Chapter 33

7.1K 347 75
                                        


Alvira

Unti-unti na akong nilalamon ng konsensya ko.

"Babe, sa condo talaga siya natulog the entire night! Maybe you should talk to him na?" malungkot na sabi ni Yiren.

Nandito siya ngayon sa apartment ko para ibigay kay Aela ang bagong bili niyang mga laruan. Baka isang linggo palang namin dito mapupuno na ng unicorns ang unit ko!

Napaupo nalang ako sa sofa dahil hindi ko na rin alam ang gagawin ko, gaya ko ay nakukunsensya na rin si Yiren, pagod na raw siyang mag sinungaling at naaawa na siya kay Sammie na halos araw-araw bumabalik sa condo niya. Kakausapin ko na ba si Sammie?

Kung kinausap ko ba siya... sasabihin ko ang tungkol kay Aela? May parte sa akin na ayaw ko talagang sabihin. Pwede naman sigurong magkausap kami ng maayos para tumigil na siya kakapangulit kay Yiren pero hindi ko sasabihing mayroong Aela.

Aalis din naman kasi kami ni Aela, babalik din kami sa Canada sa susunod na mga buwan. Pag nangyari 'yon... maiiwan sila Sammie, kung hindi niya malalaman ang tungkol kay Aela mamumuhay siya ng normal dito.

Mas mabuti ba 'yon? Ikakasaya ko ba 'yon? Kaya ko ba 'yon?

"Kakausapin ko siya, ibibigay ko sayo ang address at ikaw na mag sabi sa kanya." sabi ko kay Yiren dahil wala naman akong number ni Sammie. Nanlaki naman ang mga mata niya, napatakip pa siya sa bibig niya sa sobrang gulat. Kita ko pa na parang naiiyak siya. Ang OA.

"Oh my gosh! Is he going to find out he has a unicorn fairy?!"

"Hindi ko sasabihin sa kanya ang tungkol kay Aela." seryosong sabi ko. Napawi ang ngiti niya at bumagsak ang mga balikat. Malungkot na niya akong tiningnan, ngayon ay iiyak na talaga siya pero hindi na sa tuwa.

"Babe, alam kong ikaw ang mommy ni Aela at alam mo ang mas nakakabuti, I'm aware of everything you've gone through and I also understand why you're mad at Sammie, but babe, you're both my friends... and nasasaktan akong makitang nasasaktan kayo pariho. Maybe it's time he finds out about Aela too." tulala lang ako sa sinabi ni Yiren.

Ilang segundo rin kaming natahimik hanggang sa dahan-dahan akong umiling. Mas lalo naman siyang nalungkot pero ngumiti at tumango nalang din na parang naiintindihan niya rin ako. Sumulyap pa siya kay Aela at parang malalim ang iniisip.

"Kailan mo siya kakausapin?" bumaling siya ulit sa akin.

"Bukas na siguro, gusto ko munang makasama rito si Aela, lagi nalang akong may lakad nong mga nakaraang araw." sabi ko nalang. Tumayo ako para ayusin ang ibang mga pinamili ko na hindi ko pa naayos kanina.

"Ako mag babantay kay Aela..." sabi niya. Tumango ako dahil iyon naman talaga ang plano ko, ang siya na muna ang bahala kay Aela dahil hindi ko nga siya pwedeng dalhin pag nag kita kami ni Sammie.

"Pupunta ba ako rito o dadalhin mo siya sa condo ko?" tanong nanaman niya.

"Dadalhin ko siya sa condo mo." mas malaki ang condo ni Yiren kaya mas mabuting doon nalang sila. Mas okay na rin iyon na ako ang mag dadala kay Aela para di ko na siya maabalang papuntahin nanaman dito.

Kinabukasan nga ay nag bihis na kami agad ni Aela dahil ihahatid ko pa siya sa condo ni Yiren. Nag suot lang ako ng sleeveless black dress at si Aela naman ay light pink na tutu dress.

"Mommy, are we going somewhere?" tanong ni Aela nang isuot ko na sa kanya ang sapatos niya. Nakangiti ko siyang nilingon.

"We're going to see tata!" excited naman siyang tumalon-talon, talagang di na siya nag sawa sa mukha ni Yiren, kakapunta nga lang nun dito kahapon. Gusto sana ni Yiren na sunduin kami rito pero hindi na ako pumayag, sinabi kong ihahatid kami ni Eric kahit ang totoo ay hindi.

A Feeling I Couldn't Resist (Vexed Men Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon