umuwi ka na." Mahina pero madiin na sabi ko sa kanya. Nakatitig lang siya sakin. Dahan-dahan nanamang umiling.
"Uuwi lang ako kung sasama kayo sakin." pag mamatigas niya. Napahilamos nalang ako ng palad sa mukha. Anong ibig niyang sabihin? Dito na siya titira?!
Agad ko siyang hinila palabas ng kwarto, pumalag pa siya pero nang makitang muntik pang magising si Aela sa ingay namin ay nagpahila na rin siya. Binitawan ko lang siya nang nasa living room na kami.
"Nababaliw ka na ba?"
"I told you already na gusto ko magkasama tayong tatlo. If you don't want to come with me, I will stay here." madiin niyang sabi. Gustong-gusto ko na siyang kurutin. Inis na inis na ako!
Bago ko pa siya masinghalan ay biglang tumunog ang phone ko. Masama ko muna siyang tiningnan bago ko kinuha iyon at kita kong si Eric ang tumawag. Kanina pa siya tumatawag pero hindi ko sinasagot, buong araw din kasing nandito si Sammie!
"Does your boyfriend stay here too?" taas kilay na tanong niya. Iniisip niyang boyfriend ko si Eric, sabagay, iyon nga pala ang pakilala ko kay ate Donna. Dahan-dahan nalang akong umiling.
"At hindi ko siya boyfriend." natatawang sabi ko, nanlaki naman ang mga mata niya.
"Hindi kayo?!"
"Pero baka sa susunod." kumindat pa ako sa kanya na hindi niya naman ikinatuwa.
"Then, why does he keep calling you at this hour?" iritang tanong niya. Kunot noo ko siyang nilingon. Nang makita ko ang dilim ng mukha niya hindi ko na napigilan ang tawa ko.
"Sammie, parang tunog selosong jowa na ang tanong na yan." pang-aasar ko sa kanya. Kita ko ang agad niyang pag irap sakin at nag buntong hininga.
"Ang ingay lang, nakakadisturbo sa tulog ni Aela." mataray na sabi niya at naupo sa sofa. Napailing nalang ako.
Tinitigan ko lang siyang busangot na nakahalukipkip, hinihintay kong tumayo siya at mag paalam na aalis pero mukhang wala siyang balak. Ilang segundo rin ang lumipas at tumikhim na nga ako.
"Alam kong ikaw ang may-ari nitong apartment na to Sammie, pero sa tingin ko... kailangan mo nang umalis." madiin na sabi ko. Walang gana siyang bumaling sa akin at tinaasan ako ng kilay kaya tinaasan ko rin siya ng kilay dahil bakit tinatarayan niya na ako ngayon?!
"Hindi ako uuw—"
"Ano 'yan? Hindi ka mag papalit?! Pwede ka namang bumalik dito bukas." inis na sabi ko, mas lalo lang bumagsak ang balikat niya at nakatitig lang sa pinto ng kwarto namin ni Aela. Natigilan lang ano nang tumunog nanaman ang phone ko, pinaningkitan pa ako ni Sammie ng mata pero hindi ko na siya pinansin.
Dahil medyo naaawa na rin ako kay Eric na kanina pa paulit-ulit na tumatawag, sinagot ko nalang iyon. Tumalikod ako kay Sammie dahil nakakainis ang mukha niya.
"Vira? Okay ka lang ba? Why aren't you answering my calls?" Bungad sa akin ni Eric. Halata sa boses niya ang nag aalala.
"Ah... na-busy lang ako buong araw, bakit ka nga pala napatawag?" napasulyap ako kay Sammie nang marinig ko ang sobrang lakas ng pag buntong hininga niya. Maarte niya lang na tinitigan ang mga kuko niya.
"May ibibigay lang sana akong pasalubong sayo, and I also bought a cake for Aela... matutulog na ba kayo?"
"Nakatulog na si Aela..."
"I'll just bring it to you now, is that okay?" sumulyap ako ulit kay Sammie nang itanong iyon ni Eric. Masama niya akong tiningnan habang nakahalukipkip ulit. Siguro ay naririnig niya ang sinabi ni Eric sa kabilang linya.
Nabanggit din naman kasi kahapon ni Eric sa akin na may lakad nga raw sila ngayon ng pinsan niyang si Paloma, gusto niya pa nga sana kaming isama pero hindi ako pumayag dahil gusto ko nga sanang dito lang muna kami ni Aela, kung alam ko lang na susulpot bigla si Sammie sa araw na 'to ay baka sumama nalang kami.
"Sige..." iyon lang ang sinabi ko, nag pasalamat nalang ako kay Eric at pinatay niya rin naman ang tawag.
"Seriously? Tatanggapin mo ang ibibigay niya?" kunot noong tanong ni Sammie, masaya lang akong tumango sa kanya na mas lalong ikinalukot ng mukha niya.
"Syempre, ang pangit naman ata kung hindi ko tatanggapin ang ibibigay niyang pasalubong." sabi ko nalang. Narinig ko ring tumunog ang intercom kaya mabilis ko nang binuksan agad ang pinto.
Bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Eric, iyon nga lang napawi agad ang ngiti niya nang makita niya na siguro ang bakla sa loob ng unit ko, napasulyap tuloy ako sa likuran at kita ko nga ang mataray na mukha ni Sammie, deretso sa amin ang tingin. Ngumiti nalang ako kay Eric.
"Kaibigan ko." pag papakilala ko, tipid na ngumiti si Eric at tumango nalang.
"Oh, the baby daddy..." umangat pa ang gilid ng labi ni Eric nang sabihin iyon, halata sa boses niya ang pang-aasar. Hindi na rin ako nag taka kung bakit niya iyon nasabi, kamukha nga kasi ni Aela si Sammie.
"Not to be rude, but are you done giving what you need to give? You can leave now..." rinig kong sabi naman ni Sammie. Gulat ko siyang nilingon.
"Sammie!" pinandilatan ko pa siya ng mata dahil ang bastos talaga ng ugali niya. Umirap lang siya sakin. Binalingan ko nalang ulit si Eric na mukhang hindi na rin natutuwa.
"It's okay, Vira... here." sabay abot niya sakin ng paper bags. Nahihiya ko itong tinanggap. "Salamat, Eric. Pasensya na." sabi ko nalang dahil nabubwisit talaga ako sa inaasal nong bakla.
Hindi na rin naman nag tagal si Eric, talagang binigay niya lang sa akin ang mga pasalubong na pinamili niya. Nang makaalis siya ay inis kong nilapitan si Sammie. Bakit niya naman sinabi 'yon?! Napaka-bastos ng ugali.
"Ano 'yon, Sammie? Ang sama-sama ng ugali mo." reklamo ko. Hindi siya umimik at maarteng tumayo lang. Nagulat pa ako nang agawin niya sa akin ang box nong cake. Pumunta agad siga sa kusina para kumuha ng kutsara at...
"Bakit mo kinain?! Hindi para sayo yan!" Pilit ko pang hininaan ang boses ko dahil baka magising si Aela. Nag mamadali akong lumapit kay Sammie na nilamon ang cake. Kunot noo ko siyang tiningnan. Tangina, anong trip niya?!
"Ako ang bibili bukas ng cake para kay Aela. It's not safe for my child to eat anything given by strangers." Tumaas naman ang kilay ko sa sinabi niya.
"Gago ka ba? Mas matagal pang kilala ni Aela si Eric kesa sayo, ikaw ang stranger!" inis na sabi ko.

BINABASA MO ANG
A Feeling I Couldn't Resist (Vexed Men Series #5)
RomanceLyssam "Sammie" Sandoval, a gay man, never imagined that a single night with his friend, Alvira Silvas, would change everything. Habang nilalabanan ang kalituhan sa kanyang kasarian, nahihirapan siyang harapin ang sitwasyon kaya naman iniwan siya n...