"GREG!"
Hindi ko na alam kung ilang beses ko na syang nahampas simula ng mag umpisa ang karera. Paano ba naman ang sabi nila friendly race lang, friendly race pa ba 'to eh nag babanggaan na sila?
"Easy ka lang dyan boss. Friendly game lang talaga 'to." Kanina pa natatawa sakin sila MM.
"Palit tayo, Saint." Hinila sya ni Greg patabi sakin. "Masakit na katawan ko kakahampas ni bossing."
Hindi ko naman na sila pinagtuunan ng pansin at binalik ang tingin sa race. They're doing motor racing, big bikes. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko ng namura yung mga kumag na kaklase kong nasa loob ng track. Wala ba talagang pangarap sa buhay 'tong mga 'to? Ganito ba talaga ang friendly race nila may halong banggaan? Pisikalan?
Natapos ang race na ang nanalo ay si August pumangalawa naman si T. Itong mga sugarol na katabi ko nag pustahan pala ayon nag kukuhanan na ng panalo. Sumasakit ang ulo ko sa mga damuho na 'to. Nang makita kong nasa baba na yung mga kumag na gusto na atang mamatay ay nilapitan ko na sila.
"Hey, Astra. How's our race?" Malaki ang ngiti na salubong ni August sakin. "Ouch! Hey wh-"
Dahil sya ang pinaka malapit sya ang una kong hinampas ng malakas, sumunod yung kambal.
Hahampasin ko sana yung katabi nila kaso hindi ko kilala. "Hindi ikaw. Hindi kita kilala."
"Aray!" Daing ni Brett.
Iiwas pa sana si Isaiah kaso hinablot ko sya agad. "Masakit, Astra!" Sya ang bukod tangi na kinurot ko.
"Hindi ka rin kasali." Nilagpasan ko pa yung isa nilang kaibigan.
"Wag mo subukan humakbang Trevor." Banta ko sa kanya na balak akong iwasan.
"Aray ko! Bakit ang dami ng akin?" Naka ilang hampas din kasi ako sa kanya.
"Wala kang pakialam.. yun ang depinisyon nyo ng friendly game? Pano kung may naaksidente sa inyo?" Para akong nanay nila na sinesermunan sila.
Natatawa naman lumapit sakin si Hayden at inakbayan ako. "Friendly game lang talaga yon, Astra. Mga kaibigan nga pala namin. Apollo..." Turo nya sa katabi ni August.
Maputi sya na kasing tangkad din nila. Singkit ang mata, mukang may lahi rin. Sumaludo sya sakin kaya tumango na rin ako.
"....and this is Emmanuel, Emman for short." Pakilala naman nya sa katabi ni T. Moreno naman 'to at kasing katawan ni T. Pilipinong Pilipino naman ang dating nito kumpara sa nauna kanina.
Tulad sa nauna tinanguan ko lang sya kasi tumango lang din naman sya sakin. Mas friendly yung nauna sa tingin ko.
Nag yaya pa sila ng isang game na sinang ayunan ng mga sugarol ko na kasama. More games, more money daw. Wala na akong nagawa kaya bumalik na lang ako sa upuan ko at pinanood sila ulit. Ngayon ang nanalo naman ay si Emman, pumangalawa si Kayden. Halos lahat naman sila magagaling talaga, gamay nila ang track kaya wala namang nasemplang kahit may mga ilang beses silang nag bubungguan.
"Olats! Sana nandito si Pres. Pag nagkataon sure win ako non." Akala mo pinag bagsakan ng langit at lupang sabi ni Saint.
Inakbayan ako ni Aiden habang pababa kami sa track. "Oo boss. Pag nakita mo mag karera si Pres, maiinlove ka lalo don."
"Sya ang laging panalo pag nakikipag karera sya. Pag wala sya asahan mo iba iba ang nananalo." ani Greg sa likuran.
I hope Elijah's here. I want to see him race too. Hindi naman sa hindi ako masaya, natutuwa o nag eenjoy kasama itong mga kumag. Nag eenjoy naman ako, masaya naman pero syempre iba pa rin pag nandito yung isang taong nakasanayan kong kasama at katabi lagi.
