Chapter 1

1K 98 19
                                        

Alice's POV

We've been married for almost 2 months,  at sa dalawang buwan na iyan ay madalang ko lang nakikita ang asawa ko.

Ang limang palapag ng bahay ni Risa ay masyadong malaki para sa aming tatlo. Oo tatlo. Ako, si Risa at si Manang Elena na matagal ng katulong ni Risa, nasa mga 50's na ata ito at nakita niya mismo kung paano lumaki si Risa.

Magtiwala ka sa akin kapag sinabi kong; ang ganitong uri ng buhay ay nakakamatay.

Mag-eenjoy ka sa simula, pero palagi kang kakainin ng kalungkutan at kawalang-sigla. Siguro iniisip niyo, paano naman ang asawa mo?

Well, si Risa ay dumarating kapag ako ay tulog na at umaalis bago ako magising. Kaya hindi kami nagkikita.

I knew she's avoiding me. Ang cold din ng pakikitungo niya sa akin. Para lang akong hangin na hindi niya nakikita.

Hindi ko gusto yung gantong pamumuhay. I want her to love me. I want her to take care of me. I want her to make love with me. Pero ang layo layo niya. Hindi ko siya naaabot.

"What are you thinking?"

Natigilan ako sa pagiisip ng marinig ko ang malamig niyang boses. Himala at nandito siya sa harap ko ngayon.

"Ahh - uhmm wala naman. Bakit ka nga pala nandito? I -i mean alam ko naman bahay mo to, pero himala at hindi kapa pumasok sa opisina."

"We need to talk." Sabi nito sa malamig na boses.

Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan kaya hindi agad ako nakasagot.

"Alice, kailangan nating mag-usap." sabi niya ulit matapos ang ilang minutong katahimikan.

Hindi ko alam kung paano ang apat na salitang ito ay kayang sirain ang buhay at pangarap ng isang tao-hanggang ngayon.

Tahimik akong tumango, hudyat na magpatuloy siya.

"I don't want this marriage. Hindi kita mahal at sa tingin ko, hindi kita kailanman kayang mahalin. Alice, I love someone else." Humugot siya ng hininga at nagpatuloy.

"Pinakasalan kita dahil sinabi ng ama ko na kung gagawin ko ito, saka lang siya bababa sa pagiging CEO. Kaya ginawa ko ang sinabi niya. Ang kasal na ito ay wala nang halaga sa akin kundi isang kasunduan sa negosyo."

"Alice, narinig na kita noong high school at College at napansin na rin kita. Hindi mo deserve ang ganito. Masyado kang mabuti at masyadong mabait para sa akin. Kaya't pakiusap, huwag kang umasa ng kahit ano mula sa akin bilang asawa."

"Oo, maaari mong ipagmalaki ang apelyido mong Hontiveros at gawin ang kahit anong nais mo, pero tayo ay dalawang estranghero lamang na nakagapos sa isang kasal. Nakatali ako rito sa loob ng isang taon. Pagkatapos noon, papalayain kita at ang sarili ko na may malaking kabayaran, at maaari mo nang ipagpatuloy ang buhay mo ayon sa gusto mo."

Ang sakit.... Pinaghandaan ko na to eh. Itong pag-uusap na to ay pinaghandaan ko na. Pero bakit ang sakit parin?

"That's all. I'm leaving." Sabi nito at iniwan na akong mag isa. Agad namang tumulo ang luha ko.

I loved Risa simula pa nung highschool. She didn't know that i liked her, not until nag confess ako nung college. Graduating siya nun at ako naman ay nasa 3rd year college pa.



Flashback

After I confess, hindi ko mabasa ang mukha niya. Naka poker face lang kasi ito. Tinignan niya ang kasama ko which is ang step sister ko na si Sheila at bumaling ulit ang tingin niya sa akin.

"Move."

"Huh?" Taka kong tanong kay Risa na naka poker face parin.

"I said move. Nakaharang ka sa dinadaanan ko."

Agad akong hinila ni Sheila kaya napatabi kami. Agad niya naman kaming nilampasan.

"I told you, hindi niya i re-reciprocate yang feelings mo." Sabi ni Sheila sa akin.

"Sinubukan ko lang naman eh. Malay mo naman may gusto din sya sakin."

"Ayuss ikaw talaga masyado kang pursigudo ano? Halika na nga at malalate na tayo" sabi ng kapatid ko habang akbay akbay ako.

End of flashback


Si sheila ay step-sister ko, ganoon din si Amelia na aking step-mother, but i call her mom. Ang aking tunay na ina, si Amina, ay namatay sa isang aksidente sa sasakyan noong ako'y anim taong gulang pa lamang. Kasing-edad ko si Sheila, kaya hindi kami kahit kalahating magkapatid sa dugo—kami ay simpleng step-sisters lang. Pero mahal na mahal ko siya higit sa kahit ano, at alam iyon ng lahat. 

Napabuntong-hininga ako. Hindi ko na kayang makita si Risa na ganito. Alam kong matutulog nanaman iyon sa opisina. Bahay niya to eh, hindi siya dapat kumilos na parang bisita—ako ang tunay na bisita dito. Kung kailangan naming magkasama sa loob ng sampung buwan pa, maaari naman naming gawin iyon bilang magkaibigan, hindi ba? 

Bigla akong nakaramdam ng matinding guilt at sakit. Dahil sa akin ay napalayo si Risa sa taong totoong mahal niya. Ako ang naging hadlang sa kanila, at dahil sa akin, siya ay nasasaktan din. 

Kung hindi ko makukuha ang taong mahal ko, hindi ibig sabihin na hindi niya rin dapat makuha ang taong mahal niya. Kakausapin ko siya. Kailangan ko siyang kausapin. 

Alam ko na kung ano ang dapat kong gawin. 





Kailangan ko siyang palayain…

The Arranged Marriage (Guontiveros)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon