Bukas ng tanghali ang halloween party ng school. Nagkayayaan naman yung mga kumag ngayong hapon na pumunta kila T para isukat yung mga dwarf costume nila.
Nag order lang kasi kami online ng mga costume nila pati ng dwarf ears. Para less hassle na. Nung isang araw pa dumating sa bahay nila T ang package pero ngayon pa lang namin mapupuntahan. Na busy rin kasi kami sa school works. Opo, nag aaral po kami. Grade conscious naman po yung iba samin.
Huminto ang sinasakyan naming van sa tapat ng isang modern three storey house. Katapat na village lang pala sila nila Cloud.
Ito ang unang beses na makapunta ako rito. Madalas kasi ay kila Cloud talaga ang tambayan namin. O kaya sa condo ko, hilig nila isiksik yung mga sarili nila don.
"Iha! Welcome to our home." Salubong sakin ni Tita Trexy.
I hugged her. "Thank you po."
Hinawakan nya pa ang mukha ko at niyakap ulit.
"Tita andito rin kami." Pagkuha ni Greg sa atensyon nya.
Natatawa namang bumitaw si Tita sakin at niyakap isa isa yung mga selosong kumag.
"Naka ready na ang snacks nyo sa garden, halika na kayo."
Todo asikaso samin si Tita Trexy, parehas sila ni Tita Sky na maalaga sa amin. Nagpaalam lang sya ng may online meeting sya. Ang Daddy naman ni T ay nasa business conference outside the country kaya wala rito.
Nag merienda muna kami at pagtapos dumiretso na kami sa isang kwarto rito sa bahay nila T.
"Free size 'to lahat?"
Tanong ni Saint habang kinakalkal yung box.
"May pangalan nyo yan. Diba kinuhanan ko kayo ng sukat nung nakaraan."
Isa isa kong binigay sa kanila yung plastic ng costume nila. Pigil ang ngiti ko habang nag papamigay ako. I can't imagine them wearing this cute dwarfs costume.
"Open it! Bilis!" Excited na utos ko sa kanila.
Bumuntong hininga pa yung iba habang binubuksan yung plastic ng costume nila.
Impit akong napatili ng makita ko na ang kabuuan non. Its so cute!
"Boss, ikaw lang natutuwa." Kamot ulong sabi ni Aiden.
"Why? Ang cute kaya. Come on wear it." Tinignan nila ako na akala mo nag bibiro ako. "What? Sukatin nyo na. Mahirap pag bukas nyo pa susuotin yan. Paano kung may hindi pala kasukat? Bilis na."
Tumayo na ako. "Lalabas muna ako. Kumatok kayo pag tapos na kayo."
Malaki ang ngiti ko na naghihintay dito sa labas ng pinto. Nag iimagine pa lang ako natatawa na ako, paano pa mamaya pag pasok ko?
Ilang minuto pa naka rinig na ako ng katok. Hudyat ko na yon na pwede na ako pumasok.
Pagpasok ko agad kong kinurot kurot ang ibabang labi ko para pigilan ang matawa. Oh my god! These boys!
"Itawa mo na yan boss. Baka mautot ka pa dyan." Naka simangot na sabi ni MM.
Isang malakas na tawa ang pinakawalan ko. "You guys are so cute!"
Nag punas pa ako ng mata bago sila lapitan. Naiiyak ako kakatawa.
"Masaya ka boss?"
"Nabuo na ba namin araw mo boss?"
"Happy ka?"
"Ang iyong ika sasaya ay aming ika lulungkot, mahal na reyna."
Sunod sunod na comment nila habang naka simangot. Parang si Greg nga lang ang natutuwa, ang laki kasi ng ngiti. Tumatalon talon pa.
Natatawa ko pa rin silang tinignan isa isa. Iba iba ang kulay ng damit nila may green, orange, red and brown. Ang pants naman ay gray tapos may brown shoes pa sila. Ofcourse mawawala ba ang dwarf hat and ears.
