Alvira"Oh, I think this suits me." nakangising sabi ni Yiren, tinaas niya pa sa akin ang isang napaka colorful at sparkly na jacket. Hindi ko alam kung tatango ba ako o magiging honest. Ang sakit kasi nun sa mata.
"Maganda naman basta huwag mo lang susuotin 'yan pag kasama ako." agad naman siyang humalakhak sa sinabi ko.
Nandito kami ngayon sa mall, dahil nga na miss namin ang isa't isa kahit palagi naman kaming magkasama sa room. Pero ngayon lang kasi kami ulit nag bonding ng ganito, medyo nakakatampo nga dahil hindi nakakasama si Sammie.
"It's like a disco ball, but make it fashion." natatawa niyang sabi, napailing nalang ako.
Namimili nalang din ako ng mga magagandang dresses. Hindi iyong pang bar dahil hindi naman na ako masyadong nag ba-bar simula nong si Sandro na ang lagi kong kasama.
Hindi ko naman siya jowa pero mukhang pariho naming gusto ay date date lang, nakakaaliw din naman siyang kasama kaya ayos na rin iyon. Nasisigurado ko rin na wala naman siyang girlfriend. Alam niya rin na wala pa akong planong mag boyfriend.
"Omg! This is perfect, I love this so much... it says 'fuck off girls!'" basa niya sa nakatatak sa isang pink hoodie. Agad akong natawa at hinampas siya.
"Ganun ka na ka woman-hater para suotin 'yan?" di makapaniwang sabi ko, nakanguso siyang tumango at mukhang plano niya talagang bilhin iyon.
"Yes dahil mukhang sobrang out of hand na talaga ang mga babaeng nagkakagusto sakin, like ew." nakangiwi niyang sabi.
Marami rin naman kasi talaga akong napapansing may gusto kag Yiren. Mapababae o lalaki ay nagkakagusto sa kanya, lalong-lalo na sa school. Medyo sikat din kasi siya roon lalo pa't kabilang siya sa mga student council. May mga babae pa na hindi naniniwalang bakla siya, ang iba ay iniisip lang na baka fashion niya lang ito o kaya nag cocosplay lang siya. Pero ang totoo, bakla talaga siya.
Nang matapos na nga kaming mamili ng mga gamit at nag sawa na rin kaming mag libot-libot sa mall ay naisipan na naming kakain nalang muna.
Iyon nga lang, pagkalabas namin ng mall ay agad akong namilipit sa sobrang sakit ng tiyan ko.
"Babe?! Ano nangyari?" natatarantang tanong ni Yiren sa akin.
Napasigaw na ako sa sobrang sakit, nakahawak lang ako sa tiyan ko at hindi ko na nga kinaya, naupo na ako sa sahig.
"Omg! Babe! What happened?! Sumasakit tiyan mo?!" rinig kong tanong nanaman ni Yiren. Hindi ko magawang sumagot, sigaw lang ang lumalabas sa bibig ko. Napapikit na ako sa sobrang sakit.
Pakiramdam ko mamamatay na ako. Hindi ko na alam ang susunod na nangyari dahil nilamon na ako ng kadiliman.
Dahan dahan akong nag mulat at napapapikit pa ako sa sobrang silaw, sobrang lakas ng liwanag na sumalubong sakin pero pilit ko pairng minulat ang mga mata ko. May naririnig akong tunog ng kung anong machine kaya mabilis kong nilibot ang mga mata ko sa buong paligid.
"Nasan ako?" agad na tanong ko. Napabaling ako sa gilid ko nang maramdaman kong may gumalaw. Si Yiren iyon, mukhang naiiyak sa sobrang pag aalala.
"Rest ka muna." mahinang sabi niya.
"You're in the hospital. Just relax, everything is going to be fine." agad nalipat ang tingin ko sa doctor na nag lalakad palapit sa akin.
Nasa hospital ako?! Pilit akong bumangon at sumandal nalang muna sa unan, inalalayan naman ako ni Yiren.
"Bakit ako nandito?" naguguluhang tanong ko. Ang naaalala ko lang ay nasa mall kaming dalawa ni Yiren, bakit naman biglaang nandito ako sa hospital?
Naramdaman kong hinawakan ni Yiren ang kamay ko.

BINABASA MO ANG
A Feeling I Couldn't Resist (Vexed Men Series #5)
RomanceLyssam "Sammie" Sandoval, a gay man, never imagined that a single night with his friend, Alvira Silvas, would change everything. Habang nilalabanan ang kalituhan sa kanyang kasarian, nahihirapan siyang harapin ang sitwasyon kaya naman iniwan siya n...