Chapter 9

3K 199 79
                                        

patutunguhan — cup of joe

─── ⋆⋅☆⋅⋆ ───

Goodbyes

"Yes, Pa. Balik training na bukas."

Isinukbit ko ang duffel bag sa balikat nang palabas na ako ng gym. I feel refreshed after taking a shower. Ngayon lang ulit ako nakabalik dito matapos ang ilang linggo. Now that the training is about to start again, I have to get back on track with my workouts.

"So no more golfing with you?" tanong ni Papa, bakas ang pagkadismaya sa boses.

I chuckled. "I'll try, Pa. Susubukan ko pa rin umuwi kapag may free time ako."

"Your sisters are asking about you. They miss you already." He heaved a sigh.

"Miss na rin ho sila ng gwapo, mabait, marespeto, at macho nilang kuya," pagbibiro ko.

Muling bumuntong-hininga si Papa. "Parang hindi naman..."

I laughed even harder. Ang mas nakakatawa pa roon, ganoon din naman siya at mas malala pa lalo na kapag nasa bahay kami. Sa kanya nga ako nag-mana, eh. Kanino ko pa ba makukuha ang kahanginan na 'to?

Nagpatuloy ang kamustahan namin ni Papa hanggang sa makasakay ako sa sasakyan. Nagpaalam na ako sa kanya noong paalis na.

"See you soon, Pa!"

Nang mamatay ang tawag, dumiretso na ako pauwi. It was easier to say my goodbyes this time because he knew I couldn't go home due to training. Pero kung normal na araw lang, siguradong maco-corner niya na naman ako para sumama sa kanya na mag-golf. At syempre, kasama na naman ang taong 'yon.

Nang maiparada ang sasakyan sa tapat ng apartment, lumawak ang ngisi sa labi ko nang makita si Haru sa labas. Nakaupo siya sa upuan na naroon habang nagkakape.

"Hi, Haru!" punong-puno ng enerhiya na bati ko.

"Hey." He smiled back, and I swear it felt like the heavens flashed before my eyes.

"Kakagising mo lang?" tanong ko upang makapagsimula ng topic.

Tumango siya. "May sasabihin sana ako..."

Pumalakpak yata ang tainga ko sa narinig. May sasabihin siya? Sa akin? Sinadya niyang lumabas dito upang hintayin ako? Putcha, parang ang swerte ko naman yata.

"Ano 'yon?" Ibinigay ko sa kanya nang buong-buo ang atensyon ko upang ipakita na interesado ako sa sasabihin niya.

Nanatili akong nakatayo sa portiko ng apartment ko, nakatingin sa kanya, at hindi pa rin nabubuksan ang nakakandado kong pinto.

"Kit is asking for help. Kung pwede raw ay pakisabi kay Sanjo na ibalik ang keychain niya," paliwanag niya.

Tumango-tango ako kahit sa loob ng isip ay lihim na pinapasalamatan si Sanjo sa ginawa niyang kalokohan. Masama na iniinis niya si Kit, pero mukhang papalagpasin ko muna ngayon. Sa ibang araw ko na lang siya sesermunan...

"Sige, sasabihan ko siya. Ang lokong 'yon talaga..." umiiling-iling na sambit ko habang pinipigil ang ngiti. Ang lokong 'yon talaga, masyadong the best!

"Salamat," sagot ni Haru. "Ilang araw na kasing pino-problema ni Kit, eh. Ganoon ba talaga kaloko si Sanjo? Kit keeps complaining about getting teased by him. Ayaw siya tantanan."

Nagtama ang mga mata namin. Para akong nahihipnotismo roon, kaya napasang-ayon na lang ako kahit hindi ko masyado naintindihan ang sinabi niya.

Whatever you say, pretty boy...

In Between Seasons (Sweater Weather Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon