Chapter 29

7.2K 332 78
                                        


Alvira

"Babe, I don't know what to feel anymore... there's a part of me na naaawa sa kanya, may parte rin na galit pa, may parte rin nakukunsensya na ako." busangot na sabi ni Yiren. Nakagat ko nalang ang ibabang labi ko. Nakatitig lang ako kay Aela na nag lalaro nanaman sa bago niyang laruan.

Pumunta nanaman nga si Sammie dito sa condo niya, sinabi talaga sa kanya ni Ate Donna, inaasahan ko na rin naman iyon dahil paniguradong gustong gusto na rin nilang malaman ang kung nasaan na ang anak ni Sammie pero... pero sinabi ko ngang wala.

Ngayon ay naiiyak na si Yiren dahil nakukunsensya na siyang mag sinungaling kay Sammie, alam ko namang naiintindihan niya rin kung bakit ayaw kong malaman ni Sammie ang tungkol dito. Naaawa na rin ako kay Yiren dahil lagi siyang naiipit at nadadamay sa sitwasyong ito.

"Ayaw ko paring malaman niya." seryoso kong sabi, mabilis siyang tumango at tumayo na para lapitan si Aela.

"Me too babe, pero kailangan na nga ata nating mag hanap ng matitirhan niyo, pabalik balik dito si Sammie. Mag tataka naman siya kung di ko siya papapasukin, mas lalo lang niya akong pag dudahan." sabi niya naman.

"May nasabing apartment si Eric... pupuntahan nalang siguro namin bukas, busy ka ba? Pwede bang ikaw muna ulit mag babantay kay Aela?"

"Sure! Sure! Wala naman akong lakad bukas..." nakangiting sabi niya, umupo siya sa sahig para makipag kulitan kay Aela.

Pinapanood ko lang sila. Kung di lang si Sammie ang ama ni Aela ay baka dalawa sila ngayon ni Yiren na nakipag laro sa anak ko, pero... ganito ang nangyari. Ang sama-sama ko ba kung ayaw ko talagang malaman ni Sammie?

"It's Aela's birthday in two months, right?" tanong sa akin ni Yiren. Nakangiti akong tumango sa kanya.

"Babe... dito na siya mag birthday please, huwag muna kayong bumalik ng canada." nakangusong pag mamakaawa ni Yiren. Hindi lang ako sumagot.

Balak ko na nga sanang bumalik na sa susunod na buwan dahil baka pag nag tagal kami rito, mahuhuli na kami nila Sammie. Mas lalo lang kasi talaga akong kinakabahan dahil alam na niyang nandito nga ako.

"My birthday? I want a rainbow cake!" tumayo pa si Aela para tumalon talon, mabilis naman siyang hinawakan ni Yiren baka matumba.

Nakatitig lang ako kay Aela, tuwing gumagalaw siya ay nag ba-bounce din ang dulo ng wavy niyang buhok. Habang lumalaki siya... mas lalo ko lang nakikita si Sammie sa kanya. Mas lalo lang akong nahihirapang itago siya. Sana lang talaga hindi mag ku-krus ang landas naming dalawa lalong lalo na pag kasama ko si Aela.

Mabuti nalang at hindi naman nag tatanong si Aela sa akin kung bakit wala siyang daddy, pero alam kong dadating talaga ang panahon na 'yon. Maniniwala kaya siya kung sasabihin ko sa kanya na kinuha ng mga unicorns ang daddy niya?

"Alright, rainbow cake it is! Get ready for a big color explosion!" nag hagikhikan pa silang dalawa.

"Mommy! Can I open my presents now?!" excited na tanong ni Aela, bumaling pa siya sakin na malaki ang ngisi, parang nag hihintay na payagan ko siyang buksan ang mga regalong wala pa naman. Natawa nalang ako.

"Ay te! Wala ka pang regalo ang advance mo naman!" pabiro pang kinurot ni Yiren si Aela, hindi naman nito naintindihan ang sinabi niya.

"Yiren... what if ikaw 'yong nakabuntis sakin no?" natatawang biro ko sa kanya kita kong nanlaki ang mga mata niya. Nalukot pa ang mukha niya.

"Ew, babe?!" tili niya, umakto pa siyang nasusuka na agad ikinatawa ni Aela kahit hindi naman niya naiintindihan ang pinag uusapan namin ni Yiren. Napahalakhak na rin tuloy ako.

Nang makapag bihis na ako ay lumabas na ako ng kwarto, nag suot lang ako ng light blue na sleeveless blouse and white wide jeans. Nang makalabas ako nakita ko agad si Yiren at Aela na nanonood lang ng cartoons sa TV habang parihong sinusuklay ang buhok ng mga laruang unicorns.

