LyssamParang sasabog na ang puso ko sa sobrang tuwa. Kung nananaginip lang ako ngayon sana hindi na ako magising! Pakiusap, sana walang gumising sakin!
Hindi parin talaga ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. Ang batang nakita ko noon sa management office na gustong-gusto kong iuwi sa bahay ay anak ko pala... hindi talaga ako makapaniwala.
Kamukhang-kamukha ko talaga siya, lahat ata ay nakuha na niya sakin. May parte sa akin na medyo malungkot dahil wala man lang nakuha kay Vira, gusto ko rin sanang makakita ng mini-Vira pero siguro sa susuno—puta?!
Nasamid pa ako sa sarili kong laway, napasulyap si Vira sa banda ko dahil nauubo na ako. Umiwas nalang ako ng tingin at muling tinitigan ang anak ko—omg! May anak nga ako! Tuwing naiisip ko iyon ay naiiyak nanaman ako.
Naiintindihan ko naman si Vira kung bakit hindi niya sinabi sa akin ang tungkol dito. Mukhang wala nga siyang balak sabihin sa akin na may anak kami, buti nalang at kahit naguguluhan ay ginawa ko parin ang sinabi ni Yiren kahapon. Hindi niya nabanggit na si Vira ang nasa unit na ito, at mas lalong hindi ko inaasahan na makikita ko ang anak ko.
Hindi ako nagsasawang titigan si Aela kahit kumakain lang naman ito ng cereal. Sobrang cute... sobrang cute niya! Naiiyak nanaman ako! Busangot kong nilingon si Vira na may hinahanda sa kusina. Agad akong tumayo para lapitan siya pero natigilan lang din ako nang marinig kong tumunog ang intercom.
Napabaling din si Vira sa pinto pero bago pa siya makalapit doon, nauna na ako. Sinagot ko iyon at narinig ko agad ang boses ng lalaki. Ngayon ko lang naalala na may boyfriend nga pala si Vira. Iyong lalaking kumuha nun kay Aela sa office... 'yon ba?
Parang nabadmood na agad ako. Walang gana kong sinulyapan si Vira na ngayon ay parang hinihintay lang din akong sabihin kung sino iyong nasa labas. Ngumiti nalang ako sa kanya at hindi na binuksan ang pinto. Nag lakad lang ako ulit palapit kay Aela.
"Sino 'yon?" kunot noong tanong ni Vira. Wala akong balak sabihin sa kanya na boyfriend niya iyon. Bahala nang manigas iyon sa labas. Umiinit na ang ulo ko.
"Housekeeper... sinabi kong hindi ka muna magpapalinis." nakangiting sagot ko na mas lalong ikinakunot ng noo niya.
Wala naman kasing housekeeper dito sa complex namin, hindi naman ito hotel pero wala na akong ibang mabigay na rason. Buti nalang at di naman na siya nag tanong, nag patuloy lang siya sa ginagawa. Gusto ko siyang tulungan mag luto pero hindi ko magawang umalis sa harap ng anak ko, namamangha parin ako at natatakot akong pag umalis ako sa harap niya bigla siyang mag laho tapos magigising ako.
"Tata, I have fruit, eat with me please..." nagulat ako nang bigla akong abutan ni Aela ng watermelon, gusto kong matuwa dahil kinakausap niya ako pero hindi ko nagustuhan ang tawag niya sakin.
"Daddy. I'm your daddy, Aela." nakangiting pag tatama ko sa kanya, mukhang hindi naman siya nakinig at nagpatuloy lang sa pagkain nong mga prutas niya.
"Ayaw mong tawagin kang mommy?" rinig kong pang aasar ni Vira, busangot ko siyang nilingon sa kusina. Kung siguro noon gusto ko talagang tawaging mommy or tita pero ngayon...
"At sino namang tatawagin niyang daddy? Ang boyfriend mo?" taas kilay na tanong ko, gulat naman siyang nag angat ng tingin sa akin. Umirap nalang ako sa kanya at binalik na kay Aela ang atensyon ko. Nakakainis. Mukhang ang tinuturing pang daddy ni Aela ay ang Eric na 'yon. Di ako papayag.
"Daddy! Daddy! Look... I wanna show you my favorite unicorn!" natuwa naman ako sa tawag niya sakin! Nag mamadali siyang pumasok sa loob ng kwarto nila kaya tumayo ako para sundan siya pero nakalabas lang din siya agad.

BINABASA MO ANG
A Feeling I Couldn't Resist (Vexed Men Series #5)
RomanceLyssam "Sammie" Sandoval, a gay man, never imagined that a single night with his friend, Alvira Silvas, would change everything. Habang nilalabanan ang kalituhan sa kanyang kasarian, nahihirapan siyang harapin ang sitwasyon kaya naman iniwan siya n...