AlviraDahil nga nasa loob kami ng kwarto ni Aela, naririnig ko paring may nag uuap usap sa labas pero hindi ko ito maintindihan. Ang alam ko lang ay boses nga iyon ni Sammie. Nakakamiss din pala siya. Nakakamiss na magkasama kaming tatlo.
Hindi ko lang talaga matanggap ang huling sinabi niya sa akin sa coffee shop. Ilang sandali rin nang mapansin kong natahimik na ang nasa labas. Umuwi na ba siya?
"Mommy, I'm thirsty..." mabilis akong napabaling kay Aela nang mag salita siya, kita kong naubos na rin niya ang hinandang pancake ni Yiren.
Mabilis akong tumayo. "Okay, wait here." sabi ko nalang at dahan dahang binuksan ang pinto ng kwarto ni Yiren, sumilip ako at tahimik na nga ang paligid. Nakita ko si Yiren sa may kusina na mukhang nag liligpit ng mga bote, uminom sila?
Binuksan ko na ang pinto at nagulat pa ako nang biglang tumakbo si Aela. Akmang tatawagin ko na siya nang bigla akong pinanlakihan ng mata ni Yiren at mabilis niyang tinuro ang sofa... natigilan ako agad nang makitang natutulog doon si Sammie.
Akala ko nakauwi na siya!
Natauhan lang ako nang makitang lumapit sa banda niya si Aela, mas lalo akong naalarma nang makitang gumalaw ng kaunti si Sammie, nang pumikit ito ulit ay mabilis ko nang kinarga si Aela.
Mabuti nalang at hindi naman siya ang salita, nakatulog ata ulit si Sammie. Hindi ko mapigilang mapatitig sa kanya saglit dahil ilang taon din kaming hindi nag kita, ganun parin naman siya, pariho talaga sila ng kulay ng buhok ni Aela.
"Nauhaw siya." mahinang sabi ko kay Yiren nang makarating kami sa kusina dahil mukhang nag tataka siya bakit ako lumabas ng kwarto, tumango lang siya sakin at kumuha ng tubig. Nang maiabot niya ito ay bumalik na rin kami ulit ni Aela sa kwarto.
Medyo matagal tagal din bago umalis si Sammie, nang makalabas na nga ito sa condo ni Yiren ay agad na rin kaming lumabas ni Aela sa kwarto. Gutom na gutom ako at bagot na bagot na rin si Aela sa loob, mabuti nalang at hindi naman siya nag ingay.
"Namiss ka na raw ni Sammie." mataray na sabi ni Yiren sakin. Sumulyap ako sa kanya habang kumakain ng chicken curry. Mabuti nalang talaga at pagkatapos kong manganak kay Aela ay kaya ko na ring kumain ulit ng curry. Paboritong paborito ko kasi talaga ito.
"Naiinis parin ako sa kanya." sabi ko nalang. Tumango naman siya. "Me too—actually, sa inyong dalawa." Umirap pa siya sakin. Natawa nalang ako.
Nang makita ko si Sammie kanina sa couch, doon ko lang naramdaman na namimiss ko na rin talaga siya, iyong bonding naming tatlo nila Yiren. Ang bangayan nilang dalawa sa harap ko, ang kaartehan ni Sammie, ang kakulitan nilang dalawa. Namimiss ko na lahat 'yon... pero naiinis parin ako sa kanya.
"Babe, I set up a blind date for you. I know you haven't been with any guy since you had Aela." biglang sabi nanaman niya.
Simula nga nong manganak ako kay Aela wala na akong ginawa kundi ang mag stay lang sa bahay sa Canada, dahil nga homeschooled naman ako, hindi ako nakakalabas masyado, wala rin akong planong makipag date ng mga canadian.
"Wala akong time... mag babantay ako kay Aela."
"I'll take care of her, I'll just give her all the unicorns she wants and hindi naman na siya papalag." natatawa niyang sabi kaya natawa na rin ako. Sumulyap ako kay Aela na ngayon ay nanonood lang ng cartoons sa TV.
"Kailan ba?" baling ko ulit sa kanya.
"Tomorrow! Gwapo 'yon, yummy." napangiwi nalang ako sa sinabi niya.
"Gwapo pala edi sayo nalang." natatawa kong sabi, mabilis siyang umiling at parang nandidiri pa. Naningkit naman ang mga mata ko. Tumigil ako sa pagkain para suriin ka.
"Oh don't tell me ayaw mo na sa lalaki?!" nanlaki ang mga matang tanong ko.
"What?! No! Ayaw ko lang sa lalaking 'yon!" tumaas pa ang boses niya na parang sobrang guilty, mas lalo lang tuloy nanliit ang mga mata ko sa kanya, maarte siyang nag patuloy lang sa pagkain.
Tinitigan ko lang siya, wala namang nag bago kay Yiren, baklang bakla parin siya, mahaba ang buhok at sa kanilang dalawa ni Sammie, mas makapal din mag make up si Yiren kaya mas lalo siyang gumaganda.
Imposible nga naman ang iniisip ko.
Dahil nga may dalawang kwarto ang condo ni Yiren, gusto niyang dito na muna kami ni Aela mag stay. Okay na rin sa akin iyon dahil wala naman siyang ibang kasama rito. Malaki ang condo ni Yiren, malinis at punong-puno ng gamit pambabae.
Kinabukasan nga ay maaga akong nagising dahil ang likot-likot ni Aela. Pag labas namin ng kwarto ay nakita ko agad si Yiren na umiinom ng tsaa habang nakaharap sa phone niya, maarteng sumisipsip habang nakacross legs.
"Oh! Good morning, unicorn fairy!" bati niya agad kay Aela nang mapansin niyang lumabas na kami. Tumayo naman siya para buhatin ito. "Gutom ka na ba? Kumain na tayo." baling ni Yiren sa akin, humihikab akong tumango nalang at nag tungo na kami sa dining table.
"Don't forget you have a date ha." mataray na sabi ni Yiren sa akin, walang gana akong tumango nalang. Binaba niya naman si Aela sa upuang katabi niya, nilalagyan niya na rin ng pagkain ang plato nito.
"Dito lang ba kayo ni Aela pag alis ko?" tanong ko naman at nag umpisa nang kumain. Sumulyap siya sakin at mukhang nag iisip.
"Mag ma-mall kami, and I'll grab her all the unicorn toys she wants." nakangisi niyang sabi nanlaki naman ang mga mata ni Aela sa narinig.
Ako naman ay nag aalala dahil baka pag labas nila mamaya ay may makakita sa kanila, okay lang sa akin kung may makakita sakin basta hindi lang malalaman ng mga Sandoval na may anak ako kay Sammie.
Mukhang napansin ni Yiren ang katahimikan ko, nabasa niya na rin ata ang iniisip ko kaya bumuntong hininga siya sakin.
"Don't worry babe, sisiguraduhin kong walang makakakita samin, and if they do, I won't tell them she's your daughter naman eh." ngumiti nalang ako sa kanya at tumango.
"You're going to the mall with tata today! Are you excited?" baling niya kay Aela, masaya itong tumango-tango ng sobrang bilis. Ngising-ngisi at halatang excited.
"Is there a pony I can ride at the mall, tata?" kumurap kurap pa si Aela nang itanong ito. Napangiwi naman si Yiren at parang dismayadong sumulyap sa akin. Nag kibit balikat lang ako sa kanya. Mabuti nalang pumunta ako rito para siya naman ang kulitin ni Aela.
At dahil nga may date nga raw ako ngayon sabi ni Yiren. Nag dadalawang isip pa ako kung talagang sisipot ako dahil nag aalala talaga ako na baka may makakita sakin o kaya kay Aela, pero mukhang nakapag desisyon na sila Yiren na ipapasyal niya nga ang anak ko sa mall, mas hindi kasi pwedeng kaming tatlo ang magkasama.
Nag suot lang ako ng pulang bodycon dress, nag lagay lang din ako ng kaunting make up, medyo mahaba na rin ang buhok ko ngayon kumpara noon, hinayaan ko lang na nakalugay ito.
Dahil nga pariho naman kaming may lakad, hinatid na ako ni Yiren sa kung saang restaurant kami mag kikita nong lalaking sinasabi niya. Sila naman ni Aela ay dumeretso na sa mall.
Pag pasok ko nga ay agad na may lumapit na waiter para igiya ako sa isang mesang naka reserved na ata, pagkalapit ko roon ay tumayo agad ang isang lalaki at ngumisi sakin.
"You must be Vira?" tanong nito sa akin, ngumiti nalang ako at tumango. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa kanya, halata sa itsura niya na mas matanda siya sakin ng ilang taon.
May kalakihan ang katawan at halatang nag gy-gym. Gwapo naman siya—sabi ni Yiren, pero kasi hindi ako mahilig sa mga lalaking masyadong manly kaya hindi ko alam kung magugustuhan ko ba ang isang to, sana lang masaya siyang kasama at baka mag walk-out ako!
Nakangiti akong tumango. Nag lahad naman siya ng kamay.
"I'm Eric." pakilala niya, tinanggap ko naman iyon.
"Nice to meet you."

BINABASA MO ANG
A Feeling I Couldn't Resist (Vexed Men Series #5)
RomanceLyssam "Sammie" Sandoval, a gay man, never imagined that a single night with his friend, Alvira Silvas, would change everything. Habang nilalabanan ang kalituhan sa kanyang kasarian, nahihirapan siyang harapin ang sitwasyon kaya naman iniwan siya n...