Lyssam"My apo... he's so handsome." si Mama.
"What's his name again? Lev...Lev—" si Papa.
"Levi, pa." si kuya.
Tulala lang ako habang silang lahat ay abala at excited sa kakalabas lang na pamangkin ko. Kung hindi lang ganito ang nangyari sakin ay baka ako pa ang unang kumarga kay baby Levi, pero hindi ko magawa dahil ang daming bumabagabag sa utak ko.
Hindi naman nila napapansin na ganito ako ngayon dahil simula nang makarating kami ng hospital ay hindi na naalis ang atensyon nila sa baby. Iyon nga lang, pagkatapos manganak ni ate Donna, ang unang lumabas sa bibig niya ay...
"Sammie! Totoo bang nabuntis mo si Vira?!"
Ang pag sigaw niya nun ay naging dahilan para maagaw ko kay Baby Levi ang spotlight. Lahat ng ulo at mga mata ay nasa akin na tuloy! Parang gusto ko nalang tumakbo at umiyak.
Kita ko pa ang pag nganga ni Mama, ang paninigas ni Papa, at ang pag kunot ng noo ni kuya Larry.
"Ano?!" mabilis na binalik ni Mama ang baby kay Ate Donna. Nanlalaki ang mga mata niyang lumapit agad sa akin. Si Mama ay sobrang hinhin, kalmado, strikta... pero ngayon ay mukhang nawala ang poise niya dahil sa narinig.
"Sammie, totoo? You got Vira pregnant?!"
"Diba you're gay?" takang tanong naman sa akin ni kuya. Hindi ako sumagot, yumuko lang ako dahil hindi ko alam ang sasabihin.
Ako ba talaga nakabuntis sa kanya? Alam kong parang ang sama ko na na pagdududahan siya pero sino ba kasing hindi mag dududa? Araw-araw kaming magkasama ni Vira, sa apat na buwan, wala talagang kapansin kapansing buntis siya tapos isang araw nalang susulpot siya sa harap ko para sabihing...
Ako ang ama ng dinadala niyang... mukhang wala naman?!
Naguguluhan na talaga ako, pakiramdam ko mababaliw na ako.
"Answer, Sammie!" rinig ko namang sigaw ni Papa. Nag angat nalang ako ng tingin sa kanila at nag buntong hinila. Silang apat ay sa akin na nakatingin mukhang nag hihintay sa magiging sagot ko.
"I'm not sure..." Iyon lang ang sinabi ko, kita kong napahawak sa ulo si Mama. Si Papa naman ay napailing nalang. Si kuya ay kunot noo paring nakatitig sa akin, hindi makapaniwala.
"Narinig ko rin na sinabi ni Yiren na mukhang wala kang balak panagutan si Vira—"
"What?!" bumaling nanaman ulit si Mama sakin.
"Aba, gago! Hindi ko alam paano nangyari ito Sammie dahil bakla ka naman, pero hindi porket bakla ka tatakasan mo na ang ganitong responsibilidad!" galit na sigaw ni kuya. Nakagat ko nalang ang labi ko.
Naiiyak na ako. Nanginginig na rin ako sa kaba.
"Talk to Vira, Sammie. We need to settle this down." seryosong sabi ni Papa. Hindi ako sumagot.
Pagkatapos nang mangyari sa coffee shop, pagkatapos ko iyong sabihin kay Vira, pakiramdam ko ayaw na niya akong kausapin o harapin ulit. Nakakahiya rin ang mga sinabi ko. Maging ako ay hindi matanggap sa sarili na lumabas iyon sa bibig ko.
Paano ko nasabi 'yon? Tangina ko naman.
"Alam na ba ni Rance ang tungkol diyan?" tanong naman ni Kuya.
Gulat ko siyang nilingon, doon ko lang din naalala ang tungkol kay Rance! Mas lalo lang akong nakaramdam ng takot at kaba. Sobrang perpekto na ng relasyon namin ni Rance. Mahal na mahal ko siya at ganun din siya sakin... hindi ko kakayanin kung masira kami.
Sobrang gulo ng sitwasyon ko ngayon at hindi ko alam alin ang uunahin, pero sigurado ako na hindi ako papayag na masisira kaming dalawa. Madadaan pa naman siguro ito sa masinsinang usapan!
Mabilis akong umiling at pigil na pigil na tumulo ang luha ko. Nanginginig lang ako lalo, isa pa sa kinakabahala ko ay ang baka mag sumbong ang bestfriend niyang si Alejandra... mas lalo lang gugulo ito kung manggagaling pa sa ibang tao.
"You need to tell him!" si Mama naman. Hindi lang ako sumagot.
"At mukhang nag cheat ka pa ata sa boyfriend mo, Sammie?!" di makapaniwalang tanong ni Papa. Nanghihina na ako, hindi ko alam kung anong sasabihin, macoconsider bang cheating iyon? Nangyari iyon bago maging kami ni Rance.
Dahan dahan akong umiling, hindi ko na rin napigilan ang mga luha kong tumulo.
"Hindi pa kami ni Rance nun."
"What do you mean?! Matagal nang buntis si Vira? Diba kakapunta niya lang sa bahay nong nakaraan—I remember, diba niregla siya that time?! Don't tell me spotting iyon?" gulat na tanong ni Mama.
"Possible, ma." sagot naman agad ni Ate Donna. Napapikit nalang ako.
"Ilang buwan na ba ang tiyan niya?" tanong nanaman sa akin ni Mama. Ilang segundo pa bago ako sumagot. Suminghap pa ako dahil parang mauubusan na ako ng hangin sa katawan, parang nakalimutan ko na paano huminga sa sobrang kaba.
"Four." sabay sabay silang napasinghap.
"Four months?! Pero nong nakaraang araw naka crop top siya wala man lang siyang tiyan?!" di makapaniwalang sabi ni Ate Donna.
Iyon na nga kasi ang iniisip ko. Hindi rin naman talaga ako pamilyar sa katawan ng babae kaya hindi ko maintindihan! Mga katawan ng lalaki lang ang pinag aaralan o sinusuri ko kaya pag usapang buntis ay wala akong alam pero hindi pa naman ako ganun ka tanga para hindi malaman na pag four months dapat may baby bump na.
Natahimik kaming lahat saglit. Siguro ay nag iisip din sila.
"Maybe she's having a cryptic pregnancy. When I was pregnant with Larry, I went through the same thing. Nalaman ko lang na buntis ako sa mismong araw na nanganak ako." nabasag ang katahimikan nang sabihin iyon ni Mama. Napatakip ako sa bibig ko sa gulat.
May ganun pala?!
Buntis na hindi halata?! May ganun? Possible ba 'yon?
Kita rin ang gulat sa mga mata ni Ate Donna at kuya Larry.
"Mabuti nalang pala na Vira found out she was pregnant na apat na buwan palang ang tiyan niya, delikado pa naman iyon. Cryptic pregnancies can be life-threatening." dagdag pa ni Mama.
Napatulala nalang ako. Buntis nga si Vira? Ako nga ang nakabuntis? So totoo ngang akin iyon? Pambihira! Agad kong nasabunutan ang sarili ko at mas naiyak lang ako. Sinabi ko pang... ipalaglag niya.
Sobrang naguguilty ako, naguguilty ako para sa bata at kay Vira na sinabihan kong ipalaglag, naguguilty din ako para kay Rance dahil hindi ko alam kung paano ko ito sasabihin na hindi niya.
Buong araw akong pinipilit ng pamilya ko na kausapin si Vira. Kaya naman buong gabi ko nang pinag isipan kung ano ang gagawin ko at kung paano ko siya kakausapin. Kinabukasan nga ay agad akong nag punta sa apartment niya, linggo naman kaya alam kong nasa apartment lang siya.
Pero ilang minuto na akong kumakatok ay wala paring nag bubukas ng pinto. May lakad ba siya? May date nanaman ba sila nong Sandro na 'yon?
At dahil wala nga atang tao sa apartment niya ay umalis nalang ako. Sa school ko nalang siya kakausapin.
Kaya nang pumasok ako sa room ay ang unang hinanap ng mga mata ko ay si Vira, pero wala siya, ang tanging nasa harap ko lang ay si Yiren na namumugto ang mga mata. Nang mag angat siya ng tingin sa akin ay tumulo agad ang luha niya at umigting ang panga.
"Where's Vir—" hindi ko na natapos ang sasabihin nang mabilis niya akong batuhin ng mga libro niya. Gulat ko lang siyang tiningnan. Mukhang wala rin siyang paki kung pinag titinginan na kami ng mga kaklase namin.
"Putangina ka. Ang kapal ng mukha mong hanapin siya!" madiin niyang sabi, kasabay nun ay ang pag tulo ng mga luha niya, nanlilisik ang mga mata niya sa galit.
"Vira's gone... I have no idea where she went, but she left! She left because isa kang gago!" gusto ko pa sanang mag tanong pero humagulhul na si Yiren, natulala nalang din ako.
Umalis si Vira?

BINABASA MO ANG
A Feeling I Couldn't Resist (Vexed Men Series #5)
RomanceLyssam "Sammie" Sandoval, a gay man, never imagined that a single night with his friend, Alvira Silvas, would change everything. Habang nilalabanan ang kalituhan sa kanyang kasarian, nahihirapan siyang harapin ang sitwasyon kaya naman iniwan siya n...