Chapter 28

8.1K 383 84
                                        


Lyssam

"Namasyal pala kayo?" nakangiting tanong ko nang makauwi sila ate Donna, kasama niya si Levi at mukhang may bitbit nanaman itong bagong laruang kabayo.

Nag angat lang ng tingin sa akin si ate Donna, mukhang may malalim na iniisip.

"Tito, look! I got a new toy, and it even has a saddle and everything! It's so cool!" napabaling ako kay Levi nang bigla itong tumakbo palapit sa akin. Nakangiti ko namang tiningnan ang bago niyang laruan. Kulay brown na kabayo... ang boring.

"Oh... that's awesome!" sabi ko nalang. Tumango tango siya at parang nag yayabang.

"It can even move its legs and everything like a real horse!" dagdag niya pa. Umakto nalang akong sobrang nagulat at namangha. Mukhang wala naman siya masyadong paki sa reaction ko. Excited lang siyang binuksan iyon sa sahig.

Parang lantang gulay naman na naupo si Ate Donna sa sofa kaya agad ko siyang nilapitan, mukha siyang lutang. Dahan dahan siyang bumaling sa akin nang maupo ako sa tabi niya. Malungkot ang itsura niya.

"May problema ba ate?" Nag aalalang tanong ko dahil sobrang lalim talaga ng iniisip niya. Mukha namang hindi sila nag away ni kuya Larry kaya hindi ko alam kung anong problema. Nakatitig lang siya sakin ng ilang segundo at bumuntong hininga.

"Hindi ko alam kung dapat ko pa bang sabihin sayo." mahinang sabi niya. Mas lalo lang kumunot ang noo ko. Mas lumapit pa ako sa kanya para mas marinig ko ang sasabihin niya.

"Ano 'yon? Tell me ate... baka di ako makatulog nito!" natatawa ko pang sabi.

"Nakita ko si Vira." agad nanlaki ang mga mata ko. Napatayo pa ako sa sobrang gulat. Biglang lumakas ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang pangalan ni Vira. Nakita niya?! Ibig sabihin nandito lang siya?!

"What?! Omg ate! Where? When?!" sunod sunod na tanong ko, sobrang lakas nun kita ko pang napalingon sa banda namin si levi.

"Sa mall... kaso..." Napakagat pa si Ate Donna sa labi niya na parang problemadong problemado. Kinabahan naman ako dahil pakiradamdam ko hindi ko magugustuhan ang susunod niyang sasabihin.

"Kaso?" takang tanong ko.

"Kasama niya ang boyfriend niya." natigilan naman ako sa sinabi niya.

Kasama ni Vira ang boyfriend niya? May boyfriend na siya? May boyfriend siya ngayon... mukhang totoo nga ang sinabi ni Yiren na may sugar daddy ito. Agad pumait ang panlasa ko. Nakaramdam ako ng inis at lungkot. Sumasakit ang puso ko.

Huminga muna ako ng malalim dahil pakiramdam ko iiyak na talaga ako. Bakit naman ako iiyak? Ano naman ngayon kung nay boyfriend siya? Gusto ko lang naman makita si Vira dahil gusto kong makita ang anak namin!

"Iyong bata ate? Kasama niya ba? Ano ang itsur—"

"Walang bata, Sammie... hindi ako makapaniwala pero mukhang pinalaglag niya nga ang bata." para akong sinaksak sa sinabi ni ate Donna. Malungkot ang tono ng boses niya at mukhang hindi rin makapaniwala.

Nang hihina akong napaupo sa sofa. Natulala nalang ako hanggang sa hindi ko na mapigilan ang pag tulo ng luha ko. Napasabunot na rin ako ng buhok sa sobrang galit... galit sa sarili ko.

Pinalaglag niya nga ang bata? Ang sakit sakit isipin nun. Pakiramdam ko mababaliw na ako. Hindi ko naman magawang magalit sa kanya, kung meron mang dapat sisihin ay ako iyon. Napakawalang kwenta ko. Kasalanan ko lahat 'to.

Hindi ko na mapigilang mapahikbi, naramdaman ko namang niyakap ako ni Ate Donna na mas lalo ko lang ikinaiyak. Nasasaktan talaga ako, hindi ko matanggap. Ayaw kong maniwala.

"Tito? Mommy? Why is tito crying?" mas lalo lang lumakas ang hagulhul ko nang marinig ko ang boses ni Levi.

Kung hindi ko lang sinabi iyon kay Vira, maririnig ko rin sana ang boses ng anak ko. Pero gago ako. Tangina talaga. Ang sakit.

"Sammie..." mahinang tawag ni ate sa akin pero hindi ko siya nilingon nag patuloy parin ako sa pag iyak, hindi ko kayang tumigil, hindi rin tumigil sa pag patak ang luha ko.

"What happened?! Sammie?" dumating na nga sila mama kaya huminga nalang ako ng malalim. Hinahabol ko parin ang pag hinga ko dahil sa sobrang pag iyak.

"Ano nangyari?" tanong nanaman ni Mama.

Ilang sandali pang natahimik si Ate Donna pero sinabi niya rin kay Mama ang sinabi niya sakin kanina. Tumulo nanaman tuloy ang luha ko. Nag angat ako ng tignin kay Mama at gulat din siya sa nalaman niya. Dali dali siyang lumapit sa akin at niyakap ako.

Hindi ko na alam kung ilang oras akong umiyak. Hindi naman na nag salita sila Mama at Ate tungkol doon, alam din nilang ayaw ko munang pag usapan dahil paniguradong maiiyak lang ako lalo.

Nang kumalma na nga ako ay naisipan kong puntahan si Yiren. Gusto kong makita si Vira, siguro naman alam na niya kung nasaan ito nakatira dito ngayon. Wala akong paki kung may boyfriend na si Vira o may sugar daddy.

Gusto ko siyang makausap. Kahit pa totoong pinalaglag niya nga ang bata... gusto ko parin siyang makita, gusto kong humingi ng tawad. Pinagsisihan ko talaga ang mga sinabi ko sa kanya noon.

Mugto ang mata nang pumunta ako sa condo ni Yiren. Sobrang tagal pa bago niya ako pinag buksan. Gusto niya pa sanang singhalan ako pero mabilis ko na siyang niyakap dahil naiiyak nanaman ako. Tuwing nakikita ko si Yiren mas lalo ko lang naalala si Vira dahil kaming tatlo talaga lagi ang mag kasama noon.

"Anong nangyari sayo?" takang tanong niya hindi naman iyon galit. Nakayakap parin ako sa kanya habang patuloy sa paghagulhul.

Ilang minuto rin bago ako kumalas sa kanya at pinahiran ang mukha kong basang basa na sa luha. Kunot noo lang siyang nakatingin sa akin at parang hinihintay ang sasabihin ko.

"Alam kong alam mo na na nandito si Vira... please, Yiren, sabihin mo na sakin. Nag mamakaawa ako gusto ko na siyang makausap. Saan ba sila nakatira nong boyfriend niya? Pupuntahan ko!" pag mamakaawa ko sa kanya. Nag aalala niya lang akong tingnan.

Napahilamos siya sa mukha niya.

"Wala naman dito si Vi—"

"Ate Donna saw them. Siya mismo nag sabing nakita niya si Vira, so, please babe... sabihin mo na sakin." patuloy lang sa pag tulo ang luha ko. Bumuntong hininga lang siya.

"Hindi ko alam kung nasaan siya." napapikit na ako ng mariin nang sabihin niya iyon. Nanghihina akong naupo sa sofa, di gaya noong unang pasok ko, ngayon ay sobrang linis ng condo niya.

"Gusto ko siyang makausap." sabi ko nanaman. Hindi siya sumagot. Pumunta lang siya sa kusina at bumalik lang din siya sakin para bigyan ako ng tubig. Malungkot kong tinanggap iyon.

Ilang minuto rin kaming natahimik dahil sobrang lutang ko na talaga. Nag angat ako ng tingin kay Yiren na mukhang malalim din ang iniisip. Nag kita na kaya sila ni Vira? Bakit parang di man lang siya nagulat na malamang nandito si Vira?

"She really did abort the baby." naiiyak na sabi ko nanaman. Sumulyap siya sakin. Huminga ako ng malalim dahil sobrang bigat na talaga ng dibdib ko.

"At kasalanan ko 'yon. Kaya gusto ko siyang makausap dahil gusto kong humingi ng tawad." madiin na sabi ko sa kanya.

Pakiramdam ko kasi talaga ay alam niya kung nasaan si Vira.
Ayaw niya lang sabihin sa akin. Kung ano man ang rason niya, naiintindihan ko naman iyon pero gustong gusto ko na talaga kasing makausap si Vira.

Pakiramdam ko hindi ako makakausad kung hindi ko makakausap si Vira. Pakiramdam ko laging may kulang, may mali—habang buhay akong maguguilty pag hindi ako nakahingi ng tawad sa kanya.

"Sasabihin ko nalang sayo... pag alam ko na kung nasaan siya." sabi niya lang sakin. Malungkot naman akong tumango.

"Hindi pa ako nakakabili nong nasira ko." sabi ko nalang nang maalala kong kailangan ko nga palang palitan iyong nasira ko nong huling punta ko rito.

"Huwag na, nakabili na ako ng bago." busangot na sabi niya. Umiling lang ako dahil papalitan ko talaga iyon. Babalik nalang ako rito bukas.

A Feeling I Couldn't Resist (Vexed Men Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon