Chapter 39

418 10 1
                                        

Four days.

Four days ko ng hindi pinapansin si Cloud. Ilang beses nya kong sinubukan lapitan, kausapin pero umiiwas ako. Ilang beses din sya pumunta sa condo pero hindi ko sya pinag buksan.

Nasa cellphone ang atensyon ko habang nag lalakad papunta sa building namin.

"Ate Astra, here." May isang lower year na babae ang nag abot sakin ng isang stem na rosas.

Naguguluhan man ay kinuha ko yon at nagpa salamat. Nag tuloy ako sa paglalakad pero tulad kanina ay may nag bigay ulit ng rosas sakin at nasundan na ng nasundan hanggang sa matapat ako sa building namin.

Okay? So, anong meron?

"Bossing!" sigaw ni Greg mula sa taas kaya tiningala ko sya.

And there it is. A big wide banner with a I'M SORRY, LOVE statement.

Tumingin naman ako sa likod ng marinig ang hiyawan ng ibang estudyante. And there he is walking slowly while holding a cup of iced coffee.

"I'm sorry. Let me explain please." ani nya pagkalapit nya sakin.

Tinitigan ko sya ng maigi. Maitim ang ilalim ng mata nya, halatang kulang sa tulog. Dahil ba sa hindi ko pagkausap sa kanya?

"You planned this?" I asked instead, ignoring his pleas.

He nodded. "With the help of the boys, ofcourse."

I nodded and get the coffee in his hand. "Will talk later."

Naglakad na ako at nginitian ang mga estudyante na nanonood samin. Gumawa na naman kami ng eksena. Kotang kota na ang beauty ko rito. Sobra sobra na ang exposure ko.

"Hindi ka pa nakakapag paliwanag nakahawak kana agad dyan sa bewang ko." Sita ko sa kanya ng nasa elevator na kami.

Pano ba naman nakalingkis na agad. Tinanggal naman nya ang braso nya, nakita ko pa sa reflection namin ang pagkamot nya sa batok.

"Yes naman. Bati na sila."

"Muka mo bati. Oh ipasok mo sa loob." Abot ko kay Greg ng bag ko.

Pag pasok ay napuno ng kantyawan ang kwarto.

"Wag mo muna patawarin bossing."
"Mga isang linggo pa."
"Nakukulangan pa kami sa effort eh."

"T*ngina nyo." Gigil na sabi ni Cloud sa mga kumag.






"I'm sorry for not contacting you."

Nandito kami sa rooftop. Matapos ang lunch ay niyaya ko na sya rito sa taas.

"My grandparent's company is not in good shape, dahil don naapektuhan na rin ang kalusugan nila. Last wednesday is a complete chaos to us. Nag 50:50 si Lola, hindi ko na nagawang dalhin ang phone ko sa ospital. Sakto rin nung nasa ospital kami another investor pulled out his investment to our company. Agad namin pinuntahan yon ni Daddy at si Mom lang ang naiwan sa ospital para tignan si Lola." Tahimik lang akong nakikinig sa kanya.

Makikita naman sa mata nya na nagsasabi sya ng totoo. Hinayaan ko na rin sya hawakan ang kamay ko. Namiss ko ang mga hawak nya, marupok na kung marupok.

"Hindi kami nakauwi non sa bahay dahil sa pag aasikaso ng company. I know maraming paraan para makuha yung phone ko, pwede akong mag utos kahit kanino. Kaso nung mga araw na yon ang nasa isip ko lang talaga matulungan sila sa company."

Bumuntong hininga sya at tinitigan ako. "Thursday night ako nakauwi. I saw your chats and missed calls. I tried contacting you but you're not replying anymore. Dun pa lang alam ko ng galit ka. Pinag palipas ko yung gabi na ang nasa isip ko mag rereply kana kinabukasan, pero hindi pala. Nung hindi ka nag reply I booked immediately a flight, naiintindihan naman nila Dad. Naayos na rin naman namin yung sa company kaya pumayag na sila. Sabado ng hapon ako nakabalik dito sa Pilipinas and still no reply from you. Nag tanong din ako sa mga kaklase natin dun ko nalaman na hindi ka nga raw pumasok nung Friday. I also contacted your Dad pero hindi nya rin alam kung nasan ka, basta nagpaalam ka lang. I was worried."

A Rose Among the ThornsWhere stories live. Discover now