Chapter 8

3.3K 190 199
                                        

Type

"Si Primo na raw pala sasagot ng lahat. Nanalo yata sa tournament kagabi," sabi ko habang nagbibihis sa harap ng screen ng phone ko.

Tuloy ang plano namin na pumunta sa club kung saan mag-iinuman din si Haru at ang mga kaibigan niya. Sa sobrang clingy ng mga gago, gusto pang naka-Google Meet habang nagbibihis. Muntik pa ngang mapagkasunduan na magterno kami ng damit, ngunit agad na umangal si Primo dahil sobrang korni raw.

"Totoo ba, Imo? Nagstream kayo? Hindi ko napanood," si Ives na nakaharap sa salamin sa banyo niya habang naga-ahit ng balbas at tanging tuwalya sa ibaba lamang ang suot. Pasiklab na naman si tropa.

"Sayang. Hinihintay ko pa namang matalo," ani Sanjo habang inaayos ang kanyang buhok na naka-modern mullet.

Angas talaga ng gupit niya. Hindi kasi iyon sobrang iksi, at may ilang hiblang bumabagsak pa rin sa noo niya. Naalala ko pa ngang muntik na rin akong magpagupit nang ganoon dahil nainggit ako. He looked like one of those bad boys in movies.

"Pre, tingin mo ba bagay din sa akin ang gan'yang gupit?" tanong ko bigla.

Tumingin siya sa camera saka tumango. "Bakit? Angas ko ba?"

I scoffed and answered, my voice dripping with sarcasm. "Oo, angas."

Napangiwi rin sila Primo sa narinig. Walang nagsalita, ngunit sunod-sunod ang pag-angat nila ng gitnang daliri sa screen bilang sagot din kay Sanjo na natatawa na lang sa kahanginan niya.

"Kailan ka papagupit?" Sanjo asked, ignoring our friends' middle fingers displayed on the screen.

Natawa ako. "Bakit, gusto mo bang magtwin tayo?"

He shrugged. "Baka lang gusto mo rin gumwapo."

Sinamaan ko siya ng tingin. Tangina talaga nito. Kuhang-kuha ang inis ko, eh. Masama pang pinupuri dahil lumalaki ang ulo!

Sumabog ang tawanan ng mga kaibigan namin dahil doon. Maging si Hayes na naliligo sa ilalim ng shower, napasilip bigla sa phone kahit basa ng tubig para lang murahin si Sanjo sa kalokohan niya.

Pero tingin ko naman ay hindi rin iyon babagay sa akin. Pang good boy ang facial features ko, eh. Parang iyong sinasabi nilang tall, dark, and handsome. Lahat iyon ay check sa akin. Complete package kung tatawagin.

"Parang sinabi niyang pangit ka sa gupit mo?" panggagatong ni Silas.

"Mas pangit gupit ni Primo. Pang-betlog," pangdadamay ko naman sa singkit na kumakain ng cereals sa kusina.

"Tangina mo, sige. KKB tayong lahat, bitch," maangas na pagbabanta niya.

Humagalpak kami ng tawa—maliban sa isa. Loading na naman, mukhang hindi na naman nagets.

"KKB?" tanong ng lutang na si Ives.

"Kanya-Kanyang Baby," sagot ko.

Bumagsak ang balikat ni Ives. "At doon ako nalungkot..."

Tumingin si Sanjo sa camera, bahagyang nagsalubong ang kilay. "Akala ko Kanya-Kanyang Baon."

Hayes, who was now massaging his hair, appeared on the camera once again, a smirk playing on his lips. "Real. Paanong baon ba? Smooth? Hard? Rough?"

"Tanginang 'yan, heto na naman..." naiiling na sambit ni Primo. Napa-turn off tuloy ng camera, na siya namang ginaya rin namin.

Lalong bumakas ang pagtataka sa mukha ni Ives. Ngunit dahil sunod-sunod ang pagturn off namin ng camera, nakigaya na lang din siya.

"Anong baon ba 'yan?" tanong ko kahit natatawa na rin.

Nagkibit si Hayes na para bang wala lang sa kanya kahit siya ang maiwang nakabukas ang camera. Gusto niya 'yan, eh. Papansin kasi siya.

In Between Seasons (Sweater Weather Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon