Chapter 27

7.8K 358 63
                                        


Alvira

"Hush, baby... we will just buy another one, okay?" nag aalalang sabi ni Yiren habang pariho naming pinapatahan ang umiiyak na si Aela. Hawak-hawak nito ang isang laruan niyang unicorn na wala nang sungay. Napahilot nalang ako sa noo ko.

Nang makita nga nitong nasira ang isa sa mga bago niyang laruan na unicorn, wala nang tigil ang pag iyak niya. Biglaan ang pag dating ni Sammie kanina kaya nang buhatin ko si Aela ay hindi ko na nadala ang ilan sa mga laruan niya. Nasira pa tuloy!

Pulang-pula na ang mukha niya ngayon sa kakaiyak. Binuhat ko nalang siya pero hindi parin talaga siya tumatahan.

"Napakabwisit kasi talaga nong daddy mo." malumanay ang pagkakasabi ni Yiren nun habang nakatingin kay Aela. Agad ko siyang pinandilatan ng mata dahil nag mura pa talaga siya sa harap ni Aela!

"Hindi niya naman naiintindihan 'yon." sabi niya lang at muling pinapatahana si Aela.

Halos mag dadalawang oras din bago napagod si Aela sa kakaiyak, at sa wakas nakapag pahinga na rin ang tenga namin ni Yiren. Hanggang ngayon nga ay busangot parin itong nag lalaro. Mabuti nalang at may iba pa naman silang mga biniling laruan kaya medyo nadidistract lang din siya.

"Ubos na talaga ang patience ko sa Sammie na 'yon." gigil na sabi ni Yiren habang nakatingin lang din kay Aela. Bumuntong hininga ako at sumandal nalang sa sofa.

Mukhang halos araw-araw nga pumupunta si Sammie dito sa condo ni Yiren. Kanina ay narinig ko pa ang usapan nila, hinahanap niya ako. Bakit niya pa ba ako hinahanap? Gusto niya lang bang malaman kung may anak kami? Pero diba nga pinalaglag niya? Ang kapal din naman talaga ng mukha niya.

"Hindi na nga sila nagkikita ni Aela, pinapaiyak niya parin." mataray na sabi nanaman niya. Hindi ako umimik.

"I'll buy another one bukas." rinig kong sabi pa niya. "Kaso wala na kasing ganun eh!" napasabunot pa siya sa buhok niya na parang problemadong problemado.

"Ako na bibili." agad na sabi ko. Mabilis siyang umiling at sumulyap sakin.

"No. Mamamasyal kami ulit ni Aela bukas, o baka gusto mo tayong tatlo?" agad akong nagulat sa sinabi niya, umiling ako dahil mas lalong hindi kami pwedeng makitang magkasama tatlo. Nag kalat pa naman ang mga Sandoval sa lugar na ito.

"Lalabas kami ni Eric bukas, ako nalang bibili." Pamimilit ko dahil nakakahiya na rin kay Yiren na siya nanaman ang bibili ng laruan ni Aela. Kita kong natigilan siya at agad na ngumisi.

"Uy... you like him na no? Sabi na eh!" kinikilig pa siyang hinampas ako. Natatawa nalang akong napailing.

Hindi ako sigurado kung magugustuhan ko ba talaga si Eric. Pero mabait naman siya, gentleman, at halatang mayaman. Hindi na rin masama. Inaya niya nga akong mamasyal kami bukas, pumayag ako dahil gusto ko rin siyang mas makilala pa.

"Perfect! Ipapasyal ko ulit si Aela dahil mukhang malungkot talaga siya sa nasirang laruan." nakangising sabi niya.

"Nga pala Yiren... madalas bumibisita si Sammie dito, kukuha nalang siguro ako ng apartment." Pag iiba ko ng topic dahil nababahala na talaga ako.

Kagabi ko pa kasi iyon iniisip, napapadalas ang pag punta ni Sammie dito, sobrang hirap nun at baka sa susunod maabutan niya na talaga kami sa loob.

Ang nakakainis pa ay ang tagal niyang umuuwi tuwing pupunta siya rito. Paano kung mabagot si Aela sa loob ng kwarto at iiyak? Rinig na rinig iyon sa buong paligid kaya hindi dapat mangyari 'yon. Ayaw ko parin talagang malaman niyang may anak kami.

Nakita kong bumusangot si Yiren. Sumulyap pa siya kay Aela at mukhang naiintindihan niya naman ang sitwasyon.

"Pwede namang kumuha kayo ng suite katabi nitong akin." umiling naman ako sa sinabi niya.

A Feeling I Couldn't Resist (Vexed Men Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon