Chapter 34

9.8K 472 256
                                        


Lyssam

Sa buong buhay ko ngayon lang ata ako nairita ng ganito. Ang kaninang tuwa na naramdaman ko dahil sa wakas ay nakita ko na si Vira, napalitan na ng galit ngayon. Bakit? Hindi ko rin alam siguro dahil disturbo ang tawag na 'yon? Dami ko pa dapat itanong!

Nang makarating na nga kami sa isang pribadong restaurant na binigay niyang address na si Yiren pa ang nag sabi e pwede namang siya ang direktang mag send sakin nun, ano nakablock parin ako? Di niya ako ma-text dahil magagalit ang boyfriend niya? O sugardaddy ba 'yon? O asawa na?! Hindi ko na alam!

Nang makaupo na kami sa table namin ay nag titipa lang siya sa phone niya habang nasa harap ko. Mabilis lang naman iyon at nilapag niya agad sa mesa. Seryoso ko lang siyang tiningnan.

"How about we switch off our phones so nothing disturbs us while we're talking?" taas kilay na sabi ko dahil baka mamaya may tatawag nanaman!

Kumunot ang noo niya pero dahan-dahan lang ding tumango at sinunod ang sinabi ko. Nakatitig lang ako sa kanya habang ginagawa niya iyon. Wala nga masyadong nag bago kay Vira, parang dati lang din pero mas gumanda lang siya ngayon—maganda siya noon pero natatandaan ko ngang minsan dugyot ang isang 'yon.

Ngayong nasa harap ko na talaga siya, mas naramdaman kong namimiss ko nga siya ng sobra-sobra. Gusto ko siyang yakapin ulit ng mahigpit, gsuto ko ring magkasama kaming tatlo nila Yiren. Siguro sa susunod, kanina sana eh bago kami pumunta rito kaso mukhang ayaw na niyang pumasok ulit sa condo ni Yiren.

Nang mag angat siya ng tingin sa akin ay agad akong nag iwas. Tumikhim pa ako at nag tawag nalang ng waiter. Nag order na ako at ganun din naman si Vira. Nang makaalis na ang waiter ay muli ko na siyang binalingan.

"Diba nabanggit mong nasa ibang bansa ka noon?" panimula ko.

Tumango naman siya at tipid na ngumiti sa akin. Napatiim bagang nalang ako dahil totoo nga ang sinabi ni Yiren, totoo ring may boyfriend o sugardaddy siya... totoo rin kayang kinasal na sila? Wala naman akong nakikitang suot niyang singsing—puta!

Ano namang paki ko?! Anong kinalaman ng love life niya sa pag hingi ko ng tawad? Tangina.

Huminga nalang ako ng malalim at napapikit ng mariin. Kunot noo niya lang akong pinapanood na parang nababaliw na ako. Nababaliw na nga ata ako. Nang makalma ko na ang sarili ko ay seryoso ko lang ulit siyang tiningnan. Mukhang hinihintay niya lang din na mag salita ako.

"Babe, I can't stop thinking about what I said to you before, and I regret it so much. I'm so sorry..." panimula ko. Kita kong lumunok lang siya ng laway.

"I'm so ashamed of what I said to you about the baby..." napapaos kong sabi dahil parang may bumabara na sa lalamunan ko. Mas lalo lang na parang kinurot ang puso ko nang makita kong yumuko siya. Alam kong nasasaktan parin siya sa sinabi ko noon.

"I realize how tough everything was for you, and I hate myself for not being there... sobrang nagsisisi ako, babe. I shouldn't have let my stupidity take over." huminga ako ng malalim dahil muntik nang tumulo ang luha ko. Buti nalang talaga walang ibang tao rito dahil nasa private room naman kami.

Nag angat siya ng tingin sa akin at kita ko pa ang pag tulo ng luha niya kaya agad akong tumayo para lapitan siya. Nagulat pa siya sa ginawa ko pero pinahiran ko lang ang pisngi niya. Ganito dapat ang ginawa ko nong umiyak siya sa harap ko nang sabihing buntis siya... pero sa panahon na 'yon ay mas pina-iral ko ang pagiging gago ko.

"I'm really really sorry, babe." pabulong na sabi ko at agad siyang niyakap. Mas lalo lang akong naiyak nang marinig ko ang mahinang pag hikbi niya. Lumayo ako ng kunti sa kanya at kita kong pilit niyang pinipigilan ang maiyak ulit.

A Feeling I Couldn't Resist (Vexed Men Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon