Ch. 5: Flowers and Sabotage

543 15 3


Nathaniel Herrera


Earlier that day.


Maaga akong nagising ngayong umaga. Iilan 'to sa mga pagkakataong maaga akong gumigising dahil excited akong pumasok.


Paggising ay ginawa ko agad lahat ng lagi kong ginagawa, nang matapos ako saka lang ako bumaba.


Nakasalubong ko pababa ng hagdan si mama, nakatitig siya sa'kin na akala mo hindi niya kilala kung sinong tinitignan niya.


"'Ma maaga akong aalis kaya 'wag mo 'ko tignan ng ganyan... may breakfast na?"


Saka lang siya natauhan, ngayon alam na niyang anak nga niya ang tinitignan niya.


"Kung everyday ganito kaaga ang gising mo, Nathan, edi malamang na hindi ka nagkakapasa sa kung saan saang parte ng katawan mo tuwing umaga."


Nagmake face ako nang tumalikod siya, tulog-mantika raw ako kaya hinuhulog niya ako sa kama para magising tuwing umaga. Kapag hindi pa rin nagising, ipapagulong niya ako hanggang hagdan saka pagbabalakang itulak pababa.


***

"Nathe, naghimala ka ata ngayon!" biglang tinampal ng kadarating palang na si Nikko ang braso ko. Sunod niyang napansin ang bulaklak na nasa desk niya.


Agad kong kinuha iyon at nilagay sa desk ko bago pa niya makuha at mahawakan iyon.


"Teka! Akin ata 'yan, 'wag kang mang-aagaw."


"Tanga, this is mine, pinatong ko lang sa desk mo."


"Talaga?" bigla siyang umupo sa upuan niya saka humarap sa'kin. "Para kanino 'yan? Nathe, lalaki ka na ba?"


"Para kay Rainbow." nakangiti kong sagot.


"Para kay Rainbow?"


"Para nga kay Rainbow."


"Oo nga, kay Rainbow."


"Oo nga."

***

10 minutes before magrecess ay dinismiss na kami ni ma'am A.P., mabilis akong tumakbo sa cr dala ang flowers ko, saglit lang akong natigilan nang makasalubong ko si Ishii na ngiting-ngiti habang may hawak na box.


Hindi ko maintindihan kung paanong naging girl version ko raw 'yang baliw na 'yan eh hindi naman ako ngumingiti mag-isa sa public place like she does.


Umirap nalang ako kahit hindi naman niya nakita dahil ni hindi niya ako napansin. Pumasok ako sa cr at salamin ang una kong nilapitan. 

He's Mine [Completed]Where stories live. Discover now