Chapter 38

368 8 4
                                        

This is our last day, Sunday. Mamayang 12pm ang alis namin dito kaya ngayon ay sinusulit namin ang dagat.

Kahapon ay nakapag island hopping kami, snorkeling. Sinubukan din namin ang zipline nila rito. Halos isumpa naman namin si Shine ng magyaya sya ng sa isang viewing deck. Viewing deck means hiking ulit. Hindi ko alam kung relaxation ba pinunta namin dito o sakit ng katawan.

Nag yaya sila mag crystal kayak kami individual for aesthetic picture. Kaya ito ako ngayon nasa kayak at si Kuya Arman lang ang kasama. Professional naman sya sa trabaho nya, mukhang sanay na rin sya makakita ng mga naka two piece. Si Kuya Arman na rin ang nag ga-guide sakin para maayos ang angle ko sa mga photos. I'm wearing a midnight blue two piece swimwear.

"Iba pala 'to masaktan, nag rerebelde." ani Shine pag baba ko sa kayak.

"Thank you Kuya." Pasasalamat ko kay Kuya Arman. "Rebelde mo mukha mo."

"Thank you for this staycation, guys." Nandito na kami sa tapat ng bahay nila Dad. Dito na ako nagpababa at ayoko munang umuwi sa condo.

"Call us if you need someone to talk to."

"One call away lang kami. Mag inuman tayo."

I hugged them both. "I know. Take care. Update me when you're home already."

Hinintay ko muna sila makaalis bago ako pumasok sa bahay. Wala naman sila Daddy dito, nag out of town sila ni Papa kahapon sila umalis. Sila Kuya naman baka hapon pa raw ako samahan dito, since isasabay na nila ako pagpasok bukas.

"Nandito kana pala, anak." salubong sakin ni Nanay Clara. "Kakain kaba?"

Niyakap ko sya at binigay naman ang pasalubong ko sa kanila. "Maya maya na Nay. Akyat muna ako sa taas magpa pahinga. Pwede po pala pasuyo kay Dad pasabi na nakauwi na ko."

Tumango naman sila at nag umpisa na akong umakyat. Hindi naman ako matutulog, hihiga lang talaga. Nakatulong naman yung two days vacation ko kahit papano.

Tama rin yung mga kaibigan ko I need to prepare myself for tomorrow. Pwedeng hindi na nga tulad ng dati ang maging pakiki tungo nya sakin atleast alam ko na ang gagawin ko. Nasasaktan pa rin ako pero masasabi ko na mas kaya ko ng ihandle yung emosyon ko, what ever happens tomorrow.

"Anak. Gising na, naka ayos na ang hapunan."

Nagising ako sa katok ni Nanay, nakatulog pala ako. It's already 7:30pm.

"Nakauwi na po sila Kuya?" Tanong ko habang pababa kami.

"Oo kanina pang ala singko. Hindi kana pinagising, nandon na rin sila sa hapag at hinihintay ka."

Like what Nanay said my brothers are here already. I hugged and kissed them on the cheeks before settling down.

"How's your short vacation?" Pagbubukas ni Kuya Blaze sa topic.

"It was good Kuya. Nakapag relax naman ako na may halong sakit ng katawan. Alam mo naman mahilig sa hiking si Shine."

Tumango tango sya. Mukha lang naman walang pakialam 'to sa kaibigan ko pero meron, meron. Akala nyo lang walang alam 'to kay Shine nagkakamali kayo. Kahit schedule ng kaibigan ko alam nya. Hindi ko malaman kung torpe lang sya o dahil sa edad ni Shine, ilang bwan na lang naman legal age na si Shine.

"Masaya ko na lumalabas labas kana ngayon." May ngiting sabi ni Kuya Blake.

"Naisip ko rin kasi na baka hindi ko na 'to magawa pag nag senior high ako lalo na sa college. Kaya habang may ilang buwan pa ako sa junior high sinusulit ko na." sagot ko sa kanya.

Totoo naman yon. Isa rin sa mga naisip ko iyon nung nakaraan, masyado kong kinulong ang sarili ko nung mga nakaraang taon. Hindi ko na enjoy ang ilang taon ko sa highschool kaya bumabawi lang ako ngayon.

A Rose Among the ThornsWhere stories live. Discover now