Chapter 21

8.9K 462 183
                                        


Alvira

"He believes I didn't know where you went. Pero babe... may mga araw talagang pinipilit niya parin talaga akong umamin. I'm still a bit upset with you too dahil iniwan mo rin ako bigla." busangot na sabi ni Yiren. Nag vivideo call kami ngayon.

"Sorry na nga, babawi nalang ako sayo sa susunod. Huwag ka na mag tampo sakin, maawa ka naman sa baby ko." pangungunsensya ko sa kanya para tumahimik na siya. Umirap lang siya sakin kaya natawa na ako.

Nong makarating ako sa Canada ay agad ko siyang tinawagan para sabihing umalis na nga ako, iyak siya ng iyak. Kung nasa harap niya lang ako nun ay baka sinabunutan na niya ako. Naawa ako at naguguilty pero tingin ko ay tama naman ang naging desisyon ko. Sinabi ko rin sa kanya na huwag na ipaalam kay Sammie ang tungkol dito.

"Let me see the baby bump please! I'm so excited babe!" biglang nag iba nanaman ang mood ng bakla. Nakangisi akong humarap sa full length mirror at pinakita sa kanya.

"Ano ba 'yan! Saan mo ba nilagay ang bata? Sa pwet?!" natawa nalang ako sa sinabi niya.

Ilang buwan na nga ang lumipas at malapit na akong manganak. Hanggang ngayon ay hindi parin talaga halatang buntis ako. May umbok ng kaunti pero mukha lang akong busog! Kung hindi ko sinabi kina Daddy ay pati sila di nila malalaman, kung di rin ako sinasamahan ng step mother kong bumisita sa OB ko ay baka hindi sila maniniwalang totoong buntis ako.

Hindi ko alam kung anong maramdaman ko na ganito ang pag bubuntis ko... masaya ako dahil nagagawa ko parin ang mga bagay na walang ka hirap hirap, walang sagabal, at nasusuot ko rin ang mga damit na gusto ko dahil wala ngang nag bago masyado sa katawan ko.

Pero may parte rin sa akin ang nalukungkot dahil hindi ko man lang masyadong naramdaman na ina ako, parang minsan nakakalimutan ko pang may bata sa sinapupunan ko, para akong pinag-kaitan na maramdaman ang totoong pakiramdam na nag bubuntis. May nararamdaman akong gumagalaw sa ilalim pero hindi iyon tulad ng iba na makikita talagang parang may sumisipa... pero kahit ganun, excited na akong makita si Baby!

"Babe... hiwalay na nga pala si Sammie and Rance." natigilan naman ako sa sinabi niya. Nag hiwalay sila? Bakit?! Sinabi niya ba? Bakit niya pa sinabi? Hindi nga siya naniniwalang kanya!

"Bakit?"

"Nalaman ni Rance..." hindi na ako nakaimik. Alam naming dalawa ni Yiren kung gaano kagusto ni Sammie si Rance kaya nakakalungkot isipin na ganun ang nangyari. Nasasaktan din ako para kay Sammie.

Pariho kaming natahimik ni Yiren ng ilang segundo bago siya nag salita ulit.

"So, nakapag isip ka na ba ng name ni baby girl?" tanong nanaman niya. Dahan dahan akong tumango.

"Yup. I'm gonna name her Aela, kasi ang cute pakinggan."

"Omg! Gusto ko 'yan! Super cute, excited na akong makita siya, excited na akong matawag na mommy-ta!" tumitiling sabi niya, agad akong napangiwi.

"Papito ka, baliw." pang aasar ko sa kanya na agad niyang ikinatahimik. Natawa lang ako lalo nang umirap siya.

Parang nakaramdam ako agad ng lungkot. Kung hindi lang siguro ganun ang nangyari, kung hindi lang siguro si Sammie... siguro ang sayang makita na parihong nag kukulitan si Yiren at Sammie sa harap ko ngayon.

Mahilig si Sammie sa mga bata, noon paman ay bukambibig na nila ni Yiren na excited silang dalawa na dumating ang araw na mag kakaanak ako dahil paniguradong pag aagawan nila. Pero sa sitwasyon namin ngayon mukhang malabo iyon. Sa sinabi rin ni Sammie sakin bago ko naisipang umalis... dismayadong dismayado ako sa kanya.

"Pag nanganak ka, pupunta talaga ako agad diyan!" sabi ni Yiren. Ngumiti lang ako sa kanya at mabilis na tumango.

