CHAPTER 5

7.8K 481 238
                                        


-



“Uy, bakit tulala ka? Ang lalim ng iniisip mo, akala mo talaga pamilyado kang babae.”



Napahilot ako sa noo ko dahil sa biglaang pagsulpot ni Rhea sa tabi ko. Kakauwi lang niya galing sa trabaho, pero ako na kaagad ang inaasar niya. Ilang linggo na rin akong nag e-stream, pero gano’n pa rin ang viewers ko—dalawa. Well, technically ay nadagdagan naman kahit papaano pero hindi pa rin sapat para matawag na successful ang stream ko.



Bukod pa ro’n, may isa pang nagpapabigat sa isip ko. Bukas na ang EB ng guild namin, at hindi ko alam kung sisiputin ko ba. Wala akong matinong damit, at hindi rin ako sigurado kung gusto ko talagang makita ang mga ka-guild ko sa totoong buhay. Ilang araw na rin akong hindi nag o-online sa laro dahil puro tungkol sa EB ang usapan nila. Napagtanto ko rin na halos lahat ng nasa guild ni Grim_Reaper ay puro RK at sa Scarlet Hotel pa nila napiling ganapin ang meet-up.



Masyado namang high class para sa isang gaya kong struggling pa rin sa buhay.



“Uy, ano? Lutang ka, friend?” Biglang pukaw sa akin ni Rhea sabay alog sa balikat ko.



Napabuntong-hininga ako. “Wala, iniisip ko lang kung pupunta ako sa EB bukas o hindi.”



Napaangat ang kilay niya. “Ha? Bakit hindi? Sayang naman, chance mo na 'yun para makita sa personal ang mga ka-guild mo. Malay mo, may mahanap ka ro’n!”



Napairap ako. “Hindi yan ang concern ko! Wala akong matinong damit at feeling ko out of place ako sa kanila.”



Tumaas ang isang sulok ng labi niya, may kung anong kislap sa mga mata niya na parang may iniisip na kung ano. “Hmm… alam mo, baka may solusyon ako riyan.”



Nagkibit-balikat ako. “Ano na naman ‘to? Baka scam na naman yan, ha.”



Napahalakhak siya. “Grabe ka naman! Legit ‘to. Sige na, magbihis ka. May pupuntahan tayo.”



Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o kabahan sa binabalak ni Rhea, pero sa ngayon, wala na rin naman akong ibang choice kundi sumunod sa kanya. Napangiwi ako pero wala na rin akong nagawa nang hilahin na ako ni Rhea palabas ng bahay.



“Saan ba tayo pupunta?” Reklamo ko habang sumasabay sa bilis ng paglalakad niya.



“Secret! Basta tiwala ka lang sa akin, okay?” Sagot niya sabay kindat.



Dahil sa kakulitan niya ay wala akong nagawa kundi hayaan siyang hatakin ako papunta sa hindi ko alam na destinasyon. Ilang minuto lang, natagpuan ko na lang ang sarili ko sa harap ng isang boutique na halatang mamahalin.



“Rhea… seryoso ka ba? Dito tayo bibili ng damit? Eh, parang isang damit pa lang ubos na sahod ko!”



“Uy, wala kang trabaho.” Pambabara niya. Inikutan ko siya ng mga mata, kailangan ba talagang ipamukha niya.



Napahagalpak siya ng tawa. “Duh? Hindi mo naman kailangang magbayad. Ako ang bahala sayo!”



Nanlaki ang mata ko. “Ha?! Ano ka, sugar mommy?”



“Tanga! Hindi kita type noh! Pero dahil tropa kita at gusto kong maging presentable ka sa EB bukas, sagot ko na ‘to.” Kinindatan niya ako. “Isipin mo na lang na early birthday gift ko yan sayo!”



Ang bait na babae nito, kahit na konting pera kapag alam niyang kailangan namin ni Kris binibigay niya— pero gano’n din naman kami, give and take lang. Wala na akong nagawa nang itulak niya ako papasok. Habang sinusuyod ko ang mga racks ng damit, napaisip ako.



ᴘᴏʟʏᴀᴍᴏʀʏ (𝚂𝚂) : 𝚃𝙷𝚁𝙴𝙴 ᴡɪᴠᴇꜱ | 𝙱𝙴𝙰 𝚆𝙸𝙽𝚃𝙴𝚁𝚂𝙾𝙽Where stories live. Discover now