Alvira"Napaayos na ba?" tanong sa akin ni Eric, lumapit pa siya para tingnan ang washing machine na ngayon ay hindi na umiikot. Mukhang may sumabit na ewan at hindi na nga ito gumagana.
"Hindi pa." malungkot na sabi ko.
"Wait, irereport ko ito sa management office." agad na sabi niya. Lumabas din siya agad sa pinto. Napaupo nalang ako sa sofa.
Naalala ko nanaman ang pinag usapan namin kahapon ni Sammie, para na akong pinapatay nong mga panahon na 'yon sa sobrang konsensya na naramdaman ko. Nasasaktan ako para sa kanya. Kunting-kunti nalang nun ay mapapaamin na akong may anak kami.
Mabuti nalang at nagawa ko pang pigilan ang sarili ko. Iyon nga lang, pag uwi ko rito ay grabe ang iyak ko. Naawa ako kay Sammie at kay Aela. Pakiramdam ko ang sama-sama ko na. Naguguluhan na talaga ako.
Napatingin ako sa pinto nang biglang mag ring ang intercom, nag lakad ako agad palapit doon at sinagot iyon.
"Good morning! I am Jessa, the property manager from Dua-L Complex. I'm here to address the issue with the washing machine in your unit, as per your recent complaint. I will inspect the machine and determine whether a replacement is necessary." rinig kong sabi nong property manager daw kaya agad ko nalang na binuksan ang pinto.
Agad napawi ang ngiti ko nang bumungad sa akin ang mukha ni Sammie, nakatitig lang din siya sakin, nasa tabi niya ang isang babaeng agent—iyong property manager. Hindi ako makagalaw sa gulat. Bakit siya nandito? Paano niya nalamang nandito ako?
"Vira..." Napaatras ako nang humakbang papasok si Sammie.
"Bakit ka... nandito?" pilit pa akong ngumiti sa kanya. Bumaling lang siya sa manager na nakatayo parin sa labas ng pinto. "Ako na ang bahala dito, you may go now." Nakangiting sabi niya rito, tumango naman ang babae at umalis. Sinara rin agad ni Sammie ang pinto ng apartment ko.
"Bakit ka nandito?" ulit ko, ngayon ay halata na talaga sa boses ko ang kaba. Mabilis pa akong sumulyap sa pinto ng kwarto namin dahil natutulog doon si Aela...
"Omg, babe, I didn't know you were staying here." di makapaniwalang sabi niya, mas lalo lang bumigat ang pag hinga ko. Bakit nga kasi siya nandito?!
"Sammie, bakit ka ba nandito? Pwede bang umalis ka mun—"
"If I had known you were staying here, I would have given you a larger, nicer, and more comfortable unit." dagdag niya pa habang nilibot sa buong paligid ang tingin, nakagat ko nalang ang labi ko nang mahagip ng mga mata ko ang ibang laruan ni Aela sa sofa.
Bago pa mapatingin si Sammie banda roon ay agad ko nang hinawakan ang mukha niya paharap ulit sa akin. Nanlaki pa ang mga mata niya sa gulat dahil sa ginawa ko. Mabilis ko ring binawi ang kamay ko. Nakatitig lang siya sakin, hindi na makagalaw. Nakakahiya!
"Sorry... may lamok." turo ko pa sa pisngi niya at hilaw na ngumiti. Napaiwas naman siya ng tingin at tumikhim.
"Ang boyfriend mo ba ang kasama mo ri—"
"Mommy..." sabay kaming napabaling ni Sammie sa kakalabas lang na si Aela, busangot itong nag lakad palapit sa akin, mukhang nagising pa ata siya sa ingay namin ni Sammie. Napapikit nalang ako ng mariin.
Nang mag mulat ako ng mata ay kita ko si Sammie na parang nakakita na ng multo. Palipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa ni Aela. Nakaawang ang labi at mukhang hindi na makapag salita.
Napabaling ako kay Aela nang makalapit na siya samin.
"Hi!" nakangiti pa si Aela na nag wave sa kanya dahilan para mas manlaki ang mga mata niya. Napanganga na siya at kita kong may namumuo nang luha sa mga mata niya. Sumulyap siya sakin at doon na tumulo ang luha niya. Napalunok nalang ako ng laway.

BINABASA MO ANG
A Feeling I Couldn't Resist (Vexed Men Series #5)
RomanceLyssam "Sammie" Sandoval, a gay man, never imagined that a single night with his friend, Alvira Silvas, would change everything. Habang nilalabanan ang kalituhan sa kanyang kasarian, nahihirapan siyang harapin ang sitwasyon kaya naman iniwan siya n...