Natapos lang din naman agad ang usapan naming dalawa dahil gusto ko nang mag pahinga.

Mabuti nalang at hindi nakakastress ang buhay ko rito, napapadalas din kasi ang pag sakit ng tiyan ko. Laking pasasalamat ko rin na mabait naman ang step mother ko kaya payapa ang pag tira ko rito.

Hindi sila nagka-anak ni Daddy kaya noon ay kinukulit nila akong pumunta rito dahil gustong gusto nga raw ni Tita Isabelle na magkaroon ng anak. Pero dahil sa galit ko noon kay Dad na humanap agad siya ng iba pagkamatay ni Mommy, hindi ako pumayag na dalhin nila ako rito.

Lumipas lang ang ilang araw na wala na akong ibang ginawa kundi tumambay lang sa loob ng bahay, pwedeng pwede naman akong lumabas at mamasyal dahil hindi naman ako mahihirapan dahil nga hindi naman malaki ang tiyan ko pero mas pinipili ko paring manatili nalang sa loob dahil lagi akong inaantok.

"I'm so happy right now!" nakangiti kong sinulyapan si Tita Isabelle na naiiyak na kinakarga si baby Aela. Lumapit naman si Daddy sa kanya, nakangiting tinitigan ang anak ko.

Dalawang araw na ang nakalipas simula nong manganak ako, nag papahinga lang ako sa kwarto ko at simula nong manganak ako ay isang beses ko palang atang na karga si Baby dahil pinag papasahan lang sila nila Tita Isabelle.

Naiintindihan ko rin naman sila, lalong lalo na si Tita. Matagal na niyang pinangarap na magkaroon ng anak pero sadyang hindi sila nabiyayaan nun. Nong manganak nga ako ay siya ang pinaka unang umiyak sa sobrang tuwa.

Dahan dahan akong bumangon, simulyap naman si Tita sa akin at nahihiyang ngumiti, dahan dahan niyang inabot sa akin ang baby ko. Nakangiti kong tinitigan si baby Aela.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, tuwa, lungkot, inis, inggit—dahil kahit saang parte ako titingin wala talaga akong makitang nakuha niya sa akin. Kahit mukha pa siyang potato ngayon ay nahahala paring kamukha niya si Sammie.

Itim na itim ang straight kong buhok, ang baby ko ay may light brown na wavy hair, ganun na ganun kay Sammie. Mas maputi rin si Sammie sakin at ganun na ganun din ang pinkish na balat ni baby Aela. Gusto kong maiyak dahil sakin naman dapat siya mag mamana eh!

Iniwan muna ako nila Tita dito sa kwarto ko kasama si baby Aela na mahimbing ang tulog. Hindi ko kayang alisin ang mga mata ko sa kanya. Napapangiti ako tuwing gumagalaw ang maliit niyang labi.

Agad akong napaangat ng tingin ng may biglang kumatok sa kwarto ko, kasabay nun ay ang pag bukas nito.

"Alvira, someone's looking for you." nakangiting sabi ni Tita, agad na sumilip si Yiren sa pinto. Sabay pang nanlaki ang mga mata naming dalawa. Pumasok siya sa loob at umalis na rin si Tita.

Nanlaki lang ang mga mata niya, nakatakip sa bibig ang dalawang palad habang nakatitig lang sa batang hawak ko. Nginisihan ko agad siya.

"Ang cute no? Wala ka niyan..." pag mamayabang ko. Kita kong pigil na pigil lang siyang tumili, nag tatalon pa siya at pulang pula na ang mukha. Alam kong gusto na niyang sumigaw pero natatakot lang siyang magising si baby.

"Omg, babe! Naiiyak ako." agad siyang lumapit sa akin at mas tinitigan pa ang baby ko.

"I'm gonna cry..." Sabi niya pa kahit umiiyak na talaga siya. Mahina niya pang hinampas ang hita ko nang lumuhod siya sa harap ko para mas mapantayan akong nakaupo lang sa kama.

"Huwag ka ngang magulo, baka magising siya." sita ko sa kanya dahil sobrang likod niya.

"She's so cute! She's so... so Sammie-coded." hindi ko alam kung dismayado ba siya o ano pero titig na titig parin siya sa baby ko.

"Pero dahil maganda siya, alam kong sakin siya nag mana!" sabi niya pa. Agad akong mahinang natawa.

"May ambag ka ba nong ginawa to?" tumaas pa ang kilay ko na agad niyang ikinangiwi.

A Feeling I Couldn't Resist (Vexed Men Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon