54 "Farewell"

43.5K 665 15
                                          

54

"Farewell"

Maaga akong nagising kaya naisipan kong maglakad-lakad muna. Nagpunta ako sa garden. Fresh ang air at ang daming flowers. Umupo ako sa may bench para makapagrelax at muni-muni.

"Pwede ba akong tumabi?" may nagsalita at paglingon ko si Maxim pala. Papatayo na ako ng pinigilan nya ako.

"Please stay. Kahit sandali lang. I just want to tell you something." Mahinahon nyang sabi." About what happened last night – " sinubukan nyang magpaliwanag but I cut her off.

"You don't need to explain. Kung may kailangang mag-explain dito, hindi ikaw yun." Hindi maganda ang pagsagot ko sa kanya pero hindi nyo ako masisisi.

"No no no. Listen to me Torrence. I know na ikaw ang fiancé ni Tonsi." Napakapit sya sa'kin.

Napalingon naman ako agad sa gulat. "What?" Tinanggal ko yung kamay nya. "Alam mo pero – pero nakipaglandian ka pa din sa kanya? Naglandian pa rin kayo."

"Hindi. I just missed him kaya nagbonding kami like when we were young." Parang nagpapanic na syang mag-explain.

"Pero hindi na kayo mga bata." Tumayo na ako.

"He loves you – so much. Naiinggit ako sa'yo. Nagseselos. Kasi ako – bata pa lang kami gusto ko na si Tonsi. Pero ng magkita kami dito sa Rueville iba na sya. Wala na syang bukang bibig kundi ikaw. Si Torrence matapang, masungit, mabait at kung anu-ano pa." Tumayo din sya. "Kung may dapat sisihin dito ako yun. Humingi lang ako ng konting oras para makapagbonding kami. But believe me, hindi ko intensyong sirain yung relationship nyo. Dahil alam ko – alam ko sa sarili ko na hindi kita kayang pantayan sa puso ni Tonsi."

Hinawakan nya ako sa kamay. Nagulat ako ng makita ko syang umiiyak.

"Please wag kang magalit sa kanya. Patawarin mo na sya. Wala nama talaga syang kasalanan. Ako lang yung mapilit. I'm sorry. I'm so sorry." Umiiyak talaga sya at nakita ko yung sincerity nya.

"I understand. Nagulat lang talaga ako kagabi sa nakita ko. Hindi ko kasi – hindi ko kasi naisip na makakagawa kayo ng ganung bagay." Paliwanag ko.

"What?" nag-isip sya sa sandali. "Ah – gusto ko kasi sana syang imassage pero ayaw nya kaya kinulit ko sya. Sa pagpigil nya sa'kin eh nalaglag sya sa floor." Tumawa sya. "Bilib nga ako sa kanya eh. Hindi man lang nya ako hinawakan. Kung sa ibang lalaki yun, malamang hindi na pinalampas yung tulad kong maganda na – sexy pa. But Tonsi is different."

Napatingin sya sa likuran ko. "He's here."

Paglingon ko nakita ko si Tonsi. Papaalis na ako ng hinigit ako ni Maxim.

"Torrence, please." Tiningnan nya ako sa mata.

"Okay." Umupo ako sa bench.

Nagbulungan pa sila bago umalis si Maxim.

"Nakapag-usap na pala kayo ni Maxim." Sabi ni Tonsi. Umupo din sya sa bench.

"Oo. Sinabi nya na masaya ka na magkasama kayo at ayaw mo na akong makita dahil masungit at mataray ako!" pagmamataray ko.

"Hi – hindi ko yun sinabi! Oo! Mataray at masungit ka nga! Pe – pero ikaw pa din ang gusto kong kasama palagi. Habang buhay!" paliwanag nya habang nakayuko.

Napangiti naman ako sa sinabi nya pero hindi ako nagsalita. Galit pa rin ako sa nangyari kahit wala talagang nangyari sa kanilang dalawa.

"Alam mo bang patay na patay sa'kin yun si Maxim pero hindi ko pa din sya pinansin. Kahit mas maganda at sexy sya sa'yo!" napatigil sya ng tiningnan ko sya ng masama. "Kasi – kasi ikaw lang ang maganda sa paningin ko ano ka ba. Hindi pa kasi ako tapos."

LOVE Disaster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon