Chapter 31

8.5K 367 51
                                        


Alvira

"Is everything all set here? Ayos na ba kayong dalawa rito?" tanong ni Eric. Tinulungan niya akong dalhin ang mga gamit ko rito sa apartment. Dito rin galing si Yiren pero nauna na siyang umuwi. Ngumiti ako kay Eric at tumango.

"Oo, salamat Eric." nakangiting sabi ko sa kanya, ngumiti lang din siya sakin.

"Aalis na ako, bye Aela..." Kumaway lang siya kay Aela at ganun din ito sa kanya. Lumabas na rin naman agad siya sa pinto.

"Mommy! Mommy! Is this where we sleep now?" nakangiting nag angat ng tingin si Aela sa akin. Hawak-hawak niya ang kulay rainbow na alpaca plushie.

"Yes, baby." agad na sagot ko nalang, nag umpisa na akong mag ayos ng mga gamit.

Isa lang ang kwarto sa apartment na 'to pero malaki, malaki rin ang living room kaya ayos na rin. Pumasok ako sa kwarto para ilagay ang maleta namin ni Aela, pansin ko naman ang pag sunod niya sakin.

"Mommy... can my unicorn toys sleep in our new room too?" rinig kong tanong niya. Ngumiti lang ako at tumango. Kita ko namang masaya siyang tumalon-talon, mabilis din siyang lumabas ulit ng kwarto.

"Yey! I'll show them where to sleep!" excited na sigaw niya.

Napailing nalang ako at nilibot sa buong kwarto ang tingin. King sized ang bed, may malalaking wardrobe. Malawak din ang space sa kwarto, pansin ko rin na parang bagong pintura ang buong unit kaya sobrang linis at bago.

Habang nililipat ko sa wardrobe ang mga damit namin, sinusulyap sulyapan ko si Aela na ngayon ay isa isang nilalagay ang mga unicorns sa bedside table, may iilan pang nilalagay niya sa unan na parang pinapatulog.

"The pillows are full of unicorns, Aela. How are we going to sleep now?" natatawa at parang tatampong tanong ko dahil napuno na nga ng maliliit na laruang unicorns ang kama. Natigilan naman siya at busangot akong nilingon. Ilang sandali rin bago siya ngumiti nalang.

"I'll make a room for us, mommy... I'll just put them on the side!" nakangisi niyang sabi, kasabay nun ay ang pag lipat niya sa mga unicorns. Biglang tumunog ang phone ko kaya tinignan ko iyon, text message ni Yiren.

Sinabi niyang doon daw matutulog si Sammie sa condo niya. Mabuti nalang talaga at ngayon ko na naisipang lumipat. Alam ko kasi na hindi talaga titigil si Sammie mas lalo lang na babalik siya lagi sa condo ni Yiren dahil nakita niya ako sa may elevator.

Mukhang ganun na nga niya ka gustong makausap ako. Parang nakaramdam na ako ng awa, wala naman sigurong masama kung papayag akong kakausapin niya? Hindi ko lang sasabihin na may anak kami... papayag nalang kaya ako? Titigil na ba siya kung sakaling magkausap na kami? Hindi na ba siya ulit mangungulit? Mukhang dapat ko na nga lang siyang kausapin.

Tinitigan ko lang si Aela na abala sa mga laruan niya. Nasasaktan ako tuwing naaalala ko ang sinabi ni Sammie noon pero nasasaktan din ako para kay Aela na hindi niya makilala ang daddy niya... hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Habang buhay nalang ba kaming mag tatagu-taguan?

Halos wala akong maayos na tulog kagabi sa dami ng mga iniisip ko, dagdag pa na hindi ako agad mabilis makatulog pag nasa bagong bahay ako. Maaga akong nagising, mahimbing pa ang tulog ni Aela.

Balak ko ngayon na mamamalengke ako, dahil nga wala namang ibang mag babantay kay Aela, isasama ko nalang siguro siya. Nahihiya na rin kasi talaga ako na si Yiren ang lagi kong inaabala, alam ko namang may mga ibang bagay din siyang dapat asikasuhin.

Nang magising na nga si Aela ay kumain muna kami at mabilis na nag ayos. Excited pa nga siyang aalis kami. Simula nong dumating kami rito sa Pinas, ngayon lang kami ulit lalabas ni Aela na mag kasama. Ang hirap naman kasing itago ng isang 'to dahil kamukhang kamukha niya si Sammie!

Pero ngayon, sa grocery store lang naman kami kaya siguro naman hindi na mapapadpad doon ang mga Sandoval, may mga katulong ang mga iyon...

Nang matapos nang mag ayos ay umalis na rin kami agad ni Aela, nakasuot lang siya ng pink dress at naka pigtail ang wazy at light brown niyang buhok.

Nang makalabas kami ay rinig kong tinatawag at binabati pa siya ng mga agents na nadadaanan namin sa property management office nila. Nadadaanan kasi namin iyon dahil malapit lang iyon sa kwarto namin.

Tuwang tuwa sila lagi tuwing nakikita si Aela dahil parang manika raw ito sa sobrang cute. Gusto ko nga sanang mag yabang pero naaalala kong hindi nga pala ako ang kamukha.

Nag taxi lang kami ni Aela at pumunta na kami agad sa may pinakamalapit na grocery store. Tuwang-tuwa pa siya nang pumasok kami pero habang tumatawag na pag libot-libot namin napapansin ko nang bagsak ang balikat niya at busangot.

"What's wrong, Aela?" takang tanong ko sa kanya habang patuloy parin ako sa pag kuha ng mga bibilhin. Malungkot siyang sumulyap sakin. Kumunot lang ang noo ko.

"Mommy, I'm sad..." mas lalo lang humaba ang nguso niya. Hindi ko alam kung matatawa ako o ano. Tumikhim nalang ako at nag squat sa harap niya para pantayan siya.

"Why?"

"There's no toys here." naiiyak niyang sabi. Agad kong nakagat ang labi ko. Hinaplos ko lang ang buhok niya at tumayo nalang din.

"Aela, your old toys would be sad if we brought home a new one right now. Do you want your unicorns to get sad?" nanlaki naman ang mga mata niya at mabilis na umiling. Pinahiran niya ang luha pero busangot parin.

"I can make my toys feel better with a big hug!" niyakap niya pa ang sarili niya. Mabuti nalang at uto-uto siya gaya ni Sammie kaya nagpatuloy nalang ako sa pag kuha ng mga bilihin.

Nang matapos nga kami ay busangot parin si Aela, alam kong nag tatampo siya dahil wala nga siyang bagong laruan. Paano ba kasi bumili ng toys sa grocery store? Mahirap din pumunta ng mall na maraming dala kaya sa susunod ko nalang siya bibilhan.

Nang makarating kami sa apartment building namin, mabuti nalang at tinulungan ako ng mga security guard na bitbitin ang mga pinamili namin ni Aela.

"Baby Aela!" May lumapit na mga babaeng agent sa amin, agad nilang sinalubong si Aela, ngiting ngiti naman ito sa kanila.

"Ma'am pwede po bang pahiram muna si Aela?" tanong sakin nong isang babae, nag dadalawang isip pa ako. Kita ko namang masayang nakikipag kulitan sa kanila ang anak ko.

"Ma'am saan po ito ilalagay?" tanong nong guard sa akin.

Bumaling muna ako sa mga agents, tumango ako sa kanila at ngumiti, kasabay nun ay ang masaya nilang hiyawan dahil sa wakas mahihiram na nila si Aela. Ako naman ay agad na nag lakad papunta sa unit ko para ituro sa mga guards kung saan nila ilalagay ang mga bitbit nila.

"Salamat po kuya." nakangiti kong sabi, nag alisan na rin naman sila kaya ako na ang nag bitbit nong mga supot papasok ng kwarto.

"Oh? You went shopping?" napalingon ako kay Eric nang bigla siyang pumasok sa pinto, nakangiti akong tumango sa kanya.

"Nag grocery lang kami ni Aela."

"Sana sinabi mo... tumulong sana ako." rinig kong sabi niya. Tinulungan niya akong ilabas lahat ng mga pinamili ko. Isa-isa ko ring itong nilagay sa kusina.

"Ayos lang... di naman ako nahirapan."

"Where's Aela?" tanong niya naman.

"Nasa office nila. Kinukulit nong mga agents." nakangiting sabi ko sa kanya. Tumango lang naman siya at tinulungan na akong ilagay ang mga pagkain sa ref.

A Feeling I Couldn't Resist (Vexed Men Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon