Lyssam"Babes! May good news ako sa inyo." nakangising sabi ni Vira.
Alam ko na ang ngisi na 'yan, tuwing gumaganyan siya ay talagang hindi ko nagugustuhan ang mga sunod niyang sasabihin. Nakatitig lang kaming dalawa ni Yiren sa kanya, hinihintay ang sasabihin niya.
"Hindi niyo na ako kailangan ihatid ngayon dahil si Sandro ang mag hahatid sakin!" masaya niyang anunsyo, tumili naman si Yiren at nag highfive pa silang dalawa. Ako naman ay nag iwas nalang ng tingin dahil talagang hindi ako natutuwa.
Hindi pa nga nawala ang irita ko nong nasa bar kami na gusto niyang si Sandro ang mag hahatid sa kanya. Dinagdagan nanaman.
"Omg! Sobrang bilis naman ata. Ang galing mo diyan babe! I'm so proud of you." umakto pang naiiyak at nag beso beso ang dalawa. Ramdam ko namang sobrang saya ni Yiren na sawakas ay hindi na niya kailangang ihatid sundo si Vira.
Pariho naming hiniling dalawa noon na sana dumating ang araw na 'to pero ngayon... hindi na ako natutuwa. Kung noon ito nangyari ay baka ako pa ang unang tumalon sa saya. Ngayon ay naiirita ako gusto ko siyang sabunutan.
"Syempre ganun talaga pag sobrang ganda." maarteng nag flip hair pa si Vira, tumayo pa siya para mas makita naming dalawa ang gandang sinasabi niya. Hindi ko alam kung saan banda.
"Yup, I appreciate your joke, babe, but let's have a real conversation shall we?" pang aasar ko kay Vira. Ngumuso pa ako para pigilan ang matawa. Agad niya akong sinabunutan.
"Hindi joke 'yon! Siraulo ka." gigil na sabi niya. "Hindi ka ba nagagandahan sakin?" taas kilay na tanong niya, nilapit niya pa sakin ang mukha niya na agad kong kinaalarma.
Napasandal ako sa upuan ko. Ang lapit niya at hindi ako natutuwa... siguro para sa kanya ay walang epekto iyon pero para sakin, meron. Kaya nga tuwing magkasama kaming tatlo ay iniiwasan kong madikit sa kanya.
Napagkasunduan na namin noon pa na kalimutan namin lahat ng nangyari noon pero tuwing ganito... tuwing ganito siya ka lapit sakin ay naalala ko nanaman. Kahit apat na buwan na ang lumipas, di ko parin makalimutan.
Nakakainis.
Hindi ako nakasagot sa tanong niya na 'yon. Nakahinga lang ako ng maayos nang lumayo na siya sakin.
Nagpatuloy lang sila sa pag uusap ni Yiren ng kung ano-ano, hindi na ako nakakasabay dahil kung saan saan nanaman napapadpad ang utak ko. Nag selpon nalang ako para hindi na ako makapag isip ng mga bagay na hindi ko naman dapat iniisip.
"Oh bakit natahimik ka na? Nag away ba kayo ni Rance?" tanong sa akin ni Vira. Ngumiti ako at umiling.
"No. Inaantok lang ako." sabi ko nalang at nag selpon na ulit.
Wala akong problema kay Rance, ang totoo nga niyan ay parang perpekto na ang relasyon naming dalawa. Mabait at gusto ako ng pamilya niya, mabait si Rance at ramdam kong mahal niya nga ako. Nabigay niya lahat ng hiling ko sa isang relasyon.
Ang tanging hindi ko lang nakakasundo ay ang kaibigan niyang si Alejandra. Pero lagi naman akong sinasabihan ni Rance na wala akong dapat ikabahala at pinapakita niya rin talaga sa akin na ako nga ang mahal niya.
"Nalaman nyo na ba ang chismis? Eli is dating a girl now! I swear, I thought he was totally into guys. This is wild! No one saw that coming." agad akong napanganga sa sinabi ni Yiren, pinapaypayan niya pa ang sarili niya na parang naiimbyerna na siya sa chismis na iyon.
Isa si Eli o ang mga Lascano sa mga tinitingala ng school, masyadong matunog ang pangalan nila at si Eli ang pinaka mataray na bakla sa buong P.I.S, maarte siya at mapili kahit sa pakikipag kaibigan. Hangga't maari ay iniiwasan talaga namin siya o ang mga lalaking nagugustuhan niya. Tapos ngayon malalaman namin na babae rin pala ang babagsakan niya?
"Ano namang nakakagulat dun? May buntot parin naman kayo." singit ni Vira. Agad siyang hinampas ni Yiren.
Natigilan naman ako sa sinabi niya. Nakakaloka.
"Yeah, but babe, our minds and hearts were girl-coded! We love men, oh the abs! I can't even fathom dating a girl, I'd rather shave my head with a spoon than go on a date with one!" parang diring diri na sabi ni Yiren.
"Tapos sinabi mo mag papakasal ka sa babae? Baliw ka pala eh." natatawang sabi ni Vira.
Umirap lang si Yiren. "Forget it. Hindi ko pala talaga kaya."
Kahit nga ako ay talagang nandidiri tuwing iniisip kong babae ang jojowain ko, pero putangina naman! Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay hindi ko na alam kung saan hahanapin ang pandidiring iyon.
Iniisip ko nalang na baka nangyari 'yon dahil epekto ng kalasingan dahil iyon naman talaga ang totoo, baka sa panahong iyon ay akala ko lalaki ang kasama ko?
Sino bang niloloko ko?!
Alam na alam kong babae iyon, alam ko kung sino iyon, hindi ko lang pinipigilan at hinayaan kong lamunin ako ng pakiramdam na 'yon. Nakakatangina. Kung mababalik lang ang panahon na 'yon ay talagang pipigilan kong mangyari 'yon dahil sobrang laki ng epekto nun sa buong pagkatao ko.
Parang nag e-error na ang buong system ko.
Para na akong nababaliw.
"Right, babe?" baling sa akin ni Yiren. Agad akong napakurap kurap kanina pa pala ako natutulala at hindi ko na alam ang pinag uusapan nila.
"Ha?" tanong ko nalang. Hinampas naman ako ni Yiren.
"I don't know the deal about Eli, pero, like, there's absolutely no way we're gonna be like that, for sure. Alam kong hindi mo rin masisikmura ang pumatol ng babae! We're too gay for that kind of drama." naiiling na sabi ni Yiren sakin.
Hinawakan niya pa ang braso ko na parang sinasabi niyang ang laki ng tiwala niya sakin na di ko siya bibigyan ng trauma.
Hindi ako nakapag salita. Bumaling ang tingin ko sa katabi naming si Vira na nauubo na. Agad ko nalang na iniwas ang tingin ko dahil hindi ko na alam ang sasabihin.
Kung alam niya lang.
Baka mabaliw na siya.
Lumipas nga ang ilang araw na hindi na namin masyadong nahahatid sundo si Vira dahil si Sandro naman na raw ang bahala sa kanya. Hindi pa sila pero lagi silang magkasama. Wala raw siyang balak mag boyfriend kaya date date lang daw muna.
Ako naman ay abala sa amin ni Rance. Napapadalas na rin ang date at samahan naming dalawa sa school. Kahit pa medyo nasisira iyon minsan dahil sa biglaang pag sulpot o sa biglaan niyang pag alis para puntahan ang best friend niya... ayos lang din naman iyon sa akin. Naiintindihan ko rin dahil may babae rin naman akong kaibigan.
Si Yiren naman ay abala sa duty niya bilang VP, mas marami kasi talaga siyang mga ginagawa kesa kay Rance. May mga pinagkakaabalahan siyang hindi namin alam.
Nag kakasama lang kami ng matagal tatlo tuwing nasa classroom kami. Nag kukwentuhan lang kami sa mga nangyayari sa amin tuwing weekends na hindi kami magkasama dahil meron kaming iba't ibang lakad.
Minsan nga ay namimiss ko rin ang bonding naming tatlo pero naiintindihan ko rin na may iba't iba rin kaming mga buhay.
"Namiss ko na bonding natin, may lakad ba kayo ngayong sabado?" tanong ni Vira sa amin. Kita kong umiling naman si Yiren.
"Pupunta kami ni Rance sa kanila." agad na sabi ko. Bumagsak naman ang mga balikat nilang dalawa.
"Baka naman pwedeng sa susunod na 'yang lakad niyo, mag mall tayo!" pamimilit ni Vira. Busangot akong umiling sa kanya dahil hindi ko pwedeng tanggihan si Rance.
"Tayong dalawa nalang babe. Di natin siya bati." Parang nag tatampong sabi ni Yiren sa kanya. Tumango-tango naman si Vira at agad na umirap sa akin.
Napailing nalang ako.
Gustong-gusto ko namang sumama sa kung ano mang lakad ang pinaplano nila pero napagkasunduan na kasi namin na aalis kami ni Rance dahil pupunta kami sa kanila kasama ang... best friend niya. Pumayag nalang din ako dahil parang pagkakataon ko na iyon para mas makilala si Alejandra.

BINABASA MO ANG
A Feeling I Couldn't Resist (Vexed Men Series #5)
RomanceLyssam "Sammie" Sandoval, a gay man, never imagined that a single night with his friend, Alvira Silvas, would change everything. Habang nilalabanan ang kalituhan sa kanyang kasarian, nahihirapan siyang harapin ang sitwasyon kaya naman iniwan siya n...