Chapter 30

9.8K 419 103
                                        


Lyssam

Nang maalala ko nga na may kailangan pa pala akong bilhin para kay Yiren, iyong nasira ko nong pumunta ako sa condo niya. Nag punta muna ako ng mall para bumili nong unicorn.

Dahil nga nabanggit ni Yiren na idi-display niya iyon sa kwarto niya, nagpasya nalang akong sculpture na unicorn ang bibilhin. Sobrang ganda nun at mamahalin kaya alam kong magugustuhan niya. Medyo mabigat at babasagin kaya mas magandang tingnan kung idisplay.

Nang makabili na nga ako ay dumeretso na agad ako sa condo niya. Pero pag labas na pag labas ko ng elevator may nahagip agad ang mga mata ko.

Si Vira.

Shit. I saw her. I saw Vira.

Pero agad din siyang nakapasok sa isa pang elevator at nang subukan kong habulin siya... hindi ko na nakita. Mabilis lang ang pangyayaring iyon pero alam kong hindi ako nagkakamali, siya talaga ang nakita ko.

Walang pinag bago sa itsura niya, mas humaba lang ang buhok niya pero kilalang kilala ko parin siya, ang mukha niya ganun parin, pati ang katawan...

Gusto ko na agad umiyak, natutuwa ako dahil nakita ko siya sawakas pero nasasaktan ako dahil halatang iniiwasan niya ako. Alam kong naririnig niya ang pag tawag ko sa kanya pero hindi man lang siya lumingon. Ganun na siya ka-galit sakin, naiintindihan ko rin naman... pero gusto ko siyang makausap.

Huminga ako ng malalim at pilit pinipigilan ang mga luha kong tumulo. Ilang sandali rin akong nakatayo lang sa labas ng condominium dahil nag babakasakali akong makita ko pa siya ulit pero mukhang tuluyan na siyang nakaalis.

Bakit nga ba siya nandito? Pumunta ba siya kay Yiren? Dito ba siya nag stay? Lagi ba siyang pumupunta rito?

Nag mamadali akong bumalik at sumakay sa elevator. Nang makarating ako sa unit ni Yiren mabilis kong sunod-sunod na pinindot ang doorbell pero hindi niya binubuksan.

Wala ba siya rito?

Dito ba galing si Vira? Kaya ba umalis siya agad dahil wala rito si Yiren?

Nakailang ulit pa ako sa pag dodoorbell hanggang sa napagod na nga ako. Hindi parin bumubukas ang pinto, mukhang wala nga si Yiren. Umaga pa naman kasi, kadalasan ay may lakad nga siya pag umaga. Babalik nalang siguro ako mamayang gabi.

Tulala akong umuwi nalang, napapasabunot ako sa sarili ko dahil naiiyak talaga ako. Nang makita ko si Vira, hindi ako agad nakagalaw sa sobrang gulat, akala ko namamalikmata ako, akala ko panaginip lang iyon pero hindi... totoong nakita ko siya.

Bago ko pa siya malapitan, nakaalis na agad siya. Sa mga sandaling iyon, ang gustong gusto kong gawin ay ang yakapin siya. Naiiyak ako. Gustong gusto ko na talagang makausap si Vira. Miss na miss ko na siya.

Saan kaya siya nag stay ngayon? Kasama niya ba ang boyfriend niya? Sabi ni Yiren kinasal na raw si Vira, ibig sabihin nun asawa na niya iyong nakita ni Ate Donna? Saan sila ngayon? Dito na ba sila titira? Nasasaktan ako.

Bakit ako nasasaktan?

Siguro nagu-guilty lang ako sa mga nasabi ko sa kanya noon. Pag humingi ba ako ng tawad at pag nakausap ko na siya, mapapanatag na ako? Bakit pakiramdam ko kahit magawa ko na iyon, may kulang parin? Hindi ko na maintindihan.

Pabagsak akong naupo sa sofa. Tulala parin.

"Nandito ka na pala Sammie, saan ka galing? Did the inspector find anything major during the property check? What's the report like?" biglang tanong ni Papa nang makababa siya sa hagdan. Malungkot akong sumulyap sa kanya.

Kita ko naman si Ate Donna at Mama na nag uusap usap lang, ngayon ko nga lang sila napansin dahil sobrang lutang ko.

"The inspection went smoothly naman pa, pero hinihintay ko pa ang full report. I'll let you know as soon as I have all the details." sabi ko nalang. "I'll go to the complex tomorrow." dagdag ko pa. Tumango lang siya sakin.

Ngayon nga dapat ako pupunta sa apartment complex pero hindi ko na magawa dahil sobrang nanghihina na ako sa lungkot. Walang ibang pumapasok sa utak ko kundi si Vira at ang sandaling pagkikita namin kanina.

Sana makita ko pa siya ulit.

"Sammie, hindi parin ba kayo nagkita ni Vira? I miss her so much, hijo... hindi na rin pumupunta rito si Yiren." busangot na sabi ni Mommy.