"Aalis ka na?" tanong ni Yiren sa akin, tumango naman ako sa kanya.

Ngayon na nga lang kami pupunta ni Eric sa apartment complex na sinasabi niya. Sa susunod na linggo ko pa sana umalis sa condo ni Yiren pero dahil nga halos araw araw nang pumupunta si Sammie dito, kailangan na talaga naming lumipat.

Nag paalam na ako sa kanila at lumabas na ng condo. Nag hihintay sa akin si Eric sa baba. Pag pindot ko ng elevator ay saktong pag bukas naman ng katabi nito, agad akong nanigas nang makita ko kung sino ang lumabas doon.

Nag tama agad ang mga mata namin ni Sammie. Kitang-kita ko kung paano napaawang ang labi niya, hindi rin siya agad nakagalaw. Bago pa siya malalapit sa akin ay mabilis na akong pumasok sa elevator na nasa harap ko.

"Wait! Vira!" rinig kong tawag niya sakin.

Nang makapasok na ako ay nag mamadali ko iyong pinindot ulit at mabuti nalang sumara naman agad. Napahawak nalang ako sa dibdib ko sa sobrang pagkabigla at kaba. Huminga muna ako ng malalim at napapikit nalang ng mariin.

Taena. Nakita niya ako!

Bakit ba siya nandito?!

Nang bumukas ang elevator ay mabilis akong nag lakad dahil pakiramdam ko sinundan niya ako ulit dito sa baba. Nakailang hakbang pa nga lang ako ay narinig ko na ang pag tawag niya sakin.

"Damn it! Babe! Stop!" rinig kong sigaw niya, may iilan pang mga taong napapatingin sa amin.

Hindi ako lumingon sa kanya at mas binilisan ko lang ang lakad ko. Mabuti nalang at nakita ko agad ang kotse ni Eric, bago pa siya makalabas ay pumasok na agad ako sa front seat. Kita ko pang nagulat si Eric sa biglaan kong pag upo sa loob.

"Wow, ganun ka na ka excited?" natatawang tanong niya pa sakin. Ngumisi lang ako sa kanya. Pasimple kong sinulyapan ang labas ng condo at kita kong luminga linga lang sa paligid si Sammie, halatang hinahanap ako.

"Let's go?" tanong ni Eric kaya napabaling ako sa kanya. Tumango nalang ako.

Ilang sandali lang ay nakarating na rin naman kami agad sa isang apartment complex. Bumungad agad sa amin ang nag lalakihang building. Hindi rin ito masyadong malayo sa condo ni Yiren, siguro ay nasa ten minutes lang ang byahe.

Ngumiti lang ako kay Eric nang pag buksan niya ako ng pinto, nag lakad kami agad papasok sa loob. Binati naman kami ng mga staff doon. Napapansin ko rin na mukhang kilalang-kilala na si Eric ng mga agents dito.

"We're looking for a first-floor unit. May available pa ba?" tanong ni Eric sa isang babaeng agent. Nabanggit ko rin kasi sa kanya na mas gusto ko sanang nasa first floor iyong apartment na kukunin namin.

"Yes sir. We do have a first-floor unit available in this building and it is ready for move-in. Would you like to take a look at it?" nakangiting sabi nong babae. Nakangiting tumango naman si Eric at binalingan ako kaya tumango nalang din ako.

Nag lakad na ang agent kaya sumunod nalang din kami. Nilibot ko sa buong building ang tingin, malinis ito at malaki. Nag angat ako ng tingin kay Eric.

"Bakit parang kilala ka na nila? Lagi ka ba rito?" takang tanong ko mahina siyang natawa at nailing.

"Dito rin kasi ang apartment ko." nakangising sabi niya. Nagulat ako pero medyo inaasahan ko na rin iyon. "Kaso nasa third floor iyong unit ko. I think I need to move here sa first floor." natatawa niya pang biro, napailing nalang ako.

"Ah... pwede po bang mag rent ng apartment na ilang buwan lang, hindi kasi ako sigurado kung tatagal ako rito ng isang taon." agad na sabi ko. Nakangiting bumaling ang agent sa akin at tumango.

"Yes po ma'am, we do have month-to-month lease options available. However, it is typically a bit higher than a longer-term lease." Tumango lang ako sa sinabi niya. Mabuti naman dahil ayaw ko talagang mag tagal dito.

A Feeling I Couldn't Resist (Vexed Men Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon