Natapos ang Undas at balik eskwela na naman kami.
Unang araw ng klase matapos ang bakasyon wala agad teacher ng first class. Kaya ito late na rin ako pumasok.
Paglabas ko pa lang ng elevator rinig na agad ang sigawan sa classroom kaya agad na akong tumakbo palapit don. Magulong kwarto ang sumalubong sakin. Naka tumba ang ibang upuan habang sila ay nasa gitna at nagkaka gulo.
"Awat na mga pre!"
"Mayayari tayo nito kay Astra."
"Maabutan pa tayo ni Astra nito."
"Cloud! Trevor! Hindi ba talaga kayo titigil?"
What the hell is happening?
Pabagsak kong sinara ang pinto. Dun lang sila natigil at bumaling sakin.
"Yari na."
"Shit! andito na sya."
"Astra."
"Goodluck talaga sa inyo."
Nakita ko sa likuran nila si Elijah at T na parehas may bangas ang mukha. "Explain." Nag pipigil ng galit na sabi ko.
Tahimik lang silang nakatingin sakin. Walang kahit isa sa kanila ang gustong mag salita. Lalo akong nainis sa katahimikan nila.
"Walang mag sasalita?" Wala pa rin gustong magsalita. "Okay then. Don't talk to me. All of you." Hindi ko na sila binigyan ng pansin at pumunta na sa upuan ko.
Wala akong kibo hanggang sa mag lunch. Nag chat ako kay Mira na sasabay ako sa kanya mag lunch, buti na lang nag reply sya at pumayag. Ngayon ay papunta na ako sa kanya, nag hihintay sya sa tapat ng room nila.
Bago ako lumabas ng kwarto namin kanina kakausapin sana ako nung ibang kumag pero dire diretso na akong lumabas. Hanggat hindi sila nag papaliwanag bahala sila sa buhay nila. Kakabalik lang sa school basag ulo agad mga inaatupag.
"Bakla!" Salubong sakin ni Mira. "Anyare? Bakit sasabay ka sakin today mag lunch?"
Kasama namin si Mico since nasa iisang klase lang naman sila. Nakita ko pa ang pag tingin nila Sloan and friends sa pwesto namin.
"Badtrip ako sa mga kumag sa taas. Bahala sila don."
"Dun natin ituloy chismisan sa office. Daan muna tayo pagkain sa caf." Umangkla na ang braso nya sa braso ko.
Pagpasok sa office nila kami lang tatlo rito. Hindi naman daw dito tumatambay yung ibang officers lalo na mah ibang circle of friends din yung mga yon.
"So, ano nga nangyari?" Hindi na makapag hintay na tanong ni Mira.
"Wag nyo sasabihin sa guidance ah." Tinignan ko silang dalawa. Nung tumango sila saka ko nag patuloy sa pag detalye ng naabutan ko kaninang umaga.
Natahimik silang dalawa saglit bago nag salita si Mico. "That's the first. Hindi pa nagkaka pisikalan yung dalawa na yon."
"Oo nga. Pwede pa siguro yung ibang mga kaklase mo. Pero silang dalawa? Nakaka gulat nga yon." saad naman ni Mira.
"Kahit nung issue kay Mara?" I asked curiously.
Umiling si Mico. "Hindi. Kasi unang una hindi naman pinatulan ni Cloud si Mara. Kaya walang rason para mag away sila."
"May nasabi sila na magka kaibigan dati sila Cloud at Sloan. Anong nangyari? May alam ba kayo?" I asked them.
Umiling naman si Mira. "Wala akong idea. Kasi hindi naman talaga kami magkaka batch. Two years ata silang huminto sa junior high, pati si Sloan at Ryker. Kung anong dahilan hindi namin alam. Basta nagulat na lang din kami naging usap usapan sila, doon na namin nakilala yung section 4. Bigla na lang ulit sila nag enroll rito."
"Tapos section 1 ulit si Sloan? Still star section?"
Si Mico naman ang tumango. "Napaka galing mag panggap ni Sloan. Kayang kaya nya umarte na napaka bait nya sa harap ng iba. Magaling sya mag manipula ng tao. Kaya mag ingat ka talaga sa tao na yon. Kung sa academics naman may ibubuga talaga sya."
