Chapter 23

8K 404 67
                                        


Alvira

"Mommy! Mommy! Does the Philippines have lots of unicorns and ponies?!" natatawa kong binalingan si Aela habang nag iimpake, nakapalumbaba pa siya sa harap ko na parang excited na excited sa magiging sagot ko.

"Yes, baby, I know someone. He's probably hiding behind a rainbow in the Philippines." ang tinutukoy ko ay ang ama niya. Kita kong nanlaki naman ang mga mata niya sa sobrang tuwa.

"And there are so many rainbows too?!" tanong nanaman niya na agad ko nalang tinanguhan, nag tatalon naman siya sa saya. Tumayo na ako at hinila palabas ang maleta, agad ko rin siyang hinawakan.

Three years na ang nakalipas, mag three years old na rin si Aela... kinakailangan nga naming pumunta ng pinas ngayon dahil graduation nila Yiren kahapon. Nag tampo pa siya sakin na hindi ako nakapunta sa mismong araw na iyon pero sinisiguro ko namang pupuntahan ko siya kinabukasan.

Nakakalungkot din isipin na hindi ako makakasabay sa graduation nila. Nag patuloy parin naman ako sa pag aaral ko sa canada, nag ho-homeschool lang ako para mabantayan ko rin si Aela. Mas gusto ko kasi na ako parin ang nag aalaga sa kanya kahit nandoon naman si Tita Isabella. May isang semester pa akong dapat tapusin kaya hindi pa ako makakagraduate sa taon na 'to.

Uuwi rin ako para kay Yiren dahil iyon ang gusto niya. Nag dadalawang isip pa ako nun dahil baka mag kita kami ni Sammie pero sinisiguro naman daw ni Yiren na hindi iyon mangyayari. Gusto ko na rin umuwi dahil sobrang boring ang buhay namin sa Canada. Excited din si Yiren na makita ulit si Aela.

"Omg! Omg! The unicorn fairy is here na!" agad na bungad sa amin ni Yiren nang makarating kami sa condo niya. Mahilig nga kasi sa unicorns and rainbows si Aela kaya naman binigyan tuloy siya ng ganung nickname ng bakla niyang tita.

"Tata!" Agad din siyang niyakap ni Aela.

Pagod akong naupo sa sofa ni Yiren. Wala naman masyadong nag bago sa condo niya, naiba lang ang kulay ng sofa, nag iba ang appliances pero ang mismong kabouhan ay wala namang nagagalaw. Nakakamiss... nakakamiss tumambay dito.

"Napagod ka ba? Bakit di mo kasi agad sinabi! Nasundo sana kita sa airport." agad na sabi ni Yiren pero ngumiti lang ako sa kanya at umiling.

"Mommy! Are we in the Philippines? Where are the unicorns and rainbows?" nag tataka at busangot na tanong sa akin ni Aela, bago pa siya makalapit sa akin ay lumuhod na si Yiren para pantayan siya.

"Ah, you want unicorn and rainbow? Wait!" mabilis siyang tumakbo sa kung saan, kunot noo ko lang siyang tiningnan.

Hindi nag tagal nakabalik na rin naman agad ang gaga. Napapikit nalang ako ng mariin nang makita kong inabot niya ang rainbow colored na Alpaca plushie na regalo sa kanya ni Sammie noong birthday niya.

"Unicorn ba 'yan?!" hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis eh. Mukhang nagustuhan naman iyon ni Aela at masaya nga itong tinanggap.

"Not really, but it's rainbow-colored, so pwede na 'yan. What do you want to eat? I'll cook." tanong sa akin ni Yiren at nag lakad na papuntang kusina.

"Pancakes!" masayang sagot ni Aela kahit hindi naman siya ang tinatanong. Nag patuloy lang din siya agad sa pag kilatis sa bago niyang laruan na Alpaca. Gustong gusto niya ang mga makukulay kaya kahit hindi iyon unicorn... ayos na rin sa kanya.

"Ang hilig sumabat, kay Sammie nga 'yan." nakangiwing sabi ni Yiren na agad ko nalang ikinatawa. "Anong sayo babe?" tanong niya pa.

"Kahit ano nalang."

Nakatitig lang ako sa nag lalarong si Aela. Habang lumalaki siya ay mas lalo niya lang na nakikita ko si Sammie sa kanya. Sobrang puti ng balat, light brown ang wavy niyang buhok na ngayon ay naka pigtail. Ang mga mata niya, ang pagka maarte at pabebe niya ay kuhang-kuha niya kay Sammie.

"Mommy... is this really a unicorn? It has a funny face." naguguluhang sabi ni Aela, parang naiiyak na siya. Tumakbo pa siya palapit sakin para ipakita ang mukha ng alpaca. Nakakaasar nga naman kasi ang mukha nun.

Kita kong pigil na pigil din si Yiren na matawa. Tumikhim nalang ako.

"Yep, that's a secret unicorn in alpaca form, just taking a day off from magic." nakangisi kong sabi.

"Yes! A unicorn in disguise!" singit pa ni Yiren.

Namangha naman si Aela at mukhang naniwalang kakaiba nga ang unicorn na iyon dahil nag transform pa ata. Masaya naman na siya ulit kaya nag laro nalang siya sa tabi ko.

"Would you tell Sammie na may unicorn fairy na siya?" napailing nalang ako sa sinabi ni Yiren.

Hindi ko parin sasabihin kay Sammie. Hindi ko parin nakalimutan ang sinabi niyang ipalaglag ko iyon. Kung ginawa ko 'yong gusto niya ay baka hindi ko nakikita ngayon ang pinaka-cute na bata sa buong mundo.

Kahit hindi naging madali ang pag bubuntis ko kay Aela, hindi naman ako nagsisisi, never akong nagsisi at never pumasok sa isip ko na ipalaglag siya. Kahit kasi hindi malaki ang baby bump ko noon kahit nong nanganak na ako, may mga panahon parin kasi talaga na sumasakit ang tiyan ko at madalas akong pagod at inaantok.

Simula rin nong nanganak ako ay napapadalas ang pag bisita ni Yiren sa akin, lalong lalo na tuwing sembreak nila. Siya ang laging pumapasyal kay Aela kaya kilalang-kilala na siya nito.

"Mommy, when will I be big enough to ride a pony?" tanong nanaman ni Aela. Bumaling ako sa kanya at kita kong hinahaplos niya lang ang mabalahibong katawan nong laruang alpaca.

"Maybe when you're ten." nakangisi kong sabi. Kumurap kurap naman siya sakin at mabilis na lumapit para mas maharap ako.

"I'm going to be ten right now! Or maybe tomorrow? Mommy, can I get a pony, please?" pinagdikit niya pa ang dalawang palad at nag puppy eyes sa akin habang nakanguso. Hindi ko na maiwasan ang matawa. Mukhang nakikinig lang din sa amin si Yiren kaya narinig ko siyang humalakhak sa kusina.

"Mga desisyon talaga ang lahi ni Sammie." rinig kong hirit niya pa sa kalagitnaan ng halakhak niya. Napailing nalang ako.

"Baby that's not how it works, you're just three." pinipigilan ko lang ang matawa. Mas lalo lang bumusangot si Aela. Parang naiiyak niyang tinitigan ang hawak na plushie.

"But mommy... three is too little. Ten sounds so much fun, let me be ten!" naiiyak na sabi niya agad ko siyang binuhat at pinaupo sa hita ko.

"You'll be ten soon, Aela, but for now, let's enjoy being three!" masayang sabi ko na ikinanguso niya lang lalo, hindi parin siya masaya. Pinunasan ko nalang ang tumulong luha niya.

"Here, eat your pancakes, so soon you'll be big enough to be ten." agad na sabi ni Yiren nang makalapit na siya samin, dala dala niya ang pancake na gusto ni Aela. Mukhang nagustuhan niya naman kaya agad ko siyang binaba dahil nasa pancake na ang atensyon niya.

"Thank you, babe." nakangiting sabi ko sa kanya.

"Kumain na rin tayo, at mag pahinga ka muna." tumango ako agad sa sinabi niya.

Akmang tatayo na ako nang bigla kaming matigilan dahil tumunog ang door bell. Nanlaki agad ang mga mata namin ni Yiren. Para siyang natataranta kaya mukhang alam ko na kung sino ang dadating. Binuksan niya ang pinto ng kwarto niya kaya agad ko nalang binuhat si Aela papasok doon, dala rin ang pancake niya.

"What happened mommy?" takang tanong niya. Sinara ko na agad ang pinto nang makapasok kami sa kwarto ni Yiren.

"Nothing baby, I'm just tired... I want to sleep so don't make any noise, okay?" pabulong na sabi ko sa kanya, tumango naman siya sakin at masayang nag patuloy lang sa pagkain ng pancake niya.

Napaupo ako sa kama, sobrang lakas ng tibok ng puso ko lalo na nang marinig ko na ang mga boses sa labas.

A Feeling I Couldn't Resist (Vexed Men Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon