Lyssam"May date kayo ni Rance?" nakangiting tanong ni Ate Donna, hinahaplos haplos niya ang tiyan niya. Ilang araw nalang o baka sa linggong ito ay lalabas na ang pamangkin ko. I am so freaking excited!
"Pupunta lang po kami sa kanila." nakangiting sabi ko, tumango-tango naman siya.
Naupo muna ako sa sofa namin katapat ni Ate Donna dahil hindi pa dumating si Rance, susunduin niya kasi ako. Itetext ko na sana siya nang biglang mag ring ang phone ko. Kunot noo kong tinitigan ang pangalan ni Vira.
Anong kailangan niya? Sinagot ko nalang iyon.
"Yes, babe?" nakangiting bungad ko.
"Fuck you." mas lalo lang kumunot ang noo ko nang marinig ko iyon, tinignan ko pa ulit ang phone ko para masigurong si Vira nga ang tumawag.
"Yiren?" tanong ko dahil boses iyon ni Yiren. Rinig ko ang mabibigat na pag hinga sa kabilang linya. Parang nakaramdam tuloy ako ng kaba. Mukhang galit din kasi ang tono ng pagkakasabi niya nun.
"Kailangan nyong mag usap ni Vira. Mag sesend ako ng address. Sumipot ka—"
"May lakad ako ngayon, aalis nga kami ni Rance." agad na putol ko.
"Putanginamo, uunahin mo pa 'yan?! May kailangang sabihin si Vira sayo. I will fucking kill you Sammie pag hindi ka sumipot!" hindi ako agad nakapag salita dahil ramdam kong totoo talaga ang galit niya. Madalas kaming nag bibiro ng ganyan pero ngayon... alam kong seryoso siya.
Parang mas lalo lang akong kinabahan.
"Hinihintay ka niya. Don't be late." iyon lang ang huling sinabi niya bago ang end ang call.
"Ano nangyari?" tanong sa akin ni Ate Donna pero hindi ko na siya sinagot at nag mamadali nalang akong pumasok sa kotse ko.
Mabilis ko ring tinawagan si Rance na hindi ako makakasama sa alis namin. Nag tataka pa siya at marami pa sanang itatanong pero hindi ko na pinahaba pa ang tawag at dumeretso na nga sa coffee shop na sinabi ni Yiren.
Pag pasok ko ay nahagip naman siya agad ng mga mata ko. Dumeretso agad ako palapit sa kanya. Nang makalapit ako ay napansin kong parang lutang siya at namumugto ang mga mata.
"Are you okay, babe?" tanong ko sa kanya. Agad siyang nag angat ng tingin sa akin. Namumula ang mata niya na parang pinipigilan ang mga luha. Umupo ako agad sa tapat niya.
"What happened?" nag aalalang tanong ko. Nakatitig lang siya sakin na parang hindi alam ang sasabihin. Kita ko pa ang pag lunok niya ng laway.
"Anong probl—"
"Buntis ako." agad na putol niya.
Sobrang hina nun na halos pabulong na. Napaawang naman ang labi ko at dahan dahang napasandal sa upuan. Tinitigan ko lang siya ng ilang segundo. Ganun din siya sakin.
Buntis siya?
"Congrats... ang bilis naman ata ni Sandro?" umangat pa ang gilid ng labi ko dahil medyo nainis ako. Hindi ako makapaniwala. Sa pagkakaalam ko ay hindi pa naman sila, nabuntis niya agad si Vira?
Kita kong napapikit siya ng mariin, tumulo ang luha niya. Mukha siyang galit. Nag tiim bagang pa siya bago nag mulat ulit at deretso sa akin ang tingin.
"Ikaw ang ama." mas lalo lang napaawang ang labi ko nang sabihin niya iyon. Hindi ako agad nag salita. Palipat lipat sa magkabilang mga mata niya ang tingin ko, sinusuri kung nag bibiro lang ba siya.
Tinitigan ko ang kabouhan niya. Walang nag bago sa itsura niya. Apat na buwan na rin ang lumipas simula nang mangyari iyon sa amin kaya anong kahibangan ba ang sinasabi niya? Prank lang ba 'to?
"Sorry pero hindi ako natawa sa prank mo, Vira." naiiling na sabi ko. Kita kong nag tiim bagang ulit siya.
"Hindi ako nag bibiro. Buntis nga ako, Sammie." ulit nanaman niya. Ngayon ay tumutulo na ang mga luha niya. Hindi ako nakagalaw, nakatitig lang ako ulit sa kanya.
Totoong buntis siya? Pero kanino? Hindi ako maniniwalang akin. Paano ako maniniwalang akin 'yan eh four months na ang nakalipas! Parang watermelon na nga ang laki ng tiyan ni Ate Donna nong five months ang tiyan niya! Tapos sasabihin niyang four months pregnant siya eh sobrang flat ng tiyan niya.
Nag sisinungaling lang ba siya? Baka naman si Sandro... o ang iba niyang mga lalaki ang may kagagawan niyan at ipapasa niya sakin dahil hindi siya kayang panagutan?
Umiinit ang ulo ko.
"Hindi ko kayang panagutan 'yan, Vira... ipalaglag mo nalang." madiin na sabi ko.
Bakit ko papanagutan ang hindi naman akin?
Naiinis ako. Alam kong isang katangahan ang sinabi ko, at talagang hindi ko mapapatawad ang sarili kong sinabi ko iyon pero naiinis ako na ipapasa niya sakin ang kung ano mang kagagawan nila ng mga lalaki niya.
Kita kong napayuko lang siya at mas lalong lumakas ang pag iyak niya. Agad akong huminga ng malalim. Nasasaktan din akong makita siyang ganito pero mas nangingibabaw ang galit ko.
Bakit niya 'to ginagawa sakin? Nagsisinungaling lang ba siya? Alam niyang kami na ni Rance. Ito ang pinakaayaw kong mangyari. Kaya nga sinadya kong linisin lahat ng kalat ko noon bago ako pumasok sa isang relasyon dahil ayaw ko ng gulo... tapos ganito lang ang gagawin niya?
Guguluhin niya ako kung kailan sobrang payapa na ng relayson namin ni Rance? Sobrang perpekto na ng buhay ko.
"Aksidente lang ang nangyari. Ipalaglag mo. Ayaw kong masira kami ni Rance." wala sa sariling sabi ko habang nakatitig lang ako sa kanyang humihikbi sa harap ko. Gusto ko siyang yakapin pero naguguluhan ako sa nararamdaman ko ngayon.
Nag hahalo ang pagtataka, inis, at awa. Hindi ko na alam, hindi ko magalaw ang katawan ko. Nag angat siya ulit sa akin ng tingin, ngayon ay galit na ang mukha niya.
"Gago ka ba? Paano ko ito ipapalaglag?! Apat na buwan na 'to!" madiin na sabi niya.
Pilinipilit niya talagang akin 'yan?! Paano naman nangyari 'yon?! Gusto ko pang mag tanong sa kanya pero mas nangingibabaw ang galit ko. Nilalamon na ako ng galit. Hindi ako mabilis magalit, pero hindi ko maintindihan bakit niya ito ginagawa sakin.
"Hanapan mo nalang ng paraan—" nabitin ang sasabihin ko nang makatanggap ako ng napakalakas na sampal galing sa kanya. Natulala nalang ako sa gulat at sakit. Agad na rin siyang umalis.
Pakiramdam ko sasabog na ang ulo ko. Gulong-gulo na ako. Hindi ko na maintindihan ang mga nangyayari. Dumagdag pa na narinig ng bestfriend ni Rance ang usapan namin ni Vira. Hindi ko na mapigilan ang maiyak sa kotse ko.
Ano ang una kong gagawin? Sino ang paniniwalaan ko? Ano bang kasalanan ko sa mundo para gawin 'to sakin?! Paniniwalaan ko ba si Vira? Pero paano nga iyon?! Paanong nangyaring akin 'yon?! Four months?!
"Shit!" mura ko nalang, hinampas ko pa ang manobela. Hindi ko na mapigilan ang luha ko, patuloy lang ito sa pag tulo hanggang sa makarating ako ng bahay. Nakasalubong ko pa si Ate Donna sa living room pero derederetso akong nag lakad.
Akmang aakyat na ako ng hagdan nang may marinig akong boses.
"Isa kang malaking puta, Sammie!" gulat kong nilingon si Yiren, halata sa mukha niya na kakagaling niya lang sa pag iyak. Nag mamadali siyang lumapit sa akin at mabilis akong sinampal. Napapikit nalang ako.
Alam niya na rin?
"Hoy! Anong nangyayari bakit kayo nag aaway?!" rinig kong tanong ni Ate Donna pero hindi namin siya pinapansin.
"Yir—"
"Gago ka! Wala kang kwenta! You're a fucking coward! You got Vira pregnant, and now you're just gonna pretend like it's not your problem?! This is your mess to fix!" galit na galit na sigaw niya sakin. Hindi ako nakagalaw, natutulala lang ako.
"Ano?! Oh my gosh! Ano?! Nabuntis mo si—ah shit! My water broke! Help! Manganganak na ata ako!"
Pareho kaming napabaling ni Yiren nang biglang magsisigaw sa sakit si Ate Donna. Mabilis din na tumakbo palapit ang mga katulong. Rinig ko rin ang natatarantang pababa ng hagdan na si Mama.

BINABASA MO ANG
A Feeling I Couldn't Resist (Vexed Men Series #5)
RomanceLyssam "Sammie" Sandoval, a gay man, never imagined that a single night with his friend, Alvira Silvas, would change everything. Habang nilalabanan ang kalituhan sa kanyang kasarian, nahihirapan siyang harapin ang sitwasyon kaya naman iniwan siya n...