Lyssam"Look at you all... you're all perfect!" natatawa kong tiningnan si Levi nang paulit-ulit niyang pinupuri ang mga laruan niyang kabayo, hindi ko alam bakit ang hilig niya sa ganyan, mas nilalaro niya pa ang mga iyon kesa sa mga car toys niya.
"Pinag lihi mo ba 'yan sa tikbalang?" nakangiwing tanong ko kay ate Donna, muntik pa siyang mabulunan sa kinakain niyang cupcake. Narinig ko namang natawa si kuya Larry.
"Sammie, it must run in the family, your kuya's been passionate about horses since he was a kid... kaya nga nahilig talaga siya sa horse riding." naiiling na sabi ni Mama.
Mahilig nga sa mga kabayo si kuya Larry, halos hindi na nga 'yan umuuwi dito noon para lang sumali sa mga horse riding competitions. Ewan ko lang kung nananalo siya dahil wala naman akong paki sa kabayo at sa mga ginagawa niya sa buhay.
"Of course hindi ka nakaka relate, you were all about unicorns back then, umiyak ka pa nga dahil paano ka nga ba sasakay sa hindi naman nag eexist sa mundo?" tawang-tawa na sabi ni kuya, inirapan ko siya agad. Tumawa rin sila Mama.
Well, anong nakakatawa dun? Mas pipiliin ko naman talaga ang unicorn noon dahil colorful.
"Funny..." Walang ganang sabi ko nalang at binalik kay Levi ang tingin. Marami talaga siyang laruan na mga kabayo, henehelera niya ang mga ito na akala mo'y may gaganapin na race.
Napailing nalang ako, ang boring talaga ng mga lalaki. Kung babae lang sana ang pamangkin ko edi sana pinag lalaruan ko na ang buhok niya, binibihisan, punong puno na sana ng stickers ang buo niyang katawan! Pero hindi... kabayo lang ang nasa harap namin. Pambihira.
"Ate, wala bang second baby diyan? Baby girl naman oh." busangot na sabi ko. "Kahit ako na mag bantay sa kanya buong buhay ko." dagdag ko pa.
"Hanapin mo na kasi si Vira, baka baby girl 'yong kanya." nakangising pang aasar ni ate Donna. Hindi naman ako natuwa, naisip ko nanaman tuloy sila Vira, nalulungkot kasi talaga ako tuwing naiisip ko siya.
Paano kung babae nga ang anak namin? Pero may anak nga ba kami? Paano kung di niya nga pinalaglag, so meron? Babae ba? Kasing ganda niya ba ako o si Vira? Anong mga hilig niya? Anong mga nilalaro niya? Anong ginagawa niya ngayon?
Bumibigat nanaman tuloy ang pakiramdam ko, wala na talagang saya ang buong pagkatao ko. Lagi nalang akong lutang, tulala, malungkot... lagi ko nalang namimiss si Vira—syempre, kaibigan ko siya kahit papano kaya...ganun.
Naiiyak na tuloy ako.
"Wala parin bang balita kung saan siya?" tanong naman ni Mama. Sumulyap ako sa kanya at busangot na umiling.
Bwisit na Yiren 'yan, kung makapag damot at makatago ng sekreto sakin akala mo hindi kami magkaibigan ng ilang taon. May mga sinasabi siya sakin pero hindi naman kapani-paniwala, gaya nong nasa Hongkong daw si Vira, pakiramdam ko talaga hindi iyon totoo. Pumunta na akong Hongkong pero hindi ko naman alam saan ko hahanapin si Vira. Edi nag mukha lang din akong tanga dun.
"Baka may ibang pamilya na 'yon ngayon, ilang taon na rin ang lumipas." mabilis kong binalingan si Ate Donna.
Para akong sinaksak sa sinabi niyang iyon. Kita ko namang malungkot na tumango si Kuya Larry na mukhang iyon din talaga ang iniisip niya. Bumigat lang lalo ang pag hinga ko. Hindi ako makapag salita at parang gusto ko nang umiyak.
Paano nga kung totoo iyong sinabi ni ate Donna? Si Vira? May ibang pamilya na? Bakit ang sakit isipin nun? Bakit nasasaktan ako? Agad akong napatiim bagang dahil pumait agad ang panlasa ko. Tulala lang ako sa sahig.
Naiinis akong isipin na totoo iyon, siguro naiinis lang ako dahil nasa kanya ang anak ko tapos iba ang tinatawag na Daddy? Pero paano kung... paano kung wala kaming anak? Bakit nakakabwisit paring isipin na may iba siyang pamilya?!
Napahilamos nalang ako ng palad sa mukha at agad na tumayo.
"Where are you going?" tanong sa akin ni Mama, derederetso lang akong nag lakad. Bagsak na bagsak ang balikat at busangot. Nakalimutan ko na nga ata talaga kung paano sumaya. Tanginang buhay to.
"Yiren." iyon lang ang sinabi ko at lumabas na ng bahay. Sumakay agad ako ng kotse dahil pupuntahan ko si Yiren. Sasakalin ko talaga siya pag di pa siya sumagot ng maayos sa mga tanong ko!
Lagi iyong may lakad kaya alam kong nasa condo na siya ngayon dahil pagabi naman na. Nang makarating nga ako ay agad akong nag doorbell. Ang tagal niya pang buksan ang pinto. Nang bumukas nga ito ay agad siyang napapikit ng mariin.
"Wala ka bang bahay?!" inis na tanong niya, deretso lang akong pumasok. Masyadong makalat ang condo niya ngayon at mukhang kaka-mall niya lang, maraming mga gamit at paper bags na nakakalat sa sahig. May mga hindi pa nakabukas.
"Di mo man lang ako inayang mag mall?" Malungkot na tanong ko sa kanya, bumuntong hininga siya at isa isang pinulot ang mga kalat niya.
Napailing nalang ako, sobrang dismayado na parang hindi na kami mag kaibigan kung kalimutan niya akong ayain! Simula nong umalis si Vira, kaming dalawa ni Yiren ang minsan magkasamang mag mall. Nakakalungkot nga dahil hindi kami kompleto.
"Why are you here nanaman ba?" halata sa boses niya na nabubwisit na siya sa presensya ko rito sa condo niya kahit kakarating ko nga lang. Bagsak ang balikat akong nag lakad palapit sa sofa.
"Tatanungin nga kita ulit kung nasaan si Vi—ouch!" mura ko nang biglang may tumusok sa pwet ko nang maupo ako sa sofa.
Irita ko itong pinulot at agad na tumaas ang kilay ko nang makitang mga maliliit itong unicorns, nasa tatlo iyon at iba't iba ang kulay. Dahil nga sa pagkakaupo ko ay mukhang nasira ko pa ata ang isa sa mga iyon, natanggal ang sungay nong isa.
"Ano to?" Takang tanong ko kay Yiren. Nanlaki naman ang mga mata niya nang makita ang hawak ko. Natataranta siyang lumapit agad sa akin.
"Did you just fucking break it?!" halos pumutok na ang mga ugat niya sa sobrang lakas ng sigaw niya sakin. Napangiwi pa ako dahil ang sakit sa tenga, bakit siya galit?!
"Aksidenteng naupuan ko lang, para saan ba 'yan? Don't tell me that's yours? Ano ka bata?!" di makapaniwalang tanong ko sa kanya. Nanginginig niyang inagaw iyon sa akin. Para siyang naiiyak.
"Ididisplay ko 'to sa kwarto ko!" gigil na sabi niya. Napabuntong hininga nalang ako at naupo na ulit sa sofa.
Kung kailan grumaduate na kami ng college saka lang siya nahilig sa mga ganyang bagay, ano 'to bumalik siya pagkabata? Rainbow rainbow pa ang kulay nong buntot at sungay nong unicorn. Ang katawan ay kulay pink, ang isa purple, and isa puti.
Anong trippings 'yan?
"Just buy a new one." walang ganang sabi ko, mukhang stress na stress na kasi siya, pinasadahan niya pa ng daliri ang mahabang buhok at parang iiyak na.
"Kakabili ko nga lang nito!" inis na sabi nanaman niya. Umalis siya sa harap ko dala-dala ang mga unicorns at nilagay ito sa kung saan.
"Napakawalang kwenta mo talaga!" dagdga niya pa. Nalukot naman ang mukha ko dahil hindi ko magets ang galit niya. Isa lang naman ang nasira ko tapos galit na galit na siya. Pwede ko namang palitan yan!
"Where did you buy that? I'll just get you another one." sabi ko nalang, mukhang mas lalo lang na hindi niya sasabihin sakin kung nasaan si Vira dahil sa pag sira ko ng laruan niyang unicorn—taena talaga.
"Wala nang ganito! Nag iisa nalang 'to! Umalis ka na nga sa condo ko! Naiistress ang beauty ko sayo." pag tataboy niya sakin, pilit niya pa akong hinila patayo at tinutulak palabas ng condo niya.
"Wait! Kakarating ko nga lang! Aalis ako agad pag sasabihin mo sa akin kung nasaan si—"
"Huwag mo na siyang hanapin! Kinasal na sila nong sugar daddy niya!" malakas niya akong tinulak kaya napalabas na talaga ako.
"What?!" kasabay ng tanong ko na iyon ay ang pag sara niya ng pinto. Naiwan akong nakanganga sa labas ng condo niya.
Kinasal na si Vira?

BINABASA MO ANG
A Feeling I Couldn't Resist (Vexed Men Series #5)
RomanceLyssam "Sammie" Sandoval, a gay man, never imagined that a single night with his friend, Alvira Silvas, would change everything. Habang nilalabanan ang kalituhan sa kanyang kasarian, nahihirapan siyang harapin ang sitwasyon kaya naman iniwan siya n...