LyssamDahan-dahan akong nag mulat ng mata, napabangon ako agad nang mapansing wala ako sa kwarto ko. Nilibot ko ang tingin sa buong paligid at bumagsak agad ang balikat ko nang maalalang nandito nga pala ako sa condo ni Yiren.
Dito ko nga kasi naisipang matulog dahil baka babalik nga si Vira at nang maabutan ko na siya, pero natapos nalang ang gabing iyon ay wala talagang Vira na pumasok sa condo na 'to. Baka di siya pinayagang umalis ng jowa niya pag gabi?
Napairap nalang ako dahil sa naisip.
Dahil nga sobrang liwanag na sa labas at sa hula ko ay mag a-alas otso na ng umaga, tumayo na ako agad. Nag lakad ako palapit sa kusina at kita ko nga si Yiren na busangot habang kaharap ang phone niya.
Nakasandal siya sa lababo at umagang-umaga mukhang badtrip na agad siya. Sumulyap siya sakin at agad siyang nag buntong hininga na parang mas lumala lang ata ang pagkasira ng araw niya.
"Ang aga busangot ka na agad." pang aasar ko nalang sa kanya.
Umirap naman siya at walang ganang nilapag sa table ang phone niya. Tulala siyang humalukipkip. Kunot noo ko lang siyang tiningnan dahil bihira ko lang nakikitang ganito si Yiren, mukhang malalim ang iniisip niya.
"May problema ka ba?" tanong ko sa kanya, walang gana siyang sumulyap sakin. Pinasadahan niya ng daliri ang mahabang buhok at parang iiyak na. Naalarma naman ako. Pumikit lang siya ng mariin at hinihilot ang noo.
"Anong problema?" agad siyang umiling at huminga ng malalim. Pinapaypayan niya pa ang mukha niya at tumingala para hindi tumulo ang luha niya.
"Huwag kang tumulo... sayang ang make up ko." mahinang sabi niya na parang kinakausap ang mga luha niya. Napailing nalang ako. Mukhang wala rin siyang balak sabihin sa akin kung anong problema niya kaya hindi na ako nangulit.
"Babe, uuwi na ako." sabi ko nalang. Gulat siyang napatingin sakin.
Uuwi na ako dahil may lakad pa ako. Ayaw ko pa sanang umalis dahil baka ngayong araw babalik dito si Vira pero may kailangan pa akong puntahan sa complex. Babalik nalang siguro ako agad dito pagkatapos ko roon.
"Aalis ka na? Akala ko ba gusto mong maabutan si Vira dito?" taas kilay na tanong niya, nag tataray nanaman siya mukhang na kalimutan na niyang naiiyak siya kanina. Pinulot ko nalang ang susi ko.
"Uuwi na ako, may lakad pa ako." sabi ko nalang. Nag lakad na ako palapit sa pinto. "Bye." tipid na paalam ko sa kanya, tinignan niya lang ako na halatang lutang nanaman kaya lumabas na nga ako sa condo niya.
Mabilis lang akong nag ayos sa bahay, umalis lang din ako agad at ngayon nga ay nag mamaneho na ako papunta sa complex. Malaki-laki rin naman ang apartment complex namin. May sampong apartment buildings na nasa five hundred units lahat. Hindi naman talaga ako interesado sa business na ito lalo na noon pero dahil napilitan na nga ako, tinanggap ko nalang.
Nang makarating ako ay agad akong nag tungo sa management office. Agad naman akong binati ng mga agents na nadadaanan ko. Nang makarating na nga ako sa loob ay pansin kong medyo maingay sila pero nakita ko naman agad ang property manager kaya nilapitan ko na siya.
"Ah, sir! Good morning." bati niya agad sakin nang mapansing ako pala ang pumasok, rinig ko ring bumati sa akin ang iba, ngumiti lang ako sa kanila.
"Can you give me a summary of the last inspection report?" sabi ko nalang, nag mamadali kasi talaga ako dahil gusto ko agad bumalik sa condo ni Yiren!
"Sure, sir. The property is in good condition overall..." panimula niya sakin, may kinuha pa siyang papel sa table niya at inabot iyon sa akin. Binasa ko naman iyon.
"We did note a few minor issues, including some minor wear in the common areas, a couple of small maintenance repairs needed. Nothing major came up during the inspections, and most of the issues have already been addressed or are scheduled to be fixed soon." rinig kong sabi niya. Tumango tango lang ako at patuloy sa pag babasa.
Natigilan lang ako nang makarinig ako ng tawa ng bata. Nilibot ko agad ang tingin sa buong office at nanlaki ang mga mata ko nang makitang may batang babae pala dito, nilalaro siya at pinapalibutan ng mga agents, kaya pala ang ingay nila dito sa loob.
Nag sasalita pa ang property manager sa harap ko pero hindi na ako nakikinig sa kanya, wala nang pumapasok sa tenga ko dahil nakatitig lang ako doon sa bata. Hindi ko kayang alisin ang mga mata ko sa kanya. Nakangiti pa siya at paminsan minsan ay tumatawa tuwing kinikiliti siya ng mga agents.
Nakapigtails ang buhok niyang... halos kakulay lang din nong akin, maputi siya, at nakasuot siya ng cute na dress... para siyang manika. Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong kinabahan o bigla nalang kumalabog ang dibdib ko.
"Sir?" rinig kong tawag nong manager kaya kumurap-kurap agad ako at sinulyapan siya.
"I'll send you the full report for a more detailed overview, but that's the gist of it." rinig kong sabi niya pa pero natutulala na talaga ako. Binalik ko ulit ang tingin doon sa bata.
Gusto kong maiyak dahil pakiramdam ko kung may anak ako... ganun ang itsura, nakikita ko ang sarili ko sa kanya dahil na rin siguro sa kulay ng buhok ko. Ang cute-cute niya pang tingnan kaya mas lalong gusto kong maiyak!
Huminga ako ng malalim dahil sumisikip ang dibdib ko. Agad kong nilapag sa mesa ang hawak na papel at nag lakad patungo sa bata. Napaangat pa siya ng tingin sa akin at nakangiti parin. Nakatitig lang ako sa kanya.
"Kaninong anak 'to?" tanong ko sa mga agents nang hindi inaalis ang tingin sa bata. Hindi ko alam kung bakit iyon agad ang lumabas sa bibig ko.
"Ah, kay sir Eric po, sir." sagot nong isang babae. Bumagsak naman agad ang mga balikat ko. Bakit may magulang pa siya? Sana wala nalang para ampunin ko nalang siya agad.
"Anong pangalan mo?" tanong ko sa bata, nag squat pa ako sa harap niya. Tinitigan niya lang ako na parang walang narinig.
"Ay sir, hindi 'yan nakakaintindi ng tagalog! Taga ibang bansa ata yan eh." sabi nanaman nong isa. Kaya pala... ganun ang kulay ng buhok niya, mukha ngang hindi siya purong pinoy.
"What's your name, baby?" nakangiting tanong ko sa kanya, mas lalo lang na gusto kong maiyak nang ngumiti siya sakin.
"Aela!"
"How old are you, Aela?" tanong ko nanaman. Mas lalong lumapad ang ngisi niya.
"I'm ten today because I ate a whole cake and it made me older!" masayang sabi niya. Napaawang naman ang labi ko, narinig ko pang natawa ang mga agents sa likuran ko. Napailing nalang ako dahil hindi ko na rin mapigilan ang matawa.
Saan ba makakabili ng ganito? De baterya ba 'to o chargeable?
"Was the cake yummy? What flavor was it?" tanong ko nanaman, naaaliw akong kausapin siya, kahit siguro mag damag itong mag sasalita sa harap ko ay makikinig ako.
"It's rainbow flavor!" tumalon pa siya dahilan para tumalon din ang wavy niyang buhok. Gustong-gusto kong hawakan ang mga iyon. Sobrang cute...
"A rainbow cake? Did you eat all the colors?" excited na tanong ko nanaman dahil gusto ko rin ng rainbow cake!
"Yes! I ate the pink one first." nakangusong sabi niya. Gusto ko na agad siyang kurutin pero bago ko pa iyon magawa ay bigla nang may sumilip sa pinto.
"Hi... uh, pwede ko na bang kunin si Aela?" tanong nong isang lalaki. Napawi agad ang ngiti ko.
Siya ba ang daddy ng batang ito? Bakit parang hindi kapani-paniwala? Paniguradong sa Mommy ito nag mana kung ganun. Gusto ko sana siyang sabihan na akin nalang ang anak niya at gumawa nalang sila ng bago.
Sobrang gusto ko talagang kunin ang bata na 'yon.
Parang piniga ang puso ko nang makitang nag lakad na nga ang bata palapit sa daddy niya. Nakangiti pa itong kumaway sa amin bago sila lumabas. Hindi ko na magawang ngumiti dahil nalulungkot ako. Pakiramdam ko pag yuyuko ako ay tutulo na talaga agad ang mga luha ko.
Huminga nalang ako ng malalim, parang nawalan nanaman tuloy ako ng gana sa buong araw ko. Mas lalo lang na gusto ko na ulit bumalik sa condo ni Yiren dahil baka makita ko na si Vira. Siya nanaman kasi agad ang pumasok sa isip ko nong makita ko iyong bata.
Umaasa parin talaga akong sabihin niyang hindi niya nga pinalaglag ang anak namin.

BINABASA MO ANG
A Feeling I Couldn't Resist (Vexed Men Series #5)
RomanceLyssam "Sammie" Sandoval, a gay man, never imagined that a single night with his friend, Alvira Silvas, would change everything. Habang nilalabanan ang kalituhan sa kanyang kasarian, nahihirapan siyang harapin ang sitwasyon kaya naman iniwan siya n...