Mas nalungkot naman tuloy ako, napalunok nalang ako ng laway dahil tutulo na ang luha ko.

Simula nga nong umalis si Vira, hindi na rin pumupunta si Yiren dito, ang huling tapak niya sa bahay namin ay iyong sinampal niya ako. Nagkakausap parin naman sila nila Ate Donna at Mama pero hindi na siya pumupunta rito dahil busy na rin siya nong mga nakaraan.

"I saw her kanina." mahinang sabi ko. Sabay pa nanlaki ang mga mata nila ni Ate Donna, dali-dali silang lumapit sa akin dala si baby Levi.

"Talaga?! Nagkausap na ba kayo? Kumusta? Papuntahin mo siya rito!" yumuko nalang ako dahil nalulungkot ako sa mga tanong niya.

"We didn't talk. Iniiwasan niya ako." napasinghap naman sila Mama. Bumuntong hininga nalang ako, hindi na rin sila nag salita pa. Mukhang naiintindihan nilang ayaw ko munang makipag usap dahil wala ako sa mood.

Nang gumabi na nga ay naisipan kong balikan si Yiren, tatanungin ko siya kung nag kita na ba sila ni Vira, kung pumupunta ba si Vira sa kanya, at kung nasaan ngayon si Vira nakatira!

Unang pindot ko palang sa doorbell ay bumukas na agad ang pinto at sumalubong sa akin ang mukha ni Yiren. Nilibot ko naman ang tingin ko sa buong condo niya pero wala naman akong nakitang kakaiba.

"Nandito ka nanaman." walang ganang sabi niya. Pumasok ako sa loob at naupo sa sofa.

"Nakita ko si Vira kanina." agad na sabi ko. Nanlaki naman ang mga mata niya, napanganga pa siya pero hindi ko alam kung totoong gulat ba iyon o umaacting lang siya.

"Yiren, alam kong pumupunta siya rito... nag kita na ba kayo? Bakit di mo agad sinabi sakin!" naiiyak na sabi ko sa kanya. Napakamot naman siya sa ulo niya at padabog na naupo rin sa sofa.

"Pumunta siya rito kanina... pero umalis na siya kasama ang sugar daddy niya." Bumusangot pa siya na parang ang lungkot lungkot niya.

Hindi ko maiwasang mapairap nang banggitin nanaman niya ang sugar daddy ni Vira. Pwede bang di na iyan isali sa usapan?! Putangina naman! Nakakairita. Imbis na maiyak ako, umatras ang luha ko dahil napalitan na ng galit ang nararamdaman ko ngayon.

"Bakit ka nanaman ba nandito?"

"Ibibigay ko 'yong ipapalit ko sa nasira kong unicorn." sabi ko nalang, mabilis kong inabot sa kanya ang hawak na paper bag. Kunot noo niya naman itong tinanggap at nang makita niya ang laman ay agad siyang napapikit ng mariin.

"Why? Di mo nagustuhan?" takang tanong ko. Nag mulat siya sakin ng mata, masama niya akong tiningnan. Parang puputok na sa sobrang galit. Ano nanaman bang mali sa ginawa ko?

"Ano to?! Bakit figurine?!" Galit na sigaw niya, naguguluhan ko naman siyang tiningnan. Ayaw niya ba nun? Ang ganda nga nung binili ko!

"Because you said idi-display mo 'yan, mas maganda 'yan kumpara sa laruan ang ilalagay mo sa kwarto mo. Mag mumukha kang childish." naiiling na sabi ko.

"Pambihira ka, unang pokpok palang diyan mababasag na 'yan eh!" problemadong sabi niya, hinilot niya pa ang noo niya na mas lalo kong ikinataka.

"At bakit mo naman ipopokpok?!" di makapaniwalang tanong ko. Akala ko ba ididisplay niya?! Kung alam ko lang na ipokpok niya lang 'yan edi sana martilyo nalang binili ko!

Dismayado niya lang akong tiningnan, bumuntong hininga siya at nilapag nalang sa sofa ang unicorn. Nanghihina siyang napailing. Parang ang laking pagkakamali ng ginawa ko.

"Alam mo Sammie, sayang ka... hindi naman kami nag kulang sayo pero bakit ka ganyan?" agad akong napairap sa sinabi niya. Walang gana akong sumandal nalang sa sofa dahil hindi ko na siya naiintindihan. Akala ko matutuwa siya sa binili ko. Sinadya ko pang piliin ang mamahalin.

"Pupunta pa ulit si Vira rito diba?" tanong ko nalang, walang gana siyang nag kibit-balikat. "Dito ako matutulog." dagdag ko agad. Dito ako matutulog para kung babalik si Vira, maaabutan ko na talaga siya.

"What?!"

"Gusto ko na talagang makausap si Vira." Desperadong sabi ko.

A Feeling I Couldn't Resist (Vexed Men Